Part 7

185 4 0
                                    

Part 7

"Give her time and space, Kade... Magkakabali-"

Di na niya pinatapos ang sasabihin ng Mama niya, "But what if ayaw na niya talaga sa'kin? Paano kung di na niya ako balikan?"

Namamalat ang lalamunan ni Kade. Hirap siya magsalita. Lalo na't ang mga sinasabi niya ay napakahirap sabihin.

Ang hindi na siya tanggapin ulit ni Sandy? Fuck.

"Kung ganyan man ang mangyayari, wala na tayong magagawa. Dapat inisip mo muna yung mga pwedeng mangyari bago mo ginawa yung kalokohan mo..."

Wala bang undo? Wala ba? Hindi ko kasi kaya, e... I want her back.

"You've been confident Kade. You never thought this day will come... You never thought you're going to lose her." Tumigil saglit ang Mama niya at suminghap, "The best thing to do is give her time, and then suyuin mo siya. She loves you, Kade. And she's still in love with you. Nasaksihan ko yung tatlong taon niyong pagsasama. Hindi iyon mabubura sa puso niya ng kahit na sino, basta-basta."

Matapos nu'n ay inasikaso siya nito. Binigyan siya ng pampatanggal hangover, pinagluto, at pinagpahinga. Pakiramdam niya bumalik siya sa pagkabata. Yung mga panahon alagang alaga talaga siya ng Mama niya. And that made him feel a little better.

Space, Sandy. I'll give you time and space.

"Oh Kade, anak? Di ka pa matutulog?" Tanong sa kan'ya ng Mama niya isang gabi. Bumaba kasi siya upang magtimpla ng kape. Sinubsubsob niya ang sarili sa pagaaral at mga gawain sa school.

"May ginagawa po akong project, Ma. Matutulog na din ako. Malapit na yun matapos."

Tinapik nito ang balikat niya kaya natigil siya sa pagtitimpla, "Osige. Matulog na, huh! Kukunin ko yung xbox mo pag nahuli kita!"

"Ma naman! Di na ako highschool!" Tumatawang sagot niya sa Mama niyang papaakyat na ngayon sa hagdan.

"Kahit na! Highschool ka man o hindi, pwede ko pa din kompiskahin yung xbox mo kung kelan ko gusto!"

Ngumisi na lang siya. He knows his mother is trying to make him laugh. Pinapagaan nito ang loob niya. Bumalik siya sa kwarto niya matapos magtimpla at maghanap ng makakakain.

"Wala na pala akong bagong kanta." Bulong niya sa sarili ng umulit na uli yung pinapatugtog niya. Lagi kasi siyang nagpapatugtog tuwing gumagawa. Narerelax kasi siya pag nakakarinig ng music.

Dahil nakakasawa na yung mga kanta niya sa playlist, eh binuksan ni Kade yung radyo. Di pa kasi siya tapos sa ginagawa niya. Mga 3 pages pa yung kailangan niyang gawin.

"Next song: When I Was Your Man by Bruno Mars..."

Tutok na tutok si Kade sa ginagawa niya. Hindi niya napansin yung title ng kanta. Wala lang naman sa kan'ya yun, hanggang sa narinig na niya ang kabuuan nito.

Same bed but it feels just a little bit bigger now

Our song on the radio but it don't sound the same

When our friends talk about you all it does is just tear me down

Coz my heart breaks a little, when I hear your name

It all just sounds like oooooooh

Hmmmm, too young too dumb to realize

That I should've bought you flowers...

"Damn." Nabitawan ni Kade yung hawak niyang pencil. Tumatagos kasi sa puso niya yung mensahe ng kanta.

Held your hand

Should've gave you all my hours, when I had the chance

Take you to every party 'coz all you wanted to do was dance

Napanganga si Kade. Hindi ba't gantong ganto yung sinabi niya kay Sandy?

And now my baby is dancing, but she's dancing with another man...

Aray. Pakiramdam niya ay mag sumaksak sa kanya sa likod. Ang sarap patayin nung radyo, pero para siyang naparalisa dun. Hindi niya magawa. He's stuck.

I know it hurts

I'll be the first to say that, I was wrong

Oh I know I'm probably much too late

To try and apologize for my mistakes

But I just want you to know

Hindi namalayan ni Kade na umiiyak na siya. Silent cry. Yung walang paghikbi, wala kang ingay na maririnig. Barado yung lalamunan mo't hirap kang huminga. Parang kanser na kumakalat yung sakit mula sa puso mo, and now taking all over your body.

Do all the things I should've done

When I was your man...

Kade turned off the radio after that song. Humigop siya sa kape niya't pinunasan ang pisngi niyang basa sa luha.

"Tangna, Bruno Mars!"

When I Was Your Man [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon