Chapter 4
Eto nanaman ako Guys ^_^
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ash POV
T-te-teka si Jess at Drake yun ah bakit sila magkasama? pumayag na ba si Jess? Humanda yang Drake na yan sakin walang kaibi-kaibigan dito pag si Jess ang pinag-uusapan. Nakita kong umandar na yung kotse ni Drake masundan ko na lang para malaman ko kung san nito dadalhin si Jess.
ring....ring.....ring.....
"Kate?" tanong ko parang sya eh kaboses nya
"oo ako to, nasan ka ngayon?" tanong nya sakin aba nag-aalala natural panong hindi to mag-aalala eh baka mawalan ng gwapong boyfriend
"wag mo nang alamin kung nasan ako, magkita pala tayo bukas ng umaga mga uhm.... 6:00 sa grounds dun sa gilid kung san tayo nagkakilala may sasabihin ako sayong importante" sabi ko sa kanya alam nyo na siguro kung ano gagawin ko no?
"Na-eexcite naman ako Hubby dyan sa sasabihin mo sige bukas ah I love you hubby" sabi nya maka-hubby eh hindi naman kami mag-asawa feeler din to eh
"Sige na ibababa ko na bye :)" sabi ko sa kanya nakakatmad kaya to kausap
"ibababa mo na?" tanong nya bwisit di nya ba narinig sinabi ko
"hindi hindi itataas ko, kasasabi ko lang diba? nakakaintindi ka ba? o sadyang bingi ka na ngayon?" bwisit kausap di mo alam kung nakakaintindi ba o hindi
"ok bye" binabaaan ko na nakakainis eh teka nawala na sila Drake pano na yan kasi naman eh san ko naman hahanapin ngayon si Jess? ......................... ah alam ko na
Nandito ako sa harap ng bahay nila Jess baka nandito na yun
tok...tok...tok
"Tita si Best po?" tanong ko kay tita mommy ni Best syempre magalang din to no
"Hindi pa sya umuuwi eh kala ko kasama mo pero pa nakauwi sasabihin kong dumalaw ka" sabi ni Tita san naman kaya yun pumunta
"Ah sige po salamat" sabi ko na lang tsaka sumakay na ko ng kotse, san na ba yun di nya ba alam na nag-aalala ako sa kanya. Matawagan na lang
ring..ring...ring...ring...ring...ring....
Bakit walang sumasagot? bakit ring lang ng ring? di kaya may nangyari na sa kanya?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jessica POV
Nandito kami ngayon sa Park ang sarap dito lalo na ang ihip ng hangin pag gabi at yakap ka pa ng taong may mahal sayo. daapt kalimutan ko na nga ang nararamdaman ko kay Ash dapat lang yun at si Drake na lang
"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Drake salamat sa kanya dahil lagi syang nandyan para saluhin ako
"Ayos lang ako ang sarap dito no?" tanong ko sa kanya tsaka ako ngumiti
"oo masarap dito lalo na ngayon na kasama kita alam mo bang pinangarap ko to at ngayon nagkatotoo na" bigla nyang hinawakan ang kamay ko "Jess salamat" tsaka sya ngumiti nginitian ko rin sya. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya at alam kong napangiti ko sya dun
BINABASA MO ANG
My Everything(Friend)
RomancePaano kaya kung mahanap mo sa sarili mo na nahuhulog ka na sa matalik mong kaibigan kahit alam mong hindi pwede ? Paano kung bumalik sya na matagal mo nang hinihintay pero ngayon meron ka ng iba? Inisan na dumako sa pag-ibig Basta yun na yun ^_^