Maagap pumasok ng opisina si Sun. Inaamin niya na nitong mga nakaraang araw ay masaya siya dahil palagi na silang nagkakasama ni Weather and this time wala na siyang pinangangambahan pa. Dahil sa nangyari nakakasiguro na siya na hindi na muling magiging hadlang si Rain. Napakunot ang noo niya ng makitang tila nagmukhang flower shop ang ibaba ng company nila. Habang ang mga empleyado ay tila kinikilig pang tinitingnan ang mga iyon. Lumapit agad ang secretary niya.
"Ms.Liza....ano to?" kunot noong tanong niya dahil wala naman siyang
natatandaang client patungkol sa mga flowers.Nakangiting sumagot si Liza. "Sir....para po Kay ma'am Weather yan....pinabibigay po ni Mr.Briones.''
Napataas ang kilay ng lalaki,pagkuwa'y lumapit ito sa isang bungkos ng bulaklak. "I'm sorry" iyon ang nakasulat sa note na iyon. Tiim bagang na humarap siya sa secretary niya.
"Magpatawag ka ng janitor and clean this mess......tatalikod na lamang siya ng may makalimutang sabihin,humarap siyang muli.
"And by the way.....huwag mong ipapaalam to kay Ms.Weather."
"Yes sir!" wika ng secretary habang nagtataka.Mabilis ang hakbabg na pumasok na ito sa sariling office. Naluwagan niya ang suot na necktie. Hindi niya akalain na muling magpaparadam naman ito. Mabilis niyang kinuha ang telepono.
"Ms.Liza....magpadeliver ka ng three boxes of red roses..now na"
"Ok sir..!" nagtatakang wika na lamang ng babae.
Kapapasok pa lang ni Weather sa office niya ng makita ang mga red roses sa ibabaw ng table niya. May pagtatakang tiningnan niya iyon.
"For the most beautiful girl I've known...."napangiti siya. Alam niya kasing si Sun na naman ang nagbigay noon. Kinuha niya ang cellphone sa bag at idinial ang no.ng lalaki.
"Hello?did you like the flowers?" masiglang bati ni Sun sa kabilang linya.
"Ano bang occasion Mr.Roque?" nakangiting wika ng babae.
"Bakit masama bang maalala ka habang nakita ko ang mga rose na yan?? ani naman ng lalaki.
O sige na thanks na...I like it.....libre na lang kita ng lunch mamaya.." nakangiting wika ng babae.
"No...ayoko ng libre mo lang."
"Eh ano dapat?" kunot noong wika ni Weather.
"Gusto kong ipagluto mo ko.....please.?" Tila batang wika pa ng lalaki.
Natatawang umiling ang babae. "Ok! Ok..but.....di ako ganun kagaling magluto ha?"
"Well let see na lang mamya...." at masayang ini off ng lalaki ang cellphone. Nangingiti namang pinagmasdan nito ang mga bulaklak bago umupo sa chair niya si Weather.
****
Thirty four klaseng bulaklak ang muling in order ng lalaking si Rain para kay Weather. Hindi man siya siguradong magugustuhan at tatanggapin ni Weather ang mahalaga naiparamdam niya dito ang pagmamahal niya. Maagap nag out sa office si Weather para magluto ng hapunan.Kasalukuyan na siyang naghihiwa ng gulay ng may magdoor bell.
"Ma'am delivery po papirma na lang po." Nagulat pa ang babae ng makita ang napakaraming klase ng bulaklak. Halos ay magmukhang may garden siya sa sala dahil sa dami ng mga bulaklak na may iba't ibang klase.
BINABASA MO ANG
Everything has changed
Krótkie OpowiadaniaSi Weather lubos na nagmamahal sa asawang si Rain. Pero kabaliktaran naman ang nararamdaman ng asawa para sa kanya. Hanggang dumating ang isang pangyayari na babago sa buhay niya at maapektuhan ang pagsasama nilang mag asawa.