Chapter Seven: Denial

7 1 0
                                    

Napakunot ang noo ng babae ng marinig ang sinabi ng asawa. "Ano daw? wag akong sumama kay tita? pero bakit? akala ko ba gustong gusto na niyang mag isa lang siya...tapos ngayon?

"Why?"ang lalaki naman ang kumunot ang noo.

""Why??".rain

"Bakit ayaw mo akong pasamahin?akala ko ba trip mo na nag iisa ka lang?"Napangiti ang babae."Eiii...ayaw mo akong mapalayo noh?"panloloko nito

Sarkastikong tumawa ang lalaki. "What? are you insane? you're unbelievable!! Hindi makapaniwalang wika ng lalaki.

"Eh hindi pala e bakit ayaw mo akong pasamahin?

"Wala akong mauutusan..maliwanag ?"pagdedeny ng lalaki. Napasimangot ang babae. Pagkuwa'y marahan itong lumapit sa lalaki. Ang lalaki naman ang unti unting napaatras.

"Aminin mo na kasi....ayaw mo lang na umalis ako...." ani ni Weather habang unti-unting lumalapit. Unti-unti namang umatras si Rain Lumapit ito ng lumapit.. Hanggang mapasandig na sa wall ang lalaki. Wala na siyang mauurungan kaya wala siyang choice kundi mapatitig sa babae.

Pigil ang hiningang napatitig siya sa maamong mukha nito,habang tila nakakalokong napapangiti. "Aminin mo na kasi you want me to stay...." Bulong ng babae,napalunok naman si Rain,

"Geez...my wife is so beautiful...that I can't help myself not to kiss her...

Ang babae naman ang nagulat ng bigla na lamang hawakan ni Rain ang magkabilang pisngi niya.. "You're the one who started this I'm gonna end this....

Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa babae ng biglang............

"Awwwww!!!!"

Nakangiwing wika ni Rain habang sapo ang noong namumula pa dahil sa pitik ng babae.

"No...I'm the one who will end it..."nakataas ang kilay na wika ng babae. Pagkuway kinuha na ang bag.

"Where do you think you're going?"Biglang humarang ang lalaki sa pinto.

"Aalis na....kaya pwede ba...umalis ka dyan sa pinto.."nakairap na wika ng babae.

No...I will never allow that.....think..Rain... Tumikhim ang lalaki.

"Fine mukhang di kita mapipilit....but before you leave, do me a favor...ikuha mo ako ng pagkain..."

"Adik ba itong asawa ko? hotel kaya ito....pwede namang --------

"Ayoko ng food dito....gusto ko yung sa restaurant na pinuntahan natin.....here ito ang listahan ng bibilhin mo.."

Napanganga ang babae ng Makita ang listahan. "A...ano to top 20????adik ka ba ha??!andami nito.....bakit kaya hindi ikaw ang-------naputol ang sasabihin nito ng takpan ni Rain ang bibig nito.

"Bakit ba ang daldal mo pa at mareklamo? simple nga lang yan..

"Eh, simple pala bakit di ikaw ang-----muling tinakpan ng lalaki ang bibig nito.

"If you don't shut your mouth...I'm gonna kiss you....wait! baka naman...gusto mo lang talaga na......"at nanunukso pa itong tumingin sa babae.

Painsultong tumawa ang babae. "Haha...funny!! in your dreams!!sabay irap dito. At padabog na ibinaba ang bag.

Napangiti pa ang lalaki ng lumabas na sa pinto.

Yesss!!!!!si tita na lang!!!

After 20 minutes......

Naka upo sa couch si Rain ng may kumatok...Tumayo niya at sumilip sa pinto. Nanlaki ang mata ni Rain ng Makita ang tita Mars niya.

Nagmamadaling itinago niya ang bag ng babae sa ilalim ng kama.

"Hi hijo!!" nakangiting bati ng babae sa pamangkin.

"Titamom...? so why are you here?" painosenteng wika ng lalaki.

"Ahm......I'm going with your wife to....but wait where is she?" inilibot ng ginang ang paningin sa silid.

Patay malisyang ngumiti ang lalaki. "Ah....tita...I forgot to tell you....she said she's not coming..."

Lalong kumunot ang noo ni Mars. "What? but she said......

"Yeah titamom..but something came up...so she can't go..."

Something came up? it's impossible! how can someone ..eh nasa akin ang phone nila? hmmmm..something is fishy...in here...

"Alright....sabihin mo na lang kay Weather...next time na lang....but...don't you never ever think of going home...dahil sabay sabay tayong uuwi...wika pa ni Mars sa lalaki. Tumango lamang ito. Matapos magpaalam ay lumabas na ito,napasuntok pa sa hangin ang lalaki.

"Yessssss!!" nagtagumpay siya sa planong huwag pasamahin ang babae.

******************************

Hello sa inyo..maikli lang itong Chapter seven..pero ganun pa man, read nyo pa rin ha..Comment and Vote are Highly appreaciated..Thank you!!

11/24/15

Everything has changedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon