Conflict

1.3K 9 2
                                    

Ang storyang ito ay produkto ng pagka-LSS ko sa kanta ni Bruno Mars na "When I Was Your Man" dahil ginambala ako ng kanta. I felt sad and pity for the guy in his song. Basa may pakiramdam ako na 'di ako mapakali kaya naisipang 'kong magsulat kahit maikli lang para rito. Hindi ito magtatagal dahil short story nga lang. Maybe hanggang ten parts. Basta hindi magtatagal.

Conflict

“Kade!” kasabay ng sigaw ay isang malakas na katok sa pinto, “Kade, buksan mo bilis!” sige pa ring katok ng taong nasa labas ng pinto. Boses babae ito na para bang kinikilig-kilig. At kilalang-kilalala niya ang boses na nagwawala sa labas ng pinto.

Paanong hindi?

Eh girlfriend lang naman niya ito…

“Ugh! Natutulog pa ako Sandy!” naiinis na sigaw niya sa nobya. Inaantok pa siya at gusto niya pang matulog, “Wag ka ngang maingay!” tapos ay nagtakip siya ng unan sa tenga para ‘di na niya marinig ang makulit na nobya.

Pero wala pa ring tigil ang nobya niya sa pagkatok sa kanyang pinto. Mukhang may balak pa nga itong gibain ang pintuan ng kwarto niya. He mentally rolled his eyes.

“Hmmm… Sino ba iyong maingay na ‘yon, Kade?”

Nung una, nagtataka siya kung kaninong boses iyon nanggaling. Hindi naman iyon boses ni Sandy at malabong kay Sandy iyon dahil napakalapit ng boses. Parang katabi niya lang ito. Imposible naman din magsalita ang unan na dantay niya…

Until everything that happened last night flashed back to him. It hit him and he suddenly froze at the spot. Rinig na rinig niya ang lakas ng tibok ng puso niya.

“Kade, sino ba ‘yon?” tanong sa kanya ng isang babaeng walang saplot na katabi niya sa kanyang kama. Kakagising lang nito at gaya niya, naiirita rin ito sa nobya niyang nambubulabog sa tulog nila.

“Ahh…” hindi alam ni Kade kung anong isasagot sa babaeng katabi niya, “Uhmm…” his lips are trembling. He licked it para hindi siya manginig pero wala itong epekto. Nanginginig pa din siya. Hindi lang ang lips niya kun’di pati ang mga kamay niya. His hands are pale and sweating. At alam niya kung bakit sa nagkakaganyan.

“KADE!”

Isa uling napakalakas na sigaw ang ginawa ni Sandy. Napatingin si Kade sa pintong parang magigiba na pati ang babaeng katabi niya. Napaupo na yung babae kaya umupo na rin si Kade. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi pupwedeng makita sila ni Sandy. Tiyak na magaaway sila.

“Ouch…” napahawak sa ulo yung babaeng katabi niya dahil sa sakit ng ulo. May hangover ito dahil uminom sila kagabi, “Lalong sumasakit yung ulo ko e!”

Sa mga oras na ito, nabablanko si Kade. Para siyang napipe. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang daming tumatakbo sa isip niya ngayon. At ang unang-una ay kung paano siya magpapaliwanag kay Sandy kapag makita sila nito. Shit.

When I Was Your Man [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon