Chapter 5

3 0 0
                                    

Nagtipon tipon muli kaming mga participant sa media center. Ginrupo kami. Halo2x na. I mean, swerte mo na lang kung may maging kagrupo ka na kaklase mo. Unexpeted na kasali pala si Brent. At kagrupo ko pa sya. Games kami ngayong hapon. Sya ang leader namin. Sempre alam na nya ang pasikot sikot dito sa school.

Bago kami maghanap ng mga stations, nag usap usap muna kami. Nagpakilala sa isa't isa. Nagsabi din si Brent na ituring syang tulad namin, kasi naman e, president kaya sya. After that, naghanap na kami ng mga stations ng sama sama.

Ang una naming nahanap na station ay ang Balloon. Yung balloon iipit sa pagitan ng hita at iikot sa bangko. Para syang sack race. Ililipat yung balloon sa kasama ng hindi gumagamit ng kamay. Hirap. Mejo natagalan kami kasi pumutok yung balloon nung kasama namin so kelangan nya pang ulitin.

Naghanap ulit kami ng station.. napapunta kami sa parking lot at promise, ang lawak ng parking lot nila.

Ang nahanap naming station ay yung mag aakbay akbay kaming lahat at pupunta sa kabilang side while yung isa naming paa e nakataas, so hop sya. Nag akbay akbay na kaming lahat. Napatingin ako sa kaakbay ko, si Brent pala. Napatingin din sya sa akin. Kung hindi sumigaw ng " Ready " yung kasamahan namin e siguro walang magbababa ng tingin sa aming dalawa.

" 1, 2, 3. Talon! " paulit ulit na chant namin. At sa wakas ay natapos na namin.

Naghanap ulit kami ng station. Maraming station pa ang kailangang puntahan. Takbuhan na kami. Hindi ko namalayan na napahawak ako sa kamay ni Brent. Alam mo yung bigla bigla ka na lang mangangapit sa iba? Ganon ako e, hindi naman nya naansin. Tatanggalin ko na sana ng hinigpitan nya ang kapit sa kamay ko so hindi ko na lang tinanggal. Nagpatuloy kami sa pagtakbo.

Sa Media ang next station, the challenge is kailangang ibalanse yung bote na may lamang tubig sa babaw ng towel habang dumadaan a drawing, dapat hindi lalagpas ang mga paa doon sa drawing.
Nagsimula na kami.

Nakakainit ng ulo. Aish. Nagsisigawan na kami. Kasi naman nahuhulog yung bote. After 20 minutes, natapos namin, oo, 20, mahirap talaga e.

Next station ay sa pool. Mababasa kami nito. Mabuti na lang nagpalit na ako ng shorts. Mechanics ay pipila kami at ibubuka ang paa. Sisisid yung player sa ilalim namin.

Pangatlo ako sa lumangoy, okay naman. Nauna sa aking lumangoy si Brent. Marami na din ang sumunod. Last player na lang.

Nagulat ako ng biglang umahon yung player. Napasakto pang sa tapat ko. Medyo natumba ako ngunit maagap akong hinawakan ni Brent. Ok naman yung player, humingi sya sa akin ng sorry, kinapos daw sya ng hininga.

Aftef that, pumunta na kami sa hall kasi doon ang last station which is the cheering. Pangalawa kami sa nakatapos, we earned a stick-o. Lamig na lamig na ako, iniintay pa kasi yung iba. Grrr.

Nabigla ako ng may nagpatong ng jacket sa balikat ko at nang lumingon ako, mas lalo akong nabigla ng makita ko si Brent sa likuran ko.

" err, salamat Brent. "

Tumango lang sya at umupo na sa upuang katapat ko.

Nanunuot sa aking ilong ang mabangong halimuyak ng dyaket nya. Lalim noh? Deep.

Kulay gold sya na may linings na red which I think is based on the school's flag. Medyo malaki sya sa akin pero ok lang naman. Meron ding nakaburda na DAVID sa may bandang kaliwa ng dibdib.

Nagplano na kami about sa cheering na ipe-present namin mamaya.

After ng cheering ay pinapunta na kami sa mga rooms namin upang mapalit kung gusto pero yung iba ay pumunta na sa canteen para kumain.

Hinanap ko si Brent. Yung dyaket nya kasi nasa akin pa, nakakahiya pa kasi nabasa na din yung dyaket.

Sa kasamaang palad, hindi ko sya makita. Nagpalit lang ako saglit ng damit at pumunta na din sa canteen para kumain. Umupo ako katabi ni Rina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon