Part 8

147 7 0
                                    

Part 8

Ex-bestfriend

"Times up, class. Pass your test papers." Tinapik pa ng Prof nilang masungit ang relo nito upang sabihin tapos na yung ibinigay sa kanilang oras sa pagsagot.

Walang ganang iniabot ni Kade sa kaklase niya sa harap ang kaniyang papel habang nagsisibuntong-hininga naman ang mga kaklase niya. Mahirap kasi yung test nila. Paniguradong bagsak siya. Wala rin naman siyang maisagot dahil puro si Sandy lang naman laman ng isip niya. Nakita niya kasi ito kanina. He lost his concentration at ang kinahantungan niya ay pagka-mental block.

It's been two weeks.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung hiwalayan siya ni Sandy. Akala niya habang lumilipas ang panahon, eh gagaan ang pakiramdam niya. Pero puta, mas lalo ata siyang nalulugmok sa sakit. Habang tumatagal, lalo siyang nahihirapan. Ang bigat sa dibdib. Hindi maalis yung kirot. Like it's forever etched on his heart, maliban na lang kung patatawarin siya ni Sandy. That would heal everything in an instant.

"Before I forgot, the Ball you've all been waiting for is scheduled next week, Saturday. The motif will be posted on the bulletin board." Anunsyo ng Prof nila habang inaayos ang mga test papers na nakalap nito, "Class dismissed."

Lumabas agad ang Prof nila pagkatapos nitong idismiss ang klase. Umingay naman sa loob ng classroom habang nagsisitayuan ang mga kaklase niya dahil sa inanunsyo ng kanilang Prof. Ang Ball. Fuck. Silang dalawa naman lagi ni Sandy ang magkadate sa mga ganyang okasyon. Pero ngayon, hindi na. Malabong-malabo. Napapikit pa siya ng mariin when a thought suddenly crossed his mind.

Makakaya ko bang makitasiyang may ibangka-date? Tanong niya sa sarili. Ah, tangna! Angsakit! Pucha! Hindi ko kaya!

Ang sakit nu'n. Nakakagago. Na yung babaeng mahal na mahal mo, makikita mong nasa bisig ng iba. Worst is, it's your fault why she left you and you can't do anything to claim her back. Torture iyon. Yung makita siyang masaya? Tumatawa sa piling ng iba? Damn! Iniisip niya pa nga lang, nababasag na ang puso niya. Paano pa kaya kapag nangyayari na? Kapag live na? Sa tingin niya parang sinusunog ang mata niya kapag ganon ang makikita niya. Hindi niya kaya. Masyadong nakakapanghina.

"Kade!"

Napakurap siya ng may tumawag sa kanyang pansin. Ito na naman siya. He's spacing out again. Ganito ang nagagawa sa kan'ya ni Sandy. She's making him think too much. Pakiramdam niya sasabog na ang ulo niya ano mang oras.

"Oh, Rej? Bakit?" Bored na tanong niya rito.

"Pupunta ka ba sa ball?" Tanong agad nito, "Sinong ka-date mo? If ever na pumunta ka? Kalat na yung balita na hiwalay na talaga kayo ni Sandy, for real, e. So everyone's wondering kung sino yung dadalhin mo para sa ball..."

Dumilim ang mukha ni Kade kasabay ng pagkuyom ng kamao nito. Gusto niyang bigwasan ang kaklase. Hindi ba pwedeng prumeno? Obvious naman na kalat na. Alam niya na yun! Bakit kailangan pa sa kan'ya ipamukha, ha? Why do all people have to rub the fact in his face? Hindi ba nila alam na masakit? Ha?  Mas lalong nadudurog ang puso niya, e! Ni hindi man lang marunong makiramdam ang mga tao. Akala ba ng mga ito eh okay lang sa kan'ya ang hiwalayan nila ni Sandy? Hell, no! He's suffering. At gago 'tong kaklase niya. Pinatungan na naman ng panibagong bagahe yung dibdib niya.

Putangna!

"Ewan ko." Kibit balikat niyang sagot. He put both of his hands in his pocket, "Baka hindi na lang." Tsaka niya nilagpas ang kaklase. Naiirita siya. Hindi lang basta irita. Galit siya. Galit siya sa sarili, sa mga tao sa palig, sa lahat! Gusto niya manuntok. At kung hindi pa siya umalis, eh baka mabugbog niya lang si Rej. Gago kasi eh.

Naisip niya din na wag na lang pumunta sa ball. Ano siya? Magpapakamasokista? Hindi ano. Hindi niya kakayanin makita si Sandy na may kasayaw na iba. Puro sayawan pa naman yung ball na yun. Baka ma-OP lang siya kahit alam niyang maraming magkakandarapa sa kan'ya. Sikat siya, e. Kaya nga ang bilis kumalat ng balita. Maraming nagkakandarapa sa kan'ya pero aanhin niya yun, eh si Sandy ang mahal niya.

Lumipas ang ilang araw na gano'n ang desisyon na. Sigurado na nga siya na hindi siya pupunta, e. Ilang araw na lang bago ang ball, wala pa siyang nakahandang damit na susuotin. Kinumbinsi rin siya ng Mama niya na dumalo sa ball pero ayaw niya talaga. Ewan niya ba. Naduduwag siya. Pride niya siguro itong nagtutulak sa kan'ya para manindigan sa desisyon niyang h'wag dumalo hanggang sa isang araw...

"Kade! Alam mo na ba?" Humahangos na tanong sa kan'ya ni Apollo. Kumunot ang noo niya sa kaibigan. Saan ito galing? Bakit 'to hinihingal?

On cue, sinagot naman ni Apollo ang mga tanong na naglalaro sa isip niya na para bang nababasa nito ang mga iyon.

"Galing ako sa canteen, Kade. Tangina! Si Dexter ang date ni Sandy!"

Sa sobrang pagkabigla sa impormasyong nalaman, ay di agad nakapagreact si Kade. Nayelo na siya kinatatayuan niya.

A-Ano? Si Dexter? Puta! Si Dexter!?

"P're pumunta ka sa ball. Wag kang gago! Maawa ka sa ex mo! Demonyo yun si Dexter, Kade!" Halos mamutla si Apollo sa kaba at pagaalala, "Nginisian niya ako kanina, e. Tae! Kapanindig balahibo. Hindi sa natatakot ako, pero kasi, iba yung ngisi niya. May binabalak siya... Sa tingin ko, maghihiganti siya sayo, Kade. Hindi maganda ang kutob ko. Alam nating lahat kung anong kaya niyang gawin."

Tumango si Kade habang kuyom na kuyom ang kamao niya. Alam ni Dexter na si Sandy ang kahinaan niya, at ngayon... Ang babaeng mahal niya ang gagamitin nito laban sa kan'ya. Fuck. Kinakabahan siya. Kinakabahan siya para kay Sandy. Baka kung anong gawin ni Dexter dito. Hayop pa naman yun! Ngayon pa lang, binubugbog na niya sa isip niya ito. Hindi siya tataob dito. Hindi siya natatakot.

Lay one finger on her and I swear I'll fucking kill you, Dexter! Nanlilisik na ang mga mata ngayon ni Kade sa galit. Nakikinita kasi niya si Dexter na nginingisian siya ng malademonyo sa isip niya.

Si Dexter Hadyeco, his ex-bestfriend.

xx

A/N: Onting kembot na lang guys! Mga dalawa pa. Matatapos na rin 'to. Hahaha! Mej mahaba siguro yung last 2 chapters nito. May flashback, e. Mehehe. The who si Dexter kaya?

When I Was Your Man [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon