Part 2

211 7 0
                                    

Part 2

Never misses

Two weeks.

Dalawang linggo na ang nakalipas at ni HA, ni HO, wala pa ring natatanggap si Kade mula kay Sandy. 

At ngayong ika-dalawang linggong ito, ay inaasahan niyang kakausapin na siya o kahit itext man lang siya ng nobya. Okay na siya dun. Makakahinga na siya ng maluwag. Sa totoo lang kasi, sobra siyang kinakabahan. Hindi umaabot sa dalawang linggo ang hindi pagpaparamdam ni Sandy sa kanya noon. Madali silang nagkakabati ng nobya. Sa loob ng tatlong taon, bilang lang ang mga matitinding away nila ni Sandy. Usually puro mababaw lang kaya masama ang kutob ni Kade ngayon.

"Kade, anak," pagtawag sa kanya ng Papa niya, "Hindi mo ba iimbitahan si Sandy dito? Kung ayaw mo ng party, mag-dinner na lang tayo kasama ang nobya mo. Isama niya na rin ang parents niya."

Muntik na mabilaukan si Kade. Kasalukuyan silang kumakain ng agahan ngayon. Hindi alam ng Papa niya na hindi siya okay ni Sandy ngayon. At kung malalaman ng Papa niya ang katarantduhang ginawa niya, t'yak magagalit ito. Gustong-gusto kasi nito si Sandy para sa kanya.

"Ah... busy siya Pa, eh. May prelims siya bukas. Kailangan niya ipasa yun. Tsaka sunod-sunod reportings niya at marami siyang mga projects." pagsisinungaling niya sa ama. Ang totoo niyan, simula nung anniversary nila, hindi na pumasok si Sandy. Hindi niya alam kung hindi niya lang natyetyempuhan, o baka absent talaga si Sandy the whole 2 weeks.

"Ganun ba? Eh, mamayang gabi pa naman yun Kade. Magdi-dinner lang naman dito tapos uuwi rin. It won't take too much time at tsaka, I remember, Sandy never misses this special day." pamimilit ng Papa niya.

Napabuntong hininga si Kade, "Okay Pa. I'll ask her." sumubo na lang uli si Kade ng kanin pero parang gusto niya idura dahil nawalan na siya ng gana.

"No, Kade. Ako na lang ang tatawag para imbitahan sila rito."

Tuluyan ng nabilaukan si Kade. Mabilis na uminom siya ng tubig. Ano? Siya ang tatawag? Hindi... Baka malaman niyang 'di kami okay ni Sandy. Pag-iisip niya.

"Are you okay?" plastik na tanong sa kan'ya ng Mama niya.

Pinilit niyang ngumiti, "Okay lang po ako, Ma..." binaling niya ang tingin sa Papa niya, "Pa, sigurado kang ikaw na lang ang tatawag kanila Sandy?" nagko-cross fingers na siya ngayon. Sana hindi... Sana hindi.

"Yep," nagpunas ng bibig ang Papa niya. Tapos na ito kumain, "Alam ko naman ang number nila Renato." tumayo na ito at nagpaalam sa kanilang mag-ina. Papasok na ito sa opisina. Babalik na lang daw ito mamaya bago mag-7 PM.

"Hindi pa rin ba kayo nakakapag-usap?" tanong bigla ng Mama ni Kade sa kanya.

"Hin... Hindi pa po." umiling si Kade tsaka napayuko. Gusto na niyang kausapin ang nobya. Gusto na niya. Pero 'di niya alam kung anong mukha ang maihaharap rito. Hindi rin naman nito sinasagot ang mga tawag niya. O kaya naman pag tatawag siya sa landline nito, sakto pang wala ito sa bahay. Ang laging sagot sa kanya ng katulong nila ni Sandy ay, "Lumabas po si Ma'am, Sir Kade."

At isa 'yan sa inaalala't kinakabahala niya. Bakit laging wala si Sandy sa bahay? Saan kaya ito nagpupupunta?

Napailing ang Mama niya, "Sinayang mo yung tatlong taon Kade. Sinayang mo..." akala ni Kade tapos na ang sasabihin ng Mama niya kaya natigilan siya sa sumunod na sinabi nito, "Akala pa naman namin ni Papa mo, si Sandy na ang mapapangasawa mo."

Siya pa rin naman ang mapapangasawa ko... Sambit ni Kade sa isip niya. Oo, si Sandy pa rin naman. Magkakaayos pa sila. Hindi pwedeng hindi sila magkaayos. Mahal siya ni Sandy. Hindi siya nito matitiis.

When I Was Your Man [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon