Chapter 10

93 11 5
                                    

Maraming salamat @Theastic_2002 napapasaya mo ko laging sa mga comments mo. Lovelots <3

---

Chapter 10

Zeus POV

Napapasabunot nalang ako sa buhok ko habang naaalala kung paano ngumiti ang babaing yon na parang may naaalala na nakapagpapangiti sakanya.

Sh*t.

How many days, weeks, and month or worst YEARS should I wait to read her mind?! Papaano pala kung huli na ko at nakuha na sya ng iba? Napapamura na lang ako habang iniisip ang mangyayari sakin pagnagkataon.

I glance at my wrist watch pero bakit hindi pa yata pumapasok ang babaing yon? Imposible namang naligaw sya dahil itong opisina ko lang naman ang nandito sa palapag na to. I was about to stand up para puntahan ang babaing yon ng nakita kong bumukas ang pinto kaya napa upo ako kaagad.


"What took you so long?" tanong ko agad sakanya.

"Nasaan ang table ko boss?" nagtatakang tanong nya.

Table? Lamesa?

"Anong gagawin mo sa table?" nagtatakang tanong ko.

Kitang kita ko kung paano umikot ang mga mata nya na para bang napaka tanga ko.

"Malamang boss, doon ilalagay ang gamit ko hindi ba? Doon magtatrabaho at gagawa ng kung ano anong ipag uutos nyo. Wala ka naman po sigurong planong patayuin ako sa likod nyo hindi ba?"


Hindi ko pinansin ang pagiging sarcastic nya at itinuro ko sakanya ang table nya na nasa may sulok ng office ko. Kitang kita mula dito sa table ko ang table nya kaya hindi ako mahihirapang utusan sya.


"Hindi ba dapat nasa labas ang table ko? How can i entertain all your visitors kung nasa loob ako ng office mo?" naguguluhang tanong nya.

"Don't think about it, it's not your problem anyways. You're my secretary and not a receptionist so just do your job well."


Wynter's POV

Since secretary nga pala ako at hindi receptionist

dumiretso na ko sa table ko na nasa sulok ng opisina na ito. May laptop na nakalagay dito so hindi ko na siguro kailangang bawasan ang sahod ko. Iniayos ko na lahat ng gamit ko at pumunta ulit sa harap ng table ng boss ko.


"Boss, ano na po ang gagawin ko?" tanong ko sakanya.

May kinuha sya sa ilalim ng table nya at inabot sakin ang isang notepad.

"Check all my schedules na kailangan kong gawin ngayong araw and inform me after that, and please call me Sir and not Boss it's too informal Ms. Hidalgo."

"Sorry po Sir." nakatungong sabi ko bago bumalik sa table ko.


Ganito ba talaga sya kaseryoso pag nasa trabaho sya? Kanina ko pa nga syang tinatawag na boss pero hindi naman sya nagrereklamo.

Binuklat ko ang notepad na ibinigay nya sakin at halos lumuwa ang mata ko sa dami ng schedule na nakasulat dito.

Mas gugustuhin ko pa yatang maging body guard kesa maging CEO ng kompanyang to.


"Sir?" kuha ko sa atensyon nya habang may kung anong ginagawa sya sa laptop nya.

"Yes?" sagot nya habang nakatingin parin sa laptop nya.

"May meeting po kayo ngayong 9:30 with Mr. Nam sa Royal Cuisine Restaurant. After that may meeting rin po kayo mamayang 11 kay Mr. Falcon about a certain business deal tapos---"

"Okay I get it. Just text me the location of the meeting with Mr. Falcon. I'm just going to call you right after matapos ang business deal naming dalawa so you can remind me the other schedules." Putol nya sa sinabi ko.

"Okay Sir."


Tumayo na sya sa pagkakaupo nya at kinuha ang nagkakapalang imbak ng bondpaper sa table nya at naglakad papunta sa table ko habang nakangisi. Bakit parang hindi ko yata gusto ang paraan ng pagkakangisi nya ngayon?

Nanglalaki ang mata ko ng pabagsak nyang inilagay sa table ko ang mga nagkakapalang imbak ng bondpaper na kanina lang ay nasa table nya.

"A-Anong gagawin ko sa mga yan?"

"Basahin mo lahat at ilagay mo sa table ko ang mga importanteng dokumentong kailangan kong permahan. Kailangan mong matapos yan lahat bago ako dumating. Naiintindihan mo?"

Napatango na lang ako habang nakatingin parin sa mga dokumentong nakalagay sa table ko na parang kunting galaw ko lang ay mahuhulog na sa sobrang kapal. Aayusin ko na dapat ang mga papel sa pagkakapaong patong nito ng bigla nya kong tawagin.

"Ms. Hidalgo." tumingin ako sakanya at nakita kong nasa may pinto na sya.

"Po?"

"Don't forget to take your lunch."

Akala ko yon lang ang sasabihin nya pero nagkamali ako. Dahil ang mga katagang binitawan nya ay ang dahilan kong bakit nahulog ang mga papel na nakapatong sa table ko.






"Ayokong magutom ka. Mamahalin pa kita...... baby."




Damn. Bakit parang bumilis yata ang tibok ng puso ko?

My Boyfriend is a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon