Everything Has Changed

39 4 0
                                    

Madalas may mga tao na hindi natin napapahalagahan habang nasa atin. Hindi natin napapansin ang mga effort na ginagawa nila.

Pero paano kung isang araw dumating yung panahon na mapagod na sila, yung paggising mo isang umaga nag iisa ka na? pinipilit mong ibalik ang dati pero wala nang pagkakataon.

"Hoy! malakas na sigaw ni Weather sa nakatalikod na si Rain. Subalit hindi man lang ito lumingon. Gigil na kinuha ng babae ang isang kamatis na hihiwain sana niya at ibinato iyon sa likod ng lalaki. Inis na lumingon ang lalaki.

"You!!" wika nito sa babaeng tila nag uusok ang ilong sa sobrang inis.

"Ang ayaw ko sa lahat yung tatalikuran ako kapag kinakausap ko!" mariing wika ng babae. Ilang hakbang lamang ang ginawa nito palapit kay Rain. "Ano ha? aalis ka na naman? magsisimula ka ng away tapos duwag ka naman?" naningkit ang mga matang wika ng babae.

"What did you just say?"marahas na buntong hininga ang pinakawalan ng lalaki." I'm not the one who started this fight..it's you!!!" at dinuro nito ang babae. Buong panggigigil na kinagat ng babae ang daliri nito.

"Ahhh!!!!"malakas na sigaw nito, subalit ni hindi natinag ang babae.

"Nababagay sa'yo ang ganyan!sumbungero ka kasi!chuchu kahit hindi totoo, ang hilig mo pang magtahi ng kahambugan!!" at nagdadabog na iniwan nito ang kusina at umakyat na sa kwarto.

Walang nagawa ang lalaki kundi tanawin sa pag akyat ng hagdan ang asawang si Weather. Habang inis na ibinato ang mga hiniwang gulay ng babae. Paano ba naman isinumbong niya si Weather na nakikipagdate sa kaibigan nitong si Sunny, kaya't hindi ito nakarating sa family dinner nila napagsabihan tuloy ito ng mommy ni Rain. Si Sunny ang anak ng tita Neptune niya, bestfriend ito ng mommy niya. Ito ang namamahala sa negosyo ng pamilya nito na isang advertisement company, kung saan nagtatrabaho naman si Weather. Alam ni Rain ang lihim na pagtingin ni Sunny sa asawa niyang si Weather noon pa man, subalit wala siyang pakialam. Hanggang dumating ang isang araw at nasabi na lang niya na..









Everything Has Changed.



******************************************************************

Read this!!!♥☺



Everything has changedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon