Chapter 3: Agad-agad?

7 0 0
                                    

Makalipas ang ilang linggo ay back to school na. Totally recovered na si Ana. Ok na ok na siya. Bumalik na yung dating Ana. Yung Ana na masiyahin, gala, gastador, etc. 

Isang araw, pagkagaling niya sa kanilang eskwelahan ay naisip niyang dumalaw sa puntod ng kanyang Lola sa Eternal Gardens at dumalaw na din sa puntod ni Eric sa unang pagkakataon.

Sa puntod ng kanyang Lola..

"Hi Lola!! Musta ka na po dyan? Ito nga po pala, may dala kong bulaklak para sa inyo :) (inamoy ito bago ilapag) Hmmmmmm!! BAngo Lola!! Hahaha. Lola, miss na kita :( Di ka na dumadalaw sa mga panaginip ko ah. Lagi naman kitang pinagdadasal bago matulog. Lola ah! Nakakatampo ka na! Alam ko namang marami kang apo, pero Lola naman e! Ako nga diba yung pinakamaganda so ako dapat yung laging dinadalaw! Sige ka Lola, di na kita dadalawin pag di mo ko dinalaw tonight. Hahaha. Joke Lola!! Uhmmm.. Lola, I have to go. May pupuntahan pa po ako e :) Goodbbye po! I love you!!!"

Agad niyang iniwan ang puntod ng kanyang Lola at naglakad ng konti papunta naman sa puntod ni Eric..

Sa puntod ni Eric...

Naglatag si Ana ng maliit na sapin at agad itong umupo katabi ng lapida mismo ni Eric at hinawak-hawakan pa niya ito..

"Hi Eric. It's been how many months mula nung iwan mo ko. Sakit pala. Pero kala ko di ko kakayanin, but look! Kinaya ko! Salamat sa'yo. Salamat dahil sa kinausap mo ko.."

Flash back....

Pagkabasa ni Ana ng letter ni Eric ay umiyak ito ng umiyak hanggang sa nakatulog.

"Babe? Babe gising ka na :) May surprise ako sayo :) Babe gising na :)" Malambing na sabi ng isang lalaki na pamilyar na pamilyar ang boses para kay Ana.

"Eric?!" Agad naman itong bumangon at niyakap ang lalaki.

"Babe tara :) Dun tayo sa may garden :)" Pagyaya nito.

Habang papunta sila sa garden ng magkawak kamay e hindi naman nawala ang mga mata ni Ana kakatingin sa kanyang kasintahan..

"Babe. We're here :) Have a sit :)" At inusog ang upuan para makaupo si Ana bago siya pumunta sa kabilang side ng table para makaupo.

Napaka-ganda nung lugar, ang daming bulaklak sa paligid at sa sahig, yung mga puno tila sumasayaw at sumasabay sa tugtugin na ginawa ng huni ng mga ibon, at yung pagkaayos ng lamesa kung saan nakalagay ang kanilang mga kakainin.. Perfect na talaga!

At bigla namang tumugtog ang isa sa pinaka-paboritong tugtugin ni Ana...

"Babe. Anong meron? Dito? Bakit may ganito?" Pagtatakang tanong ni Ana sa kanyang kasintahan..

"Babe. I told you before na may surprise ako sayo diba? Anniversary natin ngayon Babe!! Happy Anniversary! Mahal na mahal kita!" Sabay kiss sa forehead ng dalaga.

"Babe, this was a dream come true! Kala ko sa mga palabas lang ito mangyayari pero hindi, totoong-totoo pala talaga 'to babe! Salamat! Mahal na mahal din kita :)" Masayang sagot nito sa binata.

"Hmmmm.. Babe. Sorry kung sasabihin ko sa'yo 'to ha. Pero Babe. Di na tayo magkikita o magkakasama pang muli e. Iiwan na kita. At sana sa gagawin ko, walang magbago. Wag kang magbabago. Wag mong sisirain yung buhay mo. Wag mo papabayaan yung sarili mo. Babe, di lang naman sakin umiikot yang buhay mo at madami pa din namang nagmamahal sayo at magmamahal sayo. Babe please, promise me na ipagpapatuloy mo yung buhay mo. Nandito lang ako, parati kitang babantayan. Iga-guide pa kita at patuloy pa din kitang mamahalin kahit wala na ko. Babe, ok lang ako dito. Mahal na mahal kita!" sabi ni Eric at bigla na itong nawala at nagising na ang dalaga...

END OF FLASH BACK..

"Salamat at nagising ako sa katotohanan na walang permanenteng bagay sa mundo kahit pagmamahalan pa ang pumangibabaw. Salamat Eric. Miss na miss na kita." Di napansin ni Ana na umiiyak na pala siya..

UNKNOWN (How I met my Ex-Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon