[2] Thanks my Knight

71 6 0
                                    

Chapter 2

Guys eto nanaman ako ^_^ Need your opinion guys ^_^

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jessica's POV

Nandito ako ngayon kila Ash hindi ko alam pero parang..................................................... nahuhulog na  ko sa kanya, di ko alam eh pero sa tingin ko ganun na nga pero malabong magkagusto sya sakin ng ganun dahil ang tingin nya sakin BESTFRIEND yan ang salitang masakit na tawag sayo ng taong mahal mo, oo sa tingin ko mahal ko na sya pero hindi pwede dahil alam ko lolokohin nya lang ako paglalaruan na para ba nyang laruan na pag ayaw na eh itatapon na lang kilala ko si ash matagal na kababata ko yan eh. Kaya hindi dapat ako mahulog ang loob ko sa kanya at isa pa may kaya lang kami at hindi kagaya nila Ash na mayaman na kaya nilang bilhin ang school namin. Hinihintay ko sya ngayon sabi nya kasi sumabay daw ako eh, at ayan nagtatalak nanaman si Ate Mich ganyan naman sila lagi tuwing umaga eh hindi na ko naninibago dyan

"Sige po Ate mich alis na po kami" sabi ko kay Ate Mich nginitian nya lang ako

Sasakay na dapat ako ng kotse nya pero pinigilan nya ko, binuksan nya ang pinto para sakin ganun sya ka sweet. Pero dapat hindi ako magpa-apekto sa mga ginagawa nya dahil ganyan din ang ginawa nya sa mga ex-girlfriends nya dati or should I say ex-TOYS

"Salamat " sabi ko na lang 

Tuloy-tuloy lang sya sa pag da-drive nabibingi na nga kaming dalawa sa sobrang katahimikan eh 

 "Best, bakit parang ang tahimik mo ata ngayon?" Di sya sanay? Ice Princess nga ang tawag sa akin sa school eh aish !

'wala lang' sabi ko sa kanya ng malungkot yung tono ng boses ko 

"May nambastos ba sayo? sabihin mo lang sakin bubugbugin ko" sabi nya sakin? gusto kong tumawa hahaahahaha

"Wala nga ! may iniisip lang ako" sigaw ko sa kaya ang O.A naman kasi eh

"Andito lang ako para protektahan ka sa k..." hindi ko na sya pinatapos ang kulit nya na talaga

"Ash will you please just shut up?! may iniisip nga lang ako ang kulit mo !" Ang kulit kulit nya ! kung alam nya lang na sya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito

"Ok Ok chill tayo best chill" tsaka na lang ako tumingin sa kalsada

ring.... ring.....

May tumatawag sa kanya at sigurado ko isa yan kila Trix at Kate at arami pang iba ang MGA babae nya sa school

"Hi babe bilisan mo naman nandito na ko ikaw na lang hinihintay ko" sabi ng nasa kabilang linya si Trix yun. Nakakainis sya parang linta na pagkumapit hindi na aalis oo ganun sya. Nagseselos ba ko? hindi noh hindi ako nagseselos at ano ba ang dapat kong ikaselos?

Tuloy-tuloy lang sila sa pag-uusap wala na kong pakielam sa kanila no

My Everything(Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon