[5.1] Vacation Part 1

56 5 1
                                    

Chapter 5

^_^

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jessica POV

Ngayon na nga pala yung araw na pupunta kami sa Tagaytay dun kami sa Rest House nila Ash at ang masaklap pa eh Ako,Drake,Mille,Ash lang ang pupunta dun gusto ko sanang wag na sumama pero nakapagsabi na ko eh kung magdadahilan ako mapapansin na ng tuluyan ni Ash na iniiwasan ko sya kaya wala nang atrasan to

tok...tok..tok..tok

Sino naman to ang aga-aga pa eh 4 pa lang oh 8 ang alis namin si mama talaga kung gisingin ako kailangan 4 hours advance? talaga naman

"Mama 4 pa lang ng umaga 8 pa ang alis namin patulugin mo muna ko kahit sandali" sigaw ko kay Mama

"Anak may bisita ka papasukin ko na ah" teka bisita? sino naman? parang kilala ko na kung sino tong bisita ko yun talaga maaga pa kay batman kung dumating eh. Bumukas na yung pinto at syempre sya nga

"Ang aga mo naman Drake 4 pa lang oh" sabi ko sa kanya sya naman walang ginawa kundi ngitian ako kainis lang

"ok lang yun kung gusto mo matulog ka muna alam kong inaantok ka pa kaya sige matulog ka muna dyan dito lang ako" sabi nya ng nakangiti nanaman kailan ba sya titigil sa kangingiti?

"Eh anong gagawin mo pag natulog ako?" tanong ko sa kanya

"pagmamasdan ko lang ang magandang babaeng nasa harapan ko ngayon hanggang sa makatulog sya" sabi nya alam kong namumula na ko ngayon kaya eads down muna "Namumula ka ata" sabi nya tsaka sya nag-smirk

"hindi na nga ako matutulog ikaw kasi eh " sabi ko sa kanya

"matulog ka na sige na My Princess" sabi nya ano sabi nya My Princess?

*FLASHBACK*

"Jessica My princess balang araw ikaw lang ang magiging Princess ng buhay ko at magkakaroon tayo ng maraming anak at titira tayo sa iisang bahay" sabi nya haban nagallaro kami ng kasal-kasalan

"Ako rin Ash ang Prinsipe ko" sabi ko sa kanya

"Magiging tayo paglaki natin ha" sabi nya sakin habang hawak ang kamay ko

"Oo naman Salamat Ash lagi mo kong pinoprotektahan" sabi ko sa kanya

"Oo nandito lang ako lagi Promise " sabi nya sakin tsaka ako niyakap

*END OF FLASHBACK*

Naalala ko nanaman yun ang alaalang ayaw ko nang maalala kasinungalingan yun kaya dapat hindi ko paniwalaan at sa bagay laro lang yun kailan pa naging totoo ang laro basat ayoko na yun maalala

"o tulala ka dyan?" tanong ni Drake sakin

"w-wala may naalala lang ako" sabi ko tsaka ko sya nginitian "tulungan mo na alng ako mag-ayos ng gamit ko" sabi ko sa kanya

Tinulungan nya kong ayusin yung mga gamit ko kinuha nya lahat ng dapat kong dalhin kasi ang alam ko 1 week or more dun kami kaya ganun sa iisang bahay ko sya makakasama ghad sana laging nandyan si Drake para kahit papano masalo nya ko tuwing nalulungkot ako. " Huwag mo yang buksan Drake" napasigaw tuloy ako bubuksan na dapat ni Drake yung isang drawer buti na lang napigilan ko sya

My Everything(Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon