Part 5

206 6 7
                                    

Part 5

Hurts like hell

Tumigil ang mundo ni Kade dahil sa narinig niya mula kay Sandy. Kahit na nakalatag na sa harapan niya ang katotohan, ay pilit niya pa rin itong itinatanggi sa sarili. Ayaw niya maniwala… Ayaw niya tanggapin. Para kasi sa kan’ya ay napaka-imposibleng sukuan siya ni Sandy.

Umiling siya kasabay ng pag-agos ng luha niya. Wala itong tigil. Kusa itong nagsibagsakan. Ito yung kanina niya pa pinipigil. Ito yung luhang kanina pa nagpupumilit lumabas. Patuloy siya sa pag-iling at wala sa sariling sinasambit ang ‘No… Hindi…’ na para bang puso niya ang nagsasalita.

“Let go of me, Kade.” Pilit na umaalis mula sa pagkakahawak niya si Sandy pero dahil sa mas malakas ang lalake sa babae, hindi ito makawala sa kan’ya. Mas humigpit ang hawak niya rito. Gaya kanina, natatakot siyang bigla na lang ito mawala. Hindi niya kaya…

Hindi ko kaya.

Napalunok si Kade. Patuloy siya sa pag-iling, “H-Hindi ako payag, Sandy.”

“Can’t you understand, Kade? Ayoko na! Sawa na’ko. I quit. I want out.” Nanghihina na ang boses ni Sandy. Katulad niya, umiiyak rin ito. Napapahikbi pa nga ito. Hindi na rin siguro kinaya ng dalaga magmatigas gaya ng ginagawa nito kanina. Hindi rin ito makatingin sa kan’ya.

“Hindi Sandy. Hi-Hindi ko k-kaya.” Di na makapagsalita ng maayos si Kade. Nagbabara ang lalamunan niya at napapahikbi pa siya. Naghihina si Kade. Parang hinihigop lahat ng enerhiya niya.

“Pwes… Kayanin mo.” Tuluyang kumawala si Sandy sa pagkakahawak ni Kade. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. He was caught off guard. Gulat siya sa sinabi nito. Nabitawan niya si Sandy at ngayon ay naglalakad ito palayo sa kan’ya. Bumagal ang oras. Naka-slow mo ang paligid.

At dahil natataranta ang puso niya, agad niyang niyakap si Sandy mula sa likuran. Mahigpit ang yakap niya rito. Alam n’yang sobra sobrang sakit ang naidulot niya sa dalaga. Pero kaya naman n’yang bumawi. Gagawin niya ang lahat, wag lang siya iwan nito.

“Mahal na mahal kita, Sandy. Wag mo akong iiwan. Please.” Bulong niya kay Sandy habang yakap ito ng mahigpit. Napapikit siya at tumulo ang panibagong mainit na luha.

Sa bawat segundong lumilipas, lumalakas ang hikbi ni Sandy, “S-Sawang sawa na’ko, Kade. Ginawa ko na ang lahat. I stayed. Kinaya ko ‘yung pambabalewala mo sa akin. P-Pero tao rin ako… At ayoko na. Nagsasawa na’ko mahalin ka. Hindi ko na kaya.” Puno ng hinanakit ang puso nito.

Umiling si Kade. Masakit. Masakit marinig ito mula kay Sandy. Bawat salitang binibitawan ng dalaga ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso niya. Mukhang wala pa sa inakala niya ang sakit na naidulot niya kay Sandy. Mukhang mas malalim pa. Mukhang walang kapatawaran. Pero hindi, e. He can’t…

He can’t just let her go.

“I’m sorry… I’m so sorry.” Paulit-ulit na humingi si Kade ng tawad. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Iyon lang ang tanging lumalabas sa bibig niya.

“It’s not enough, Kade. Sorry din. Patawad kung hindi kita kaya patawarin. What you’ve done was just too much.” Kumawala uli si Sandy mula sa kan’ya pero hindi niya ito hinayaang makalayo. Ipinihit niya lang ito paharap sa kan’ya. Nagkatinginan sila and their eyes are locked on each other.

“Mahal mo ako, ‘d-di ba?” Tanong niya sa dalaga at niyakap uli ito, “Alam ko m-mahal mo ako, Sandy. You love me and I love you. Wag na natin pahirapan ang mga sarili natin. D-Don’t do this to us. W-Wag mo’ko iwan, Sandy. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya pag nawala ka sa akin.”

When I Was Your Man [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon