[5.2] Vacation part 2 (The Plan)

45 3 1
                                    

Chapter 5

^_^

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jessica POV

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto namin ayoko munang makita ang pagmumukha ni Camille, sinimulan nya ko kaninang umaga pwes tatapusin ko to. Pumasok na ko sa kwarto

"Camille" sabi ko sa kanya

"ano yun" tanong nya sakin

"Nakakainis ka bakit mo ba ako inaway kaninang umaga ha? ano bang problema?" tanong ko sa kanya

"Wow ha isip bata lang ang peg mo ngayon? alam mo ba?" hindi ko na tinapos yung sasabihin nya

"Hindi hindi ko pa alam kasi di mo pa sinasabi, san ba utak mo Camille?" tanong ko sa kanya

"B*tch Please Shut Up, alam kong may gusto ka kay Ash kaya wag mo syang subuking ahasin or else kaya kong gawing impyerno ang buhay mo" pagbabanta nya sakin na ikinagulat ko naman pano nya nalaman

"Excuse me lang ha" sabi ko sa kanya

"bakit dadaan ka ba?" tanong nya sakin

"bingi ka ba talaga o nagbibingi-bingihan lang diba sabi ko excuse me hindi ako mageexcuse kung hindi ako dadaan, Camille sayang utak" sabi ko sa kanya

"Bakit sayang utak? kasi maganda ko?" tanong nya sakin with matching flip hair pa kapal ng mukha

"Tanga may sinabi ba kong maganda ka? Mali kasi ang panget mo utak na nga lang panlaban mo wala ka pa? Terrible!" sabi ko sa kanya feeler din to eh

"Camille umayos na nga tayo" sabi ko sa kanya

"Eh ikaw lang naman hindi matino satin eh" sabi nya sakin

"Hiya naman ao sayo, oh eto na oo nitong mga nakakaraang araw hanggang ngayon mahal ko na si Ash di ko alam kung bakit pero ganun eh hindi ko masisisi yung nararamdaman ko. Alam ko naman na balang araw eh magiging asawa mo na si Ash diba?" sabi ko sa kanya

"So ano gusto mong gawin ko?" aba bastusin din to eh di pa ko tapos

"Gawin mo? Kain ka bubog baka matuwa ako sayo" sabi ko sa kanya

"Tigilan mo na nga ko sa kagaganyan mo Jessica so ano ibig mong sabihin nga?" tanong nya sakin haha nairita

"Gawin mong laging masaya si Ash sayo yun lang" sabi ko sa kanya at nagsimula nanamang tumulo ng luha ko ganun talaga eh

"gagawin ko talaga yan kahit di mo na sabihin no" sabi nya sakin tsaka umupo sa kama nya

"Salamat" sabi ko sa kanya tsaka ko sya nginitian at lumabas na ko ng kwarto

"Lalabas ka?" tanong nya

"hindi hindi papasok ako kita mo nang palaas ako ng kwarto tatanong mo pa kung lalabas, ayaw ni Ash nga ganyan Camille kaya kung ako sayo umayos ka" sabi ko sa kanya tsaka lumabas. Pumunta akong Garden at sakto nandun si Mille, kailangan ko talaga ng kausap ngayon para naman kahit papano eh gumaan ang loob ko. Tumabi ako sa kanya tsaka ko sya ginulat

"Nakakagulat ka naman Best makagulat" sabi nya sakin

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo eh" sabi ko sa kanya tsaka ko sya inusod

My Everything(Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon