Part 10

158 6 4
                                    

Part 10

Gone

Isang malakas na kotong ang natanggap ni Kade sa kan'yang ina.

"ARAY NAMAN, MA!" Daing niya rito sabay kamot sa parte kung saan siya sinaktan ng ina.

"Susmaryosep, Kade! Bakit kung kelan last minute na tsaka ka pa nagbago ng desisyon?" Inirapan siya ng kan'yang ina. Naiintindihan naman niya kung bakit ito ganito. Nagtanong kasi siya sa ina kung saan makakahanap ng masusuot para sa ball at nagpatulong na rin.

"Eh kasi Ma, kailangan ako ni Sandy don!" Sabi niya na nakapagpatigil bigla dito.

"Nagkabati na kayo?" His mother was hopeful. Alam naman niyang gustong gusto nito si Sandy. Napamahal na ang mga magulang niya rito lalo na ang kanyang ina.

Ayaw niya sanang madismaya ito, kaso ayaw rin niyang magsinungaling, "Ah... Hindi pa po, Ma." Tas napakamot siya sa buhok niya, "I don't know what to do to get her back. Siguro..."

Pinagtaasan siya ng kilay ng kan'yang ina, "Siguro ano, Kade?"

Hindi niya talaga alam. Blanko ang isipan niya. Basta pupunta siya sa ball para bantayan si Sandy. Yun lang. Wala pa siyang ibang plano. Wala pa siyang naisip na paraan para magkabalikan sila.

"Babantayan ko na lang po muna siya." Ngumiti siya ng tipad sa ina, "Sorry Ma. Alam kong dissapointed kayo sa'kin."

Nagulat si Kade nang natawa bigla ang ina. Nginitian siya nito't hinila paupo. Ginulo nito ang buhok niya at pagkatapos, pinanggigilan siya nito.

"Hay nako... Buti alam mo!" Sabay belat sa kan'ya ng ina. Natawa si Kade. Namiss niya tong ganitong bonding nila ng mama niya. Hindi ba halatang mama's boy siya? At dahil dito, gumaan kahit konti ang dibdib niya.

"Ma..."

Iyan lang ang masabi ni Kade. Nasabi na niyang napakaganda ng mama niya? Hindi lang sa panlabas na anyo, kun'di pati kalooban nito. Paniguradong bubugbugin siya ng tatay niya pag nalaman nito ang ginawa niya kay Sandy. Saksi siya sa pagmamahal ng papa niya sa kan'yang ina. He can see how his father adores his mother. He can see it in his eyes. Yung bang isinisigaw nito yung pagmamahal sa kan'yang ina? Minsan nga, Kade caught his father staring at his mom while cooking. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang kan'yang ina.

And he's such an asshole for hurting Sandy. Hindi si Sandy ang tanga rito. Siya ang tanga. Ang tanga tanga niya para pakawalan pa ito.

"Do you love her?" Biglang tanong sa kan'ya ng kan'yang ina which made him jump back to reality.

Tumango siya, "Of course, Mom. I love her."

"Then..." Suminghap ito, "Why did you do that?"

Natigilan si Kade. He didn't expect his mom to ask him this question. May inihahanda siyang sagot para sa tanong na 'to, but the answer's for Sandy. He knows she'll ask this. She'll ask why she isn't enough. Though, she's really more than enough for him. Sapat na. Wala na siyang mahihiling pa.

"I don't know." Napalunok si Kade, "I was tempted, Ma... My hormones are kicking. Maybe it's because of lust. Maybe b'coz I thought that no matter what I do, she'll stay. Maybe I was too confident..."

It was hard for him to pour himself out like this. Habang sinasabi niya ito, wala siyang ibang maisip kun'di si Sandy. Pag pumikit siya, mukha ni Sandy ang nakikita niya... Ang mukha ng dating nobya na ubod ng ganda. Minsan rin, ang mukha ni Sandy na nasasaktan ang nakikita niya and it's a torture for him.

Masakit na ulit ulitin at isampal sa mukha mo ang pagkakamaling sobra mong pinagsisihan.

Ang pinakamalala ay nasaktan mo yung taong mahal mo, na walang ibang ginawa kun'di ang mahalin ka.

When I Was Your Man [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon