Jose: Oh sige. Salamat Maya :)
---Call ended---
Habang papunta si Ana sa entrance ng mall ay siya namang punta ni Jose sa parking lot para kunin ang kanyang sasakyan...
Habang nasa entrance..
Ana: Haaayyy. Antagal naman ni Maya -_- Sabing ayokong pinaghihintay ako e. PAg siya wala pa ng 5 minutes, mag-cocommute na lang ako..
After 4 minutes...
Ana: Ayan, isang minuto na lang. Magbibilang na ko..
10
9
8
7
6
5
4
3
2.........
(Beep Beep!!)
Jose: Hi Ana :) Sakay ka na. Walang MAYA na dadating. Bigla daw kasing sumakit yung ulo niya e.
Ana: So kayo na ang mag-BFF ngayon? Aba! Sayo pa talaga sinabi?! Tssssssss -_____-
Jose: Hala? Nagtampo pa! Tsk tsk, sakay ka na! Namumugto na yung mga mata mo oh :(
Ana: (pumapara ng taxi)
Jose: (Bumaba ng ssakyan at pinuntahan si Ana) Ana naman e :( Ihahatid na kita. Baka di ka pa iuwi ng taxi driver na yan e. (Sabay tingin ng masama sa taxi driver)
Ana: Hmmm... Sa isang kondisyon?
Jose: \^_^/ Sige ano yun?
Ana: AKO ANG MAGDADRIVE. (Sabay punta sa driver's seat at lingon sa bintana) Ui Bakla! Di ka pa ba sasakay? Tara na!!
Jose: O_________O Ah.. Te-...ka... Maru--nong.... ka... ba... mag.....d---rive?
Ana: Oo naman! Nadrive ko na yung van namin. Actually kaya hindi available yung van kanina kasi nabangga ko kagabi kaya ayun, pinapagawa. Pero kasalanan naman yun ni Maya e. Bigla kasing tumawag. Edi sinagot ko, tapos ayun. di ko namalayan na may poste pala. Pero konting daplis lang naman.
Jose: O______________O Sigurado ka ba talaga? Aba Ana! Ayoko pa mamatay. Mamahalin pa kita -_-
Ana: HAHAHAHAHAHAHAHAHAH! Ang OA mo! Oo marunong talaga ko magdrive. Si daddy pa yung nagturo sakin dati. Joke lang yung kwento ko. HAHAHAHAHA. NAKAKATAWA KA TALAGA KANG BAKLA KA!!! WAHAHAHAHAHAHA
Habang tumatawa ng malakas si Ana e biglang nawala si Jose ...
Ana: Jose? Asan na yun?
Bumaba ito sa sasakyan at hinanap ang binata...
Ana: Joseeeeeeeeeeeeeeeeee!!! San ka pupunta? Kala ko ba uuwi na tayo?
Nakita ni Ana na naglalakad palayo na si Jose kaya hinabol niya ito.
Ana: Ui Sorry na :( Ito naman, minsan lang mang-trip e. Sige lakad na lang tayo. Samahan na kita. Nawala antok ko sayo e. Haha
Jose: Sigurado ka?
Ana: Ayaw mo yata e. Sige i-drive ko na lang yung ssakyan mo tapos ibangga ko na lang.
At akmang aalis na sa kinakatayuan nila....
Jose: Psssssssshhhhhhhhhhhhhhh!!! Silence!! Quiet! Tara na, maglakad na lang tayo.
At naglakad na nga sila...
Ana: Alam mo, ang sarap mo magtripan! Hahaha.
Jose: (Kinikilig deep inside.) Ah ok.
Ana: May ikkwento ka ba Bakla? Kasi kung wala, magsasoundtrip na lang ako.
Jose: Ah.... Hmmmmmm.... Wala e. Sige soundtrip ka na lang diyan..
At naglagay na nga ng ear plug si Ana at dumistansya ng mejo malayo pero mejo malapit din kay Jose..
Habang naglalakad sila ay naisipang tawagan ni Jose si Maya at busy naman sa pakikinig ng music si Ana....
--------Jose Calling-------
Jose: Maya!!!! Guess what happened? :)
Maya: Jose!!!! Oh? Share!!
Jose: Naglakad na lang si Ana pauwi :)
Maya: Ha? Gago ka ba Jose? Bakit mo pinaglakad si Ana? -______-
Jose: Oh chill! Kasama niya ko ngayon :) Naglalakad kami pauwi :)
Maya: O_________O Anong ginawa mo kay Ana? Jose! Sabihin mo!!
Jose: Huh?? Anong "Anong ginawa ko kay Ana?"
Maya: Di mo ba alam na di yan naglalakad?
Jose: Huh? E kanina nga sabi niya nung papunta pa lang sila dito sa mall e maglalakad lang sila..
Maya: At naniwala ka naman? Baka nakalimutan mo? Si Ana ang pinakatamad na tao sa buong Earth! Pupunta lang yan dito sa bahay namin naka motor pa. Something like that. Take note! Konting kembot lang papunta dito samin!
Jose: Really? E bakit siya sumama sakin para maglakad?
Maya: Wait. I'll call you later. Maghahanda lang ako ng SCIENTIFIC EXPLANATION diyan sa tanong mo. (Serious voice)
Jose: HAhahahahaha!! Nakakatawa kayo ng bestfriend mo! Ang WEIRD niyo pareho! HAHAHAHAHA
Maya: I know. Goodbye..
----Call ended.----
Habang naglalakad si Jose ay patuloy ang pagtawa niya at.......
BOOOOOOOOOOOOOOOGSH!
Jose: Ah... Aray -___-
Tinignan niya yung nabangga niya...
Jose: Ana? What happened? Anyare? Bakit nahinto ka diyan? Nabungo pa tuloy kita.
Di sumasagot si Ana...
Jose: Ui Ana! (Punta ito sa harap ng dalaga then snaps her fingers) Ana? (Snaps Snaps)
Ana: (Mej nagulat) Oh Jose? Bakit?
Jose: Anong bakit? Bakit ka nahinto at natulala ka diyan?
Ana: Ahh.. Hmmmmm.. Jose?
Jose: Oh bakit? (Worried voice)
Ana: Hmmmmm.. Jose, hmmmm.. pwede mo ba ko samahan? (Mahinang sagot nito)
Jose: Oh? Saan? Gabi na ahh...
Ana: Sa... Ahh... Aray -_- (Hawak sa ulo at nahimatay bigla)
Jose: Ana? Ui Ana! Anyare sayo? Gising Ana!! Anaaaaaaaaaaa!!!!!
Sa sobrang taranta ni Jose ay hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Tinawagan si Maya pero hindi sumasagot. Tinawagan yung driver nila para papuntahin kung nasan man sila pero sobrang traffic daw.
Kinuha ang cellphone ni Ana at tinawagan ang nanay ng dalaga pero wala pala itong load.
"Anaaaa!! Anong gagawin ko? Teka! Diyan ka lang!"
Tumakbo si Jose papunta sa kabilang kalsada at tinawag yung taxi na paparating at binalikan kung nasaan si Ana..
Pagbalik ni Jose sa pwesto ni Ana ay bigla itong nawala.......
"Ana? Anaaaaaaaaaaaaaa!! Nasan ka na?!!!!!!!!!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Jose...
Naglakad lakad si Jose hanggang sa mapagod na siya kakahanap sa dalaga.
Umupo muna ito sa gilid ng kalsada at makalipas ang mahigit isang oras na pagkakaupo ay bigla siya nakadama ng antok at di niya namalayan na nakatulog na pala siya dahil sa sobrang pagod.....
itutuloy........