Nagpaalam na ako kay mama and guess what? Halos masaulo ko na ang mga bilin nya. Si kuya daw ay nasa bayan na, mabuti naman.
Pagkadating ko sa school, andun na ang bus na sasakyan namin. Hinanap ko si Rina. Sumakay na din kami sa bus.
" Emeged! MSI, herewe are! Marami sigurong boys dun. " saad nya.
" Syempre madami kasi ilang schools ang pupunta dun sa event. " sagot ko.
Hindi na sya nagalita pang muli. Ang mga kaklase e ay maiingay pa din, chix at boys ang usapan. Hayy. Matutulog na lang ako. Naglagay ako ng earphone at nagsoundtrip.
Nagising ako ng may nag tapik sa braso ko. Nakatulog pala ako along the way.
" Mira, gising na, andito na tayo. " nagready na kami para bumaba. Medyo may kabigatan yung bag ko. Kalhati ng laman ng bus ay nakababa na. Pagkababa namin ay may mga guro at estudyante na nasa baba, mga taga MSI.
Nagheadcount muna kami. Pumasok na kami ng paaralan. Ang laki ng school nila. Malaki din naman ang school namin pero mas malaki ang kanila. Inaassist kami ng mga taga MSI papunta sa quarter namin. Bago makarating dun, kelangan muna naming akyatin ang hagdan. Hay, hagdan, ang bigat ng bag ko. Kasabay ko pa din si Mira.
Nakakalimang baitang pa lang ako ng may kumuha sa akin ng bag ko. Nagulat ako, pati na din ang iba. Ang bilis nyang nakarating sa room namin. Hindi na ako nakapag pasalamat dahil umalis kaagad sya. Next time na lang ako magpapasalamat pag nakita ko ulit sya kaso hindi ko sya masyadong namukhaan. Kainis!
Tinext ko na si mama na nakaraing na kami, nagreply naman sya na andun na daw si kuya sa bahay.
" Gosh, girl, ang swerte mo! " tuwang tuwang sabi Ni Rina.
" Anong swerte don? Nakakahiya nga e. " nagtatakang saad ko.
Hindi na nya nasagot ang tanong ko dahil pinapapunta na kami sa court ng school.
Pumila kami kasi nakapila ung iba so gaya gaya na lang.
Nagsalita na ang mga namumuno sa paaralan. Ginala ko ang aking mga mata. Sa paligid ng court ay may botanikal, napaka religious naman nila. May mga benches din na pwedeng pagtambayan. May pool din sila. May sarisarilig court ang mga larong VB, badmenton, BB at iba pa. Natigil ako sa pagmasid ng mabulungan ang mga kaklase ko. Lahat sila ay nakatingin sa stage. Dala ng kuryosidad, tumingin din ako. Nagulat ako ng ang makita ko ay yung lalaking tumulong sa akin kanina. Sya pala ang President ng SSC dito.
" Good Morning Everyone! I'm Brent David, the school's SSC President. You can approach me if you have some problems. Hope you enjoy your stay here in our shool. " wow, ang galing nyang magsalita. Nakaka admire ang self confidence nya and yung aura nya, leader na leader. Kanina nung nagsasalita na sya ay tahimik lang ang lahat.
Brent..
Brent ang name nya..
Tadhana, ikaw na ba yan? Sana.
Pumunta na ulit kami sa quarter namin. Bukod ang room ng mga boys sa girls. Nagpalit na kaming damit at nagpasyang pumuntang canteen. Habang naglalakad ay nagtetext ako kay mama. Puro sya paalala. Hay. Mama talaga. Tinago ko na ang cellphone ko at nagpatuloy na sa paglakad kasama ang mga kaklase ko. Nagmamasid muli ako sa paligid ng may dumagil sa akin.. May maagap na sumakap sa akin , kung wala ay natumba na siguro ako sa semento.
Tiningnan ko ang lalaking nakasalo sa akin. Nakatingin din sya sa aking mga mata. Tila tumigil ang pag -inog ng aming mundo. Yakap pa din nya ako, ng marealize ko kung anong posisyon namin ay tumayo na ako at dumistansya sa kanya.
" Pres. Sorry po, Miss sorry din. Sorry. Hinahabol kasi ako ng kaibigan ko, nagkatuwaan kami. " hinging paumanhin ng nakadagil sa akin.
" Next time wag kang tatakbo sa pathway, alam mo namang marami tayong bisita ngayon na taga ibang school. " saad ni Brent.
"Ok lang sa akin, kasalanan ko din naman dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. " hinging paumanhin ko din.
" opo, salamat po. Sorry po ulit. " saad nya at umalis na sya.
" Kuya, salamat po sa pagsalo sa akin at salamat po sa pagbuhat nyo ng bag ko kanina. " sabi ko kay Brent.
Tumingin siya sa akin.
" Walang anuman. Sige mauna na ako. " paalam nya. Blangko ang ang ekspresyon niya, nakakatakot. Andami nyang kasunod na estudyante. Ang iba ay nakangiti pang tumingin sa akin.
" Sige Miss, una na kami. Ingat ka na lang. " paalam ng sa sa akin. Tumango na lang ako.
Lumingon ako sa paligid, hindi ko nakita si Rina, baka nauna na sa canteen.
Pumunta na rin ako sa canteen at nakita ang aking mga kaklase kasama si Rina, kumain na kami. Kailangang busog dahil mamaya na ang start ng activities hanggang gabi.
---
Ano guys, sa palagay nyo si Brent at si Brent David ay iisa? Kung may suggestions po kayo na scene, ok lang po, comment nyo na lang, gagawan ko ng paraan. :D salamat po sa mga nagbabasa nito.! ^_^
BINABASA MO ANG
The Guy in my Dreams
AdventureMira met a guy in her dreams. She also met someone like that person in her real life. Are they one?