Natatakot ako. Kasama ko ang aking mga kaibigan. Hindi ko alam kung nasaang lugar kami. Lumiko kami ng dinadaanan,may nakita kaming mga armadong lalaki, mabuti na lang at hindi nila kami napansin. Nakakita kami ng tulay na animo'y lulugso na ito. Kailangan naming tumakbo. Unang hakbang ko palang sa tulay ay tumunog nakaagad ang kahoy nito. Nakatawid kaming lahat, hindi nagtagal, bigla nalang nagkaroonng putukan sa paligid. Naghanap ako ng mapagtataguan. Hindi ko na alam kung asan na ang mga kasama ko.
Buhat sa aking pinagtataguan ay sumilip ako, nakita ako ng isang mama, tinutok nya sa akin ang baril nya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nataranta ako hanggang sa may isang yumapos sa aking bewang at hinigit ako. Pinaputukan nya ang mga armadong mga lalaki.
Natapos na ang putukan.
" Kuya salamat po. " pasasalamat ko sa lalaking nagligtas sa akin. Hindi siya umimik bagkus ay hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Nagpatianod na lang ako, hindi nya naman siguro ako ipapahamak di ba? Niligtas nya nga ako kanina.
Napatigil ako sa paglalakad ng naramdaman kong kumirot ang aking tuhod, tiningnan ko ito. Nakita kong may sugat ako, hindi naman grabe. Napatigil din siya sa paglakad. Tiningnan niya ang aking tuhod.
Walang pasabing binuhat niya ako. Napagmasdan ko siya ng malapitan.. Ang kanyang mapupungay na mata,labi na mapula at ang kanyang mga balikat na nagpapahayag na ang kanyang katawan ay matipuno.
Nakarating kami sa isang lugar na masasabing hide out. Feeling ko'y safe ako dito. Nakita ko din ang aking mga kaibigan na ginagamot ang kanilang mga sugat. Nakita kami ng mga tao doon, nagtanguan lang sila. Binaba niya ako sa isang upuan.
" First aid kit. " saad niya. May isang babaeng dali daling lumapit sa amin at binigay ang first aid kit. Mukha siyang takot na takot.
Nilagyan niya ng betadine ang sugat ko, nilinisan niya at nilagyan ng benda. Ang laki niyang tao, ang bait niya pero nakakatakot pa din siya.
Binuhat nya ulit ako.
" Kumain ka.. " binigyan niya ako ng tinapay.
" Salamat. Anong pangalan mo? " tanong ko.
" Ako si... "
" Miraaaaaa!!!! Bumangon ka na, malelate ka na! " Ugh! Damn! Sayang, sayang! Yung name nya. Huhu. Bwisit! Ba' t kasi wrong timing manggising si mama.
" Ma, anong oras na po? " tanong ko kay mama habang nag iinat ako sa aking kama.
" 7:30 am na. Anong oras ba ang klase mo? " sagot ni mama. Takte na malupit. Umalis na si mama.
" 8 po. Waaaaahhhh!!! Mama naman e, dapat kanina mo pa ako ginising! " sigaw ko. Dali dali akong bumangon sa kama at naligo.
---------
Guys, feel free to read, vote, comment and suggest :D
BINABASA MO ANG
The Guy in my Dreams
AdventureMira met a guy in her dreams. She also met someone like that person in her real life. Are they one?