Ana: HA?? Alam mo ba yang mga sinasabi mo ha Maya?
Maya: Ana, seryoso ko. Di mo dapat ginanun si Jose. Gusto ka nung tao. Gustong gusto.
Ana: E ano naman sayo kung gusto ako? Siguro gusto mo din siya 'no? Edi kayo na lang! Tutal magkasundo na kayong dalawa e. Napag-tripan nio na nga ko diba? Parang kinalimutan mo na nga yata na ako yung "BESTFRIEND" mo! Ako dapat yung tinulungan mo!
Maya: Ana, sorry :( Gusto lang naman kita maging masaya ulit e :(
Ana: Maging masaya? Bakit? Di ba ko masaya ngayon ha? Maya, masaya ako. Masaya na ko. Bumalik na yung dating ako. Ok na ok na ko kaya di mo kailangang gawin yun. Ok na ko!
Maya: Alam kong di ka pa ok. Kaya nga nag-agree ako sa mga plano ni Jose. Please. Kailangan mo siya. Please Ana, pumayag ka na sa gusto nia :(
Ana: Sorry. Di ako papayag and never! Manong, pakihatid na lang si Maya sa kanila. Good night.
Bumaba na ito sa van at saka pumasok sa kanilang bahay...
--------
Jose's POV
No! Di ako papayag. Kahit ayaw niya. Liligawan at liligawan ko siya kahit ayaw niya. Mapadama ko lang na mahal na mahal ko siya. Wala namang masama kung liligawan ko siya kahit ayaw niya. Basta, gagawin ko ang lahat mapadama ko lang yung pagmamahal na yun sa kanya. Sige, magsisimula na ko bukas. Itutulog ko na lang yung mga nangyari ngayong gabi. Hmm.. Alam ko na :) Text ko na lang siya :) Tutal nakuha ko naman yung number niya dahil tumawag siya sakin kanina :) Hahaha
Jose texting --
Jose: Goodnight sleepy head :) Sweetdreams! See you in my dreams :)
------------
Kinabukasan....
Pagkagising ni Ana agad niyang tinignan yung cp niya.. "5 missed calls, 20 text messages and 2 Voice mails..."
Ana: Ano ba yan, ang aga aga may nambubulabog -_- sino kaya 'tong mga 'to?
After a minute,
Ana: Hala? Ang kulit talaga ng Jose na 'to :\ Inis! Sinabi ko na ngang di ako magpapaligaw e. Tsk tsk.
Agad pumasok sa CR si Ana para maligo at maghanda papasok ng iskwela. Pagkaligo niya at nang makapagbihis na siya ay agad niyang kinuha ang gamit niya tsaka bumaba sa kusina para mag-almusal...
Sa kusina...
"Oh? Agang-aga nakasimangot ka?" Tanong ng mama ni Ana.
"E kasi, hmmm.. Kinakabahan kasi ako sa Defense mamaya e, natatakot ako na baka di kami makasagot sa mga tanong nila -_-" Sagot na lang nito at agad ng umalis para pumasok sa iskwelahan..
Paglabas niya ng gate nila wala yung Van nila kaya nagtaka siya at bigla niyang nakita na may papalapit na sasakyan, very familiar.
Huminto ito sa harap niya at biglang bumukas yung bintana...
"Goodmorning SleepyHead! HAtid na kita :) Nasiraan yung Van niyo. Ako na bahala sayo. Tara! :)" Haaayy.. Ito na, dumadamoves na si Jose.
"Oh. Sige mag-taxi na lang ako. Thanks by the way." Pagsusungit ni Ana.
"(Tingin sa wrist watch) Hala, quarter to 8 na pala. Baka ma-late yung isa dyan. Tsk tsk. Sige una na ko :)" Sabi ni Jose.
"(Gulat face) Hala? Sige sige. Sabay na ko sayo. Kung wala lang talagang importanteng ganap ngayong araw, mas gugustuhin ko na lang magpa-late. -____-" Sagot na lang nito.
Agad bumaba si Jose para pagbuksan si Ana na kinagulat naman ni Ana.
Habang nasa byahe, daldal ng daldal si Jose pero di naman siya pinapansin ni Ana.