Chapter 2: Goodbye...again?

291 5 2
                                    

Pagkatapos ng tatlong taon..

"Aish! Ano ba naman 'to? Ba't ang dili-?" napatigil ako nang biglang sumindi ang ilaw at isang magandang bata ang lumitaw sa aking harapan na may dala-dalang cake at kumakanta ng..

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday Kuya Myungsoo. Happy birthday to you!" at saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Kahit kelan talaga 'tong batang 'to. Ang sweet talaga!

"Yow Kuya! Pwedeng i-blow yung kandila. Nangangalay ako oh?" at saka niya pinunasan ng braso niya yung labi niya.

"Kuya, hinding-hindi ko na talaga hahalikan yang pisngi mo. Ang oily! Kadiri ka!"

Ah, kaya naman pala. Oily pala ako? Sorry naman, gwapo lang este may nangyari lang kaya haggard.

Inihipan ko na ang kandila at agad-agad binaba ni Amber ang cake sa mesa.

Malamang ngalay na ngalay na siya eh.

Oo nga pala, 18th birthday ko ngayon kaso hindi ko ramdam magcelebrate. Kung hindi lang dahil kay Amber, malamang nakalimutan ko nang birthday ko ngayon.

May nangyari lang kasi na hindi inaasahan.

Sana hindi na lang dumating yung araw na 'to pero gusto ko rin 'to kaya ngayon tuloy, naguguluhan ako.

"Kuya, anong wish mo?" tanong ni Amber habang pinapapak yung icing ng cake.

Pinalo ko nga yung kamay niya pero mahina lang.

"Umayos ka nga. Kainin mo ng maayos yung cake. Hindi yung ganyan! Para kang hindi babae!" napagalitan ko pa tuloy siya ng wala sa oras.

"Pero kaya ko lang naman binili 'to ay dahil sa icing eh. Pera ko kaya 'to! Wag kang nangingialam kuya."at saka niya ako pinahiran ng icing sa mukha.

"Ikaw talagang babae ka! Humanda ka sakin!" kumaripas siya ng takbo papunta sa sala pero hindi na ako nag-abalang habulin pa siya. Ang daming gumugulo sa isip ko kaya wala na akong lakas para makipaglaro pa sa kanya.

Napansin niya sigurong hindi ko siya hinabol kaya kusa na rin siyang bumalik sa kusina.

"Ya! Kuya! Pagod ka?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi naman. Magulo lang isip ko." mahinang sagot ko.

"Talaga?"

Tumango ako, dahilan para pahiran niya ako ulit ng icing.

Kahit kelan talaga isip bata pa rin siya! Pero bawal bang ang isang 12-years old na babae ay magmature naman kahit onti?

Ang ibig kong sabihin, tatlong taon na ang nakalilipas nang umalis si ate pero ano? Ganun pa rin ang ayos at kilos ni Amber. Mas nahilig pa nga siya sa sports eh. At isa pa, dalaga na siya! Dalaga na! Alam niyo na yun. Meron na siya! Aish! Ba't ko pa ba kailangang banggitin?

Teka nga, bakit ba nasama yun sa iniisip ko?

Iba kasi dapat ang iniisip ko.

Yung problema ko ang dapat isipin ko.

'Hay naku naman Myungsoo! Hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo. Birthday mo ngayon kaya mag-3-in-1 plus one.'  sabi ng...teka? Konsensya ko ba yun?

Grabe! Nababaliw na ata ako! Hindi pwede! Sayang kagwapuhan ko noh!

Aba naman! Parang humangin ata ng onti? Tsk.

"Kuya! Kuya!"

Bumalik na lang ako sa realidad ng tawagin ako ni Amber.

"Kuya, ano bang wish mo?" nakaupong sabi niya. Malamang, napagod 'tong isip bata na 'to kakatakbo mag-isa. Naninibago yata siya sakin? Malamang sa malamang, ngayon lang ako namroblema ng ganito eh.

"Ah wish ko ba?" pag-uulit ko sa tanong niya.

'Sana hindi na lang kita kailangang iwan. Ayokong mahiwalay sayo. Kahit pasaway ka, mahal na mahal kita ng sobra Amber. Pero para sa pangarap ko 'to. At kailangan ko rin 'tong gawin para sayo.'

Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya kaso hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.

Matutuwa ba siya, malulungkot ba siya o baka tatanungin niya lang din kung bibilhan ko ba siya ng laruan.

EWAN! Gulong-gulo na ako. Ayoko talaga siyang iwan...pero kailangan eh!

AISH! BUHAY NAMAN OH!

Sinagot ko lang ng ngiti ang kanina pang katanungan ni Amber.

Hindi ko maatim na mawalay sa kanya. Siya na ang buhay ko eh.

Pero..kailangan ko talagang umalis.

Kailangan...

Susunod >>

---

HELLO! Chapter 2, upload agad. Haha! Vote and comment po kayo kung bet niyo.  Salamat! GODbless you all! ANNYEONG! Myungsoo again sa kanan. ^^

-FAPS

Song for today: Cover Girl by Infinite <3

Special GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon