Chapter 7 - Meet JEDDDDDDD

12 0 0
                                    

Kinabukasan...

Nagulat si Jose dahil pagkagising niya ay nasa isang kwarto siya...

"Ahhh aray -_- Nasan ako?"

Bumangon si Jose para pumunta ng banyo. Pagkalabas nito ay may napansin siyang sulat sa may side table ng kama. Bumalik siya sa kama, umupo at inabot yung letter..

"Haaaaaay... Nasan kaya ko? Teka. Parang ang girly masyado ng kwarto na 'to ah.. Tsaka.. Hmmm.. Si Ana!!!!!!!!! Nasan na si Ana? Ano ba talagang nangyari kagabi?"

Binuklat niya yung sulat at tsaka binasa...

Bakla/Jose,

Goodmorning SleepyHead! Sorry nga pala kagabi. Hahahaha. Ang saya mo talaga pagtripan, asarin at pagmukaing tanga. Haha.Sorry talaga! Yung himatay-himatay echos kagabi, ECHOS lang yun. Ikaw kasi e, parang enjoy na enjoy ka sa kausap mo sa cellphone mo. Parang nakalimutan mo na yata na kasama ko. Tapos nung umalis ka para tumawag ng taxi e tumayo agad ako nun at nagtago. Haha. Ang shonga mo lang no? Bakit di mo ko nahanap e halos nasa likod mo nga lang yung pinagtataguan ko. Hahaha. Tapos habang hinahanap mo ko e, sinusundan naman kita. Tapos nakita kita na medyo nakatulog sa may tabing kalsada kaya pinuntahan agad kita. Tulog-mantika ka pala bakla! Grabe! Mas malala pa sakin ehhh! Haha. Tapos nagpasundo na ko sa driver namin para iuwi ka. Oy! Wag kang ano diyan! Inuwi kita dahil di ko alam papunta ng bahay niyo. Tsaka wag ka ulit ano diyan! Di kita tinabihan sa pagtulog. Kapal nito!!

By the way, siguro pag nabasa mo 'to nasa school na ko. May exam kasi kami. Di na kita hinantay magising para ikwento ang lahat. HAHAHA. 

PS: MAAARI KA NG UMALIS SA KWARTO KONG PANG-GIRLY MASYADO. OVER STAYING KA NA AT BAWAL ANG MGA PANGIT DYAN.

From:

Ana Ganda Forevah.

(Subukan mo umangal)

------------

"Nako Ana! Kung di lang talaga kita Mahal? Matagal na kitang dinala sa Mental Hospital at pinakilala sa mga nawawala mong kapatid -_-"

UNKNOWN (How I met my Ex-Boyfriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon