Chapter 3

2 0 0
                                    

Bago magstart ang klase ay kinolekta na ng adviser namin ang aming mga waver. Hqalo lahat ay sumama sa klase namin. Excited na akong makarating sa MSI.  School ito, malayo pero ang alam ko, mayayaman at matatalino ang nag aaral dito.

" Mira, excited na ako! Mabuti na lang at pinayagan ka. " saad ni Rina.

" Oo nga, maggagayak na ako mamaya pagkauwi ko, mabuti na lang at naglaba ako nung nakaraang araw. "

Hindi kami nagklase. Mineeting kami ng aming adviser tungkol sa aming dadalhin. Sinabihan din kaming mag ingat at ienjoy ang activity. Matapos ang meeting ay pinauwi na din kami.

" Ma andito na po ako! " humalik ako sa pisngi nya.

" Ang aga mo ngayon ah. " Nagtatakang saad nya.

" Pinauwi po kasi kami ng maaga. Sige po ma, magagayak na ako ng gamit para bukas. "

Kinuha ko ang backpack kong malaki. 3 days lang naman kami e.

Toothbrush..

Toothpaste..

Damit..

Undies.. etc. Etc.

Tiklop, tiklop, lagay..

After 3 hours, sa wakas tapos na! 7:30 na pala. Pumunta ako sa kusina, nakita ko si mama na naghahanda ng lamesa.

" Oh, anak, mabuti naman at bumaba ka na, pupuntahan sana kita pagkatapos ko dito. Tapos ka na ba sa pag ayos ng mga gamit mo? " tanong ni mama.

" Opo, tapos na. Paumanhin po at hindi ako nakatulong sa paghahanda ng lamesa. "

Kumain na kami. Puro paalala si mama sa akin. Si kuya daw ay mamayang gabi ang byahe pauwi dito kaya bukas ang dating nya.

Naghugas na ako ng mga plato, pinagpahinga ko na si mama kaya nanonood sya ngayon ng tv. Hindi nagtagal ay pumunta na rin ako sa kwarto ko.

Kung itatanong nyo, simple lang ang bahay namin, may second floor. 4 ang kwarto, ang isang kwarto ay nakalaan sa bisita. Si papa, nasa ibang bansa sya, every year sya umuuwi.

Bago ako matulog, nag gm muna ako.

Excited for tomorrow.
Kayo guys?

G. Night!

" Brent! Saan tayo pupunta? " tanong ko sa kanya habang naglalakad kami and I don't know where are we going.

" Basta. " Simpleng sagot nya sa akin.

Tss. 'Tong lalaking to, ang tahimik. Nalaman ko din na isa sya sa may mataas na katungkulan. Ang bata pa nya, pano nya nakuha yung ganong posisyon? Ano yun, nag ALS? hay, ewan. Tumigil kami. Tumingin ako sa palid, namangha ako sa paligid. Doon ay may talon at isang cute na kubo. Pwede ng touridt destination, sayang.

Umupo kami sa kubng nandon.

" Anong gagawin natin dito? " tanong ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin. " Ano nga ba? Magtititigan? " damn that lips, ngumiti sya. Kita na naman ang dimples nya. Once in a blue moon lang talaga sya ngumiti, laging authoritative ang aura nya.

Namula ako sa sagot nya.

Nang nakita nya ang reaksyon ko ay tumawa sya. Kahit ang pagtawa nya ay napaka manly.

" Hmmp! Ewan sayo. Ano nga? " pangungulit ko sa kanya. Oo, nakakatakot sya pero mabait sya sa akin e.

" Last time mo na akong makakasama, ibabalik na namin kayo bukas sa pamilya nyo. Kinontact na namin ang mga pulis malapit sa inyo. Nag aalala na ang mga magulang nyo kaya hind na kaya pwedeng magtagal dito."

Tumulo na ang aking mga luha. Gusto ko pa syang makasama at makilala. Lumapit sya sa akin at hinagod ang likod ko. Lalo akong naiyak.

"Husshhh, wag ka ng umiyak. "

" Pero gusto ko pa dito.  Makikita ba ulit kita? " iyak ko. Napangiti sya.

Niyakap nya ako.

" Oo naman. Makikilala mo din ako sa reyalidad Mira.. Iintayin kita..." saad nya at tuluyan na syang nawala.

Ang lalim ng hinga ko. Hinipo ko ang mga mata ko, basa ito. Tanda na lumuha ako. Geezz. So talagang may Brent? Masyadong malaki ang Pilipinas at ang planeta, saan ko sya makikita? Aish. Maggagayak na ako. Maaga kami ngayong aalis.

The Guy in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon