Pumasok na ako, mabuti na lang at hindi ako nalate. Umupo na ako. Linapitan ako ng seatmate ko.
" Mira, may assignment ka na? " tanong nya sa akin.
" Oo, halos 10 na nga ako nakatulog. Ang hirap nga e. " Sagot ko. Di nagtagal ay dumating na din ang guro namin.
Ang boring naman. Naalala ko na naman yung panaginip ko kanina, sayang talaga. Sana nag eexist talaga siya, sana may mameet ako na tulad nya na handa akong ipagtanggol, protektahan gamit ang matipuno nyang katawan. Sana mapanaginipan ko ulit sya..
" Mira, tara na, bell na. Recess na. Kanina ka pa tahimik dyan. " Pukaw sakin ni Rina, ang seatmate ko. Hindi ko namalayan na bell na pala.
Pumunta na kami sa canteen. Humanap muna kami ng mesa, si Rina ang bibili at ako naman ang magbabantay sa pwesto namin.
" Mira, sasama ka ba sa camping natin? " napaisip ako, hindi ko pa nga pala nababanggit kay mama yun.
" Hindi ko pa nababanggit kay mama e, nakakalimutan ko. "
" Magsabi ka na hanggat maaga pa. "
" sige, sana payagan ako. " kumain na kami.
---
" Students, for those who will join the camping, kindly approach me for the waver. Class dismiss "
Humingi din ako ng waver. Umuwi na ako.
" Mama, gusto kong sumama sa camping, 3 days yun. Please mama? " pakiusap ko. Please pumayag ka.
" May kasamang teachers? "
" Opo. "
" Kasama ba si Rina, yung seatmate mo? "
" Opo, sa totoo nga po sya pa yung nagpaalala sa akin kanina. "
" Saan ba gaganapin ang camping na yun? Malayo ba? "
" Hindi naman po, 3 hrs. From here po ang byahe. Hehe. "
" Mejo malayo. Kelan ba ang simula nyan? "
" Sa isang araw na po. Bukas na po ipapasa yung waver. Ito po yung waver. " Kinuha ko yung waver sa bag ko at binigay kay mama.
Pinirmahan na ni mama yung waver ko. Yes!!
"Kain na tayo anak. "
" Mama, kelan daw uwi ni kuya? " tanong ko.
" Sa isang araw anak, don't worry, hindi daw muna sya aalis ulit, magbabakasyon naman daw sya."
" Mabuti naman po at may makakasama kayo dito habang nasa pagcamping ako. "
Natapos na akong kumain. Naggawa na din ako ng ilang assignments ko. Inayos ko na din ang bag ko para bukas.
" Nay, matutulog na po ako. Matulog na din po kayo. "
Humiga na ako sa kama ko. Pumasok na naman sa isip ko yung napanaginipan ko. Like ko si kuya, sana malaman ko yung name nya, sana mapanaginipan ko ulit siya.
"Mira, pasyal tayo. " yakag sa akin ng kaibigan ko.
" Hmmmm. Mira, kain ka daw muna bago ka kung saan pumunta. " Pigil sa akin ng isang tauhan niya.
" Sige po, asan po ba si kuya? Yung kasama ko kahapon? "
" May pinuntahan lang yun. "
" Sige po, kakain muna ako bago kami mamasyal. " Umalis na siya, nakamasid naman sa akin yung kaibigan ko.
" Talagang binabantayan ka nila dito ah. " Saad nya.
" Hindi naman. Halos lahat naman para maging safe tayo. wag tayong lalayo sa pamamasyal ha? "
" Oo, sige, tapusin mo na mo na iyang pagkain mo. "
Pagkatapos kong kumain ay namasyal na kami. Nakakita kami ng isang parang. Ang ganda ng paligid. May mga bulaklak. Mejo malayo ang lugar pero may bantay naman na tanaw kami.
" Waaaaah, ang ganda... " amaze na amaze na saad ko.
" Oo nga, mamitas tayo ng bulaklak. "
" Sige, sige. " sang- ayon ko. Namitas na kami ngunit biglang umulan.
" Balik na tayo, dali. " yakag ng kaibigan ko. Nagsimula na siyang tumakbo. Dahil masakit pa din ang tuhod ko, hindi ako makatakbo ng mabilis.
May matitipunong braso ang bumuhat sa akin, laking gulat ko ng mapagtanto kung sino ito. Nabitawan ko na din ang mga napitas kong bulaklak. Siya na naman, yung lalaking nagligtas sa akin kahapon. Hindi nya alintana ang bigat ko, tumakbo sya.
Pagkarating namin sa hide out may sumalubong sa aming babae, yung nagbigay kahapon ng 1st aid kit, inabutan nya sya ng towel. Binalot naman niya ako sa towel. Alagang alaga nya ako. Pinagmamasdan ko lang siya. Siya naman ang napunas sa sarili nya.
" Salamat at sorry kasi nabasa ka. Galit ka po ba? " Tanong ko. Tumigil sya sa pagpunas at tumingin sa akin.
" Ok lang, hindi ako galit. Dapat hindi ka muna namasyal kasi hindi pa naman magaling ang sugat mo. "
" Pero ok lang naman ang maglakad, hindi naman namin alam na uulan pala. Sorry basta kasi dahil sa akin nabasa ka. " Ngumiti lang siya sa akin.
" 16 na ako, ikaw, ilang taon ka na? "
" 18."
" wow, matanda ka lang sa akin ng 2 years. " saad ko.
" Ilang beses mo na akong niligtas pero hindi ko pa din alam ang pangalan mo. "
" Brent, yun ang pangalan ko. "
" Brent.. Brent.. " Paulit ulit kong binigkas ang pangalan nya.
" Ang ganda naman ng name mo. Ako naman si Mira. " ngumiti lang siya.
Binigyan ako ni Manang Lourdes ng damit, sya yung babae na nag abot sa amin ng 1st aid kit at towel. Sya yung pinakang katiwala dito sa hide out, kungbaga sa mansyon e mayordoma.
Matapos kong magpalit ng damit ay umupo ako, pinagmasdan ko ang kapaligiran. Nakita ko ang mga kasama ko dati, ang mga lalaking kasama ni Brent na nagligtas din sa amin noong putukan. Nakita ko din si Brent na papalapit sa akin..
" Mira.... Gising na! Mira!! " That dream again, good thing is, I know his name already.
" Yes mother, coming! " Haha, English speaking ang peg. Time for school!
-----
Comment, vote, suggestions? :D
BINABASA MO ANG
The Guy in my Dreams
PertualanganMira met a guy in her dreams. She also met someone like that person in her real life. Are they one?