Chapter 3: It's for you

157 5 0
                                    

"Amber, pwede ba tayong mag-usap?" tawag ko sa kanya.

Kasalukuyan akong nasa garden at nakaupo sa tapat ng swimming pool.

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang mabalitaan kong kailangan kong magpunta ng Japan.

Gustong-gusto ko talagang maging model. At iyon lang ang tanging paraan para matupad iyon...

Ang magpunta ng Japan.

Ngayong tanggap ko na sa sarili ko na kailangan ko nang iwan si Amber, kailangan ko namang tanggapin kung anong magiging reaksyon ni Amber sa sasabihin ko.

"Sure Kuya! Tungkol saan ba?" pinaupo ko siya sa tabi ko.

"Amber, sana wag kang magagalit sakin ah? Sana tanggapin mo 'tong magiging desisyon ko. Maliwanag ba?" panimula ko kay Amber. Kitang kita ko ang nagtataka niyang mukha.

"Aw kuya. That is so not you. Ano bang meron?" tanong niya na agad nagpakaba sakin.

Handa na kong sabihin sa kanya eh pero ba't bigla akong kinabahan?

"Amber.. Ano kasi.."

"KYAAAAAAH!! KUYA! M-MAY IPIS SA TABI MO!!"

Agad naman akong napatayo para tingnan kung may ipis nga, pero sa nakita ko, WALA!!

"HAHAHAHAHAHHA!! Huli ka kuya!"

Langyang babae 'to! Naisahan ako dun ah? Nagawa pang magbiro sa ganitong sitwasyon. Kinakabahan na nga ako eh. Leche talaga! Ibang klase!

Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Amber.

"AMBER!! Hindi ka nakakatuwa!! Umayos ka!!" pagalit kong sabi.

Pero sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako.

Natigil naman sa pagtawa si Amber at naisipan rin niyang umupo kaya umupo na rin ako.

"Kuya, sorry. Ang seryoso mo kasi eh! Ano ba yung sasabihin mo ha?"

"Okay, makinig kang mabu-"

"WHAAAAAAAH!!! K-kuya.. M-may..IPIIIIIISSSS!!" agad-agad tumayo si Amber mula sa pagkakaupo.

At dahil alam kong nanloloko lang siya, hinayaan ko lang siyang magsisigaw.

Pero..

Parang may gumagapang sa KAMAY KO!!

"SHEEEET!! MAY IPIS NGAAAAA!!"

Dahil sa takot ko sa ipis, napatalon ako bigla sa pool.

Naku naman! Nakakaasar! Kinakabahan na nga yung tao tapos may ipis pang gagapang sa kamay mo!

At sa lahat pa ng gagapangan, SA KAMAY PA TALAGA!!!

ASAAAAAAR!!

"Kuya, ayos ka lang?" iniabot sakin ni Amber ang kamay niya.

Nang mahawakan ko siya, agad ko siyang hinila sa pool.

Pareho na kami ngayong nasa pool.

"YAH! KUYA! ASAR KA!" inis na sigaw niya sakin.

"HAHAHAHAHAH!!" ako naman ngayon ang tawa ng tawa pero natigil din agad nang mapagtanto kong may dapat pa nga pala akong sabihin sa kanya.

"Amber, pasensya na. Balik tayo sa kanina, pwede?" hinarap ko siya.

Mata sa mata.

Babae sa lalaki.

Kapatid sa kapatid.

Dugo sa dugo.

Laman sa laman.

Aish! Andami ko nang satsat.

"Sige kuya. Ano ba kasi yung gusto mong sabi-" naputol siya sa pagsasalita nang sagutin ko siya.

"Aalis na ako papuntang Japan." nakatitig lang ako sa kanyang mata. Inaalam kung anong magiging reaksyon niya.

Lumaki ang mata niya sa gulat.

Pero bigla rin siyang ngumiti.

Ngiting malapaaaaaaaaad.

"TALAGA??" halata naman sa tono niya na masaya siya.

"Bakit parang hindi ka malungkot?" tanong ko na nais iparating na disappointed ako sa naging reaction niya.

"Bakit? Dapat ba akong malungkot? Ang astig nga eh! Japan yun kuya! Oh Japan! Grabe kuya! Ang astig mo talaga! Makakapunta ka ng Japan! Sama ako pwede?"

Tama nga. Hindi nga siya malungkot. Bakit nga naman siya malulungkot, eh parang aalis lang naman ako. Hindi big deal. Para san pa't kinabahan ako? Aish!

Dahil sa pagkabigo ko sa kanya, minabuti ko na lang na umahon na sa tubig. Wala rin kwenta kung may sasabihin pa ko sa kanya. Hindi naman ata siya interesado pa. Tutal aalis na ako.

"Teka kuya! San ka pupunta? Hindi mo man lang sinabi kung bakit ka pupunta ng Japan? Alam mo bang mamimiss kita pag nangyari yun?"

Nakaahon na ako ng pool ng marinig ko yung sinabi niya. Bigla akong napabalik sa pool para lang marinig ang, "JOKE LANG!"sabay behlat pa.

Nakakainis na talaga!

Kung hindi ko lang siya kapatid baka nabugbog ko na siya! Asaaaaar talaga!

"Ya! Kuya naman eh. Di ka mabiro! Labo mo talaga!"

Nakaahon na rin ako agad sa pool dahil sa inis ko. At talagang ako pa ang malabo ha? Pinaglololoko niya ba ako?

"Kuya naman. Sorry na! Binibiro lang kita eh. Pero pwede bang isama mo na lang ako sa Japan? Sige na please? Maganda daw dun eh sabi nila. Tsaka isa pa, magkasama tayo dun kaya mas masaya, diba?"

Napalingon na lang ako sa kanya. Kita ko naman sa mata niya ang sinseridad sa sinabi niya.

"Kung pwede lang sana Amber na isama ka, ginawa ko na. Kaso hindi. At isa pa, para sayo at para sa pangarap ko yung pagpunta ko dun. Wala nang iba."

Pagkasabi ko nun, tumulo na lang ng kusa yung luha ko.

Susunod >>

---

YOW! Chapter 3 is up! Suportahan niyo po ako. Comment po kayo ah? Para mag-improve pa po ako. Salamat! ANNYEONG! ^^

-FAPS

Song for today: Julia by Infinite <3

Special GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon