[10] Ok....

35 3 0
                                    

Matagal ba? pasensya na

^_^

»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

Camille POV

Nandito na ko sa bahay nila Ash iniwan na namin yung dalawa dun sigurado akong nagde-date yung dalawang yun kainggittttt...

Hanggang ngayon namomroblema pa rin ako sa problema namin ni Ralph , simula nung sinagot ko yung tanong nya naging malayo na ang loob nya sakin :( gusto ko syang kausapin pero di ko magawa ewan ko kung bakit nahihiya ba ako? siguro nga hayyyy ang hirap talaga ng maganda .....

"Ate bakit parang ang lalim ng iniisip mo dyan?" tanong sakin nitong si Leslie 14 years old na sya dapat ko bang i-share sa kanya? hindi siguro

"Ah wala naman" tsaka ako ngumiti pekeng ngiti

"Ako pa niloko ate ano tingin mo sakin tanga?! kahit 14 pa lang ako ate alam ko na yan, problema sa lovelife yan" walang preno nyang sabi sakin, aba alam agad

"Ah galing mo ah" tsaka ko sya tinapik sa balikat lovelife daw?

"Ang sakit ate, ano ba problema nyo ni kuya Terrence?" tanong sakin aish

"Hindi si Terrence yung kaibigan ko lang yun" marahan kong wika sa kanya

"Ikaw ate ha" tsaka sya ngumisi ng mukhang may ibinabalak

"Wala ah" sabi ko sa kanya

May nilabas syang album oo eto nga isa sa mga binili ni Ralph yung album ng Girls' Generation

"Ate pakinggan na lang natin to" tsaka nya ipinakita sakin yung album yung medyo hawig sakin YoonA pangalan

"Magkasing ganda kami nyan" masaya kong wika kay Leslie

Tinignan-tignan nya yung parte ng mukha ko tsaka nagsalita

"Oo nga no" sabi ni Leslie

ring.....ring....ring....

Sino nanaman to...... namomroblema nga ako kay Ralph eh, baka si Ralph na to aka sya na nga sa wakas makakausap ko na rin sya, bakit nga ba gustong-gusto ko syang maka-usap

Me: Sino to?

Ralph: Pwede ka bang pumunta dito?

Me: Ralph?, nasan ka ba?

Ralph: Bahay, alam mo ba papunta? ...... punta na lang ako dyan, sunduin kita

Me: wag na ako na lang

Ralph: Sunduin na kita

Me: wag na sabi eh

Ralph: oo nga pala nandyan si Terrence

Me: Ehhhhhh basta ako na lang pupunta dyan

Ralph: sure?

Me: yeah sure , I'll be there

Ralph: Thanks, I'll wait, I Love You, Take Care

My Everything(Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon