Part 6

173 3 0
                                    

Part 6

Laylay ang balikat na umuwi si Kade. Ni di niya nga alam kung saan niya nakukuha ang lakas para maglakad. Kung pwede nga lang gumapang, gagapang na siya. Kung pwede lang umupo at magmukmok sa mismong lugar kung nasaan siya, eh gagawin niya.

Sandy...

Napapikit si Kade, kasabay ng pag-agos ng panibagong luha mula sa mata niya papunta sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang init nito. Hindi ba ito mauubos?

"MA!" Sigaw niya ng makarating siya sa sala nila, pero walang sumagot sa kan'ya na ikinahinga niya ng maluwag, "Hoo! Buti naman."

Dumiretso agad siya sa kwarto niya. Ni-lock niya ito at sumalampak sa sahig. Di na niya inabala pa magbihis. Naamoy niya kasi si Sandy sa damit niya. Kumapit ang pabango nito sa kan'ya, kaya kahit yun lang... kahit amoy lang ng dalaga, ay ayaw niya ipagkait sa sarili niya.

Binuksan niya yung lata ng san mig upang inumin ng isang inuman. Kasabay nito ang wala pa ding tigil niyang pag-luha.

We all make mistakes. And everybody deserves a second chance to fix things, to make things right. Pero bakit pakiramdam niya hindi na siya mabibigyan pa ng panglawang pagkakataon? Bakit pakiramdam niya, hindi na niya maitatama ang pagkakamali niya?

Masakit. Nanunuot sa kaibuturan ng puso ni Kade ang sakit na hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman. Na sa sobrang sakit, e nakakamanhid na. Nakakabaliw pa dahil samu'tsaring emosyon ang umuusbong sa kanyang puso ngayon. Ayaw na niyang isa-isahin pa. Baka matuluyan siya.

Just the thought of Sandy giving up on him is too much to handle. Parang napakaimposibleng mangyari kaya mas mahirap tanggapin.

Mahirap ipaliwanag kung anong nararamdaman niya ngayon. He's alive, but he's dying. He's in torture. He's being killed over and over again. His heart is being crushed, o kaya naman ay parang hinuhugot ito palabas ng dibdib niya. It was, the feeling was, unbearable. Ang alak ang katuwang niya sa pagpuksa sa kung ano mang nararamdaman niya. Coz honestly, he can't name what's he's feeling right now.

Maybe it's pain, yes, but there's more than that.

Ang alam niya lang ay nagsisisi siya... Hindi niya kayang wala sa kan'ya si Sandy. Hindi. He just can't let her go, even if she's not his anymore.

"Shit!" Malutong niyang mura nang magising siya. Isang dozena ang naubos niyang lata ng beer, uminom pa siya ng isang bote ng alak na malakas ang tama, kaya eto ang resulta: Hangover.

*knock-knock*

"Kade?"

Mas lalo siyang napadaing sa sakit ng marinig niya ang boses ng Mama niya. Pabulong siyang nagmura dahil sa sakit na gumuguhit sa bungo niya.

"Po?" He tried to contain his voice, but the pain leaked through it. Halata rito na may pinagdadaanan siya.

"Kade! Are you okay?" May bahid na ng pagaalala ang boses ng mama niya. Kinakalabog na din nito ang pinto.

He summoned all the power he has to get up and open the door.

"I'm fine, Ma. Hangover lang!" Ngumisi pa siya sa Mama niya.

Pero tinaasan lang siya nito ng kilay at tinabig. Halos lumuwa ng mata nito ng nakita kung gaano kadaming alak ang nakunsyumo ng anak.

"What the hell, Kade?!" Bulalas ng Mama niya, "Pinapayagan kita uminom pero wag mo namang abusin! Magpapakalunod ka ba sa alak, huh? Ano bang problema mo? Gusto mo bang malulong sa gan'tong bisyo? Gusto mo ba magkasakit?"

Galit na galit ang Mama niya. He pressed his lips together, pinipigilan niyang sumagot. Alam niyang mababasag lang ang boses niya. Malalaman lang ng Mama niya ang pinagdadaanan niya. His eyes are welling up, and tears are rising up. Na ontik pitik na lang sa kan'ya, BOOM, tears will spring out.

"Ano, Kade? Tell me! Anong kagaguhan 'to?" Sumisigaw na ang Mama niya. He just clenched his fist. Ayaw niya talaga sumagot rito. Naiintindihan niya kung bakit galit na galit ito sa kan'ya.

Pumikit ng mariin ang Mama niya, "You're grounded! Diyos ko! Di ko na alam gagawin ko sayong bata ka! Iyan ba ang tinuturo sayo nung babae mo, ha? Kaya kayo nagaaway ni Sandy eh! Dahil sa kalokohan mo! Di na'ko magtataka pag iniwan ka niya balang araw!"

BANG.

Parang binaril si Kade dahil sa sinabi ng kan'yang ina.

That was below the belt.

"FUCK!" Sinuntok niya bigla ang pintuan na malapit sa kan'ya at kasabay nun ay inumpog niya ang ulo niya rito. Kabadingan man pero, umiiyak ulit siya. Agos ng agos ang luha niya. Ito yung kanina niya pa pinipigilan.

Nagulantang naman ang Mama niya dahil sa biglaan niyang pagsabog. Naestatwa ito habang pinapanuod siya na humahagulgol. At nang ito'y makaraos sa pagkabigla, ay agad siya nitong dinaluhan. Nakaupo na siya ngayon sa sahig. Wala siyang lakas para tumayo. Nanghihina siya.

"Kade!" Niyakap siya nito, "Bakit anak? Anong nangyari? Anong nangyayari sayo?" His face was cupped by his mother, at kitang-kita na maluha na rin ito. Niyakap siya nito at inalo, "I'm so sorry sa mga nasabi ko, anak. I'm just too fed up by your recent behavior. I'm sorry..."

"W-Wala na siya, M-Ma." Nanginginig ang boses ni Kade habang kinakusap ang Mama niya, "I... Iniwan na n-niya ako, M-Ma!"

Tinakasan ng dugo sa mukha ang Mama niya. Umiiling ito. Hindi makapaniwala.

"P-Pero... Sigurado ka ba jan, anak?"

Tumango si Kade, "W-Wala na si Sandy, Ma! Napagod na siyang mahalin ang isang gagong kagaya ko!"

"Pero anak-"

"Hindi niya ako kayang tanggapin ulit, Ma! But I can't let her go... Hindi ko kaya ng wala sa'kin si Sandy. M-Mahal na mahal ko siya."

May sasabihin sana ang Mama niya sa kanya ngunit pinili nitong itikom ang bibig nito.

"Paano na, Ma? Paano na'ko? Anong gagawin ko..." Sinabunutan na ni Kade ang sarili. Hindi niya alam ang gagawin. Nababaliw na siya. Nakakabaliw ang nararamdaman niya at ang hangover niya.

"Tumahan ka na, Kade." Pagaalo sa kanya ng Mama niya, "She loves you so much. Pinundi mo lang siya. But she'll come back to you... You'll get her back, my son... and I'm sure of that."

When I Was Your Man [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon