Chapter 20: Let's Talk

83 3 0
                                    

Sinadyang umubo ni Chamii para mabaling sa kanya ang tingin ni Minhyuk.

"Uy! May kasama ka pala? Sino siya?"

Nawindang naman si Chamii sa tanong ni Minhyuk. Nagtataka siya dahil sa laki ba naman niya ay hindi man lang siya nito napansin kanina? Pero wala lang yun sa kanya dahil tinatanong na ng kanyang ultimate crush ang kanyang pangalan.

"Siya si Chamii, kaibigan ko!" pagpapakilala sa kanya ni Amber.

"Hi! Nice meeting you!" sabi ni Minhyuk kay Chamii sabay alok ng shake hands.

Nag-aalangan si Chamii na hawakan ang kamay ni Minhyuk nung una, pero agad din naman niya itong hinablot at pacute na sinabing, "Nice meeting you din po!"

Hinigit naman agad ni Minhyuk ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Chamii dahil masyadong mahigpit.

"Ay sorry po!" pagpapaumanhin ni Chamii na pacute pa rin kung magsalita. Iniisip ni Chamii na sana, sabihin rin sa kanya ni Minhyuk na huwag na siyang mag-po rito. Kaso wala siyang narinig na kasunod pa.

Sa halip ay narinig niyang niyaya ni Minhyuk si Amber, "Amber, hatid na kita sa inyo."

Nagulat naman si Amber sa alok ng lalaki kaya napatingin siya kay Chamii.

Hindi niya mabasa ang expression ni Chamii kaya sinabi na lang niya kay Minhyuk na, "Ay naku pasensya na ha? Sabay kasi kaming uuwi ni Chamii eh."

"Sige na naman oh? Kahit ngayon lang?" pagpupumilit ni Minhyuk.

Nakatingin lang sa baba si Chamii kaya hindi siya makausap ni Amber ng mata sa mata.

"Ah ano kasi eh.." hindi alam ni Amber ang sasabihin.

"Sige na Amber. Kaya ko naman umuwi mag-isa eh. Magpahatid ka na lang muna kay Minhyuk. Ngayon lang naman daw eh," sabi ni Chamii na siya namang ikinagulat talaga ni Amber.

"S-sigurado ka?" tanong ni Amber.

"Oo naman noh! Basta bukas tayo na ang sabay. Okay?" at walang anu-ano ay iniwan na ni Chamii ang dalawa.

Binilisan niya ang paglakad. Ayaw niya kasing masaktan sa makikita niya.

'Hay friend! Ang swerte mo naman talaga! Si Minhyuk pa ang maghahatid sayo. Sana sakin rin,' sabi ni Chamii sa sarili.

***

"Ano? Tara na?" tanong ni Minhyuk kay Amber na nakatingin pa rin sa direksyong pinuntahan ni Chamii.

"Pero kasi paano si Chamii. Naku naman oh!" nag-aalalang sabi ni Amber.

"Okay lang siya. Gusto lang naman kitang makausap kahit ngayong araw lang eh. Pwede ba yun?" sabi ni Minhyuk. Hinawakan ni Minhyuk ang kamay ni Amber.

"Tara na!" sabi pa nito.

Hindi na lang pumiglas si Amber. Hinayaan na lang niyang hawakan siya ni Minhyuk.

Teka?

Siya?

Hawak ni Minhyuk?

Sa kamay?

Seryoso?

Tiningnan niya ang kamay niya at sapul! Magkahawak nga sila ng kamay!

'Lagot ako nito pag may nakakita samin!' nasabi na lang ni Amber sa sarili.

Bigla naman niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Minhyuk kaya nagulat ito.

"Bakit? May problema ba?" nakakunot-noong tanong ni Minhyuk.

Special GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon