Chapter 11
Chloe's POV
"Teka teka Tristan! Will you please stop! Kanina pa tayo lakad ng lakad!"
Then he stopped dragging me. Salamat naman! Pagkatapos nung sagutan namin ni Aliyah at nung hinatak niya ako palayo, lakad lang kami ng lakad hanggang sa naabot kami dito sa open field na parang garden na di ko alam ano.
"Where are we going Tristan?"-tanong ko
"Wag ka ngang maingay jan! Sumama ka na lang!"
Tapos maglalakad nanaman sya kaso pinigilan ko.
"Hep hep! Im not going anywhere with you! Kaya please!"
"Manahimik ka nga sabi eh! Sumama ka na lang!"
"I SAID NO! ANO BA TRISTAN?!"
"KAKAIN TAYO! GUTOM AKO KAYA SUMAMA KA!"
Huh?!
"Eh kakain lang pala ba't kelangan mo pa akong hatakin? May topak ka ba?!"
"WALA! Kaya wag ng matanong! Tsss"
Tirik na tirik yung araw at ang init init sa field at nagsisigawan kami! Anong nangyayare sa mundo! Jusko!
"SANDALI!"
"ANO NA NAMAN?!"
"E ba't hawak mo parin ang kamay ko?"
Tapos tiningnan niya yung mga kamay namin na hanggang ngayon naka-intertwined paren.
>///////<
"Swerte mo nga e! Nahawakan mo kamay ng isang Tristan Sandoval!"
"aba ang kapal mo naman ata! Tsssk!"
Tas hinugot ko yung kamay ko mula sa pagkaka-holding hands.
"Saan ba kasi tayo?!"
"Basta sumunod ka na lang. Gutom nako!"
Naglakad naman sya ulit, ayoko na ring bumalik kasi ang layo na ng campus building sa kinaroroonan namin at ang sakit ng sikat ng araw sa balat kaya sinundan ko na yung mokong na yun!
Makaraan ang isang kilometrong paglalakad nakarating na kami sa kakainan daw kuno ni Tristan. JOKE. Medjo malapit lang naman pala, di kami umalis ng school premises medjo nasa likod sya na bahagi ng campus namin.
Di ko alam may isang restaurant pala dito sa likod ng campus. Wow.
"Tristan hijo, napadalaw ka ulit!"
Sabi nung manong, medjo matanda na siya.
"Oo nga po grandpops, si mamsy po saan?"
Grandpops? Diba lolo yun? Lolo nya ba to?
"Ay andun sa kusina, teka, sino ga itong kasama mo?"
"Hello po, ako po si Chloe Salvatierra ^_^"
Pagpapakilala ko syempre all smiles! Mabait kaya ako ^_^
"Nice meeting you Chloe, ako nga pala si grandpops, may-ari netong GRANNY's!"
"Nice place po grandpops, matagal na po ba itong restaurant nyo?"
"Medjo hija. Maraming salamat naman kung ganuon :)"
Maganda ang Granny's. May iba't ibang chairs yung iba iba ang shape may teacup like na upuan tas may sofa. Basta tas yung ambiance napaka jolly and happy. Parang Alice in Wonderland yung theme. Lively yung mga kulay.
"Arturo sino ba yang nanjan?"
Tapos lumabas yung isang matanda sa may door na malapit sa bar counter.

BINABASA MO ANG
My Missing Heart
Teen FictionAnother Love Story, Another Tale of Finding that one true love and Another Story of a different way of meeting your destiny :)