Chapter 10: Saved by the Bell!

101 3 0
                                    

Nasa gilid pa rin kami ni Chamii.

Yung mga lalaking pumasok kanina ay nagsimula nang mag-warm up. Pito silang lahat. At pare-pareho silang matatangkad at mapuputi.

Nang tingnan ko si Chamii, yung singkit niyang mata ay lumaki na! At yung bibig niya, naka-nganga!

Anong nangyari dito? Nasaniban?

Hindi kasi gumagalaw eh.

Inalog-alog ko siya hanggang sa lumingon siya sakin pero naka-nganga pa rin at hindi man lang kumukurap. Ang creepy!

"Huy Chamii! Ayos ka lang ba? Huy!" inaalog ko pa rin siya.

Pero wala eh, tulala pa rin siya. Nakatingin lang siya sakin.

Hala! Ano kasing nangyari dito? Mamaya na-ano na 'to eh.

Pero walang anu-ano ay umalis sa pwesto niya si Chamii. Sa halip, mas lumapit pa siya ng onti dun sa lugar na kung saan ay kitang-kita yung mga lalaking naglalaro sa baba.

Sinundan ko na lang siya.

Pagkaupong-pagkaupo ko eh nagulat ako dahil naglalaro na ng basketball yung pitong lalaki. 

Three versus three ang laban. Yung natitirang isa yung referee.

Nang magsimula na yung laban, agad nakashoot yung isang team. Aba! Hanep! Magaling sila kung titingnan, idagdag mo pa na mga lalaki sila.

Sa tingin ko mga varsity players 'to. Magagaling eh!

Patuloy pa rin yung laro nila. Ang score ay 15-18. Lamang yung... Ay ewan! Halos magkakamukha kasi sila eh. Pwera lang dun sa isa na long hair. Siya lang ganun eh tapos yung iba hindi naman.

Yung grupo niya yung lamang.

Nang makita ko kung sino na yung magsu-shoot, yung lalaking long hair yung may hawak ng bola.

And boom!

THREE POINTS!

WOW!

HALF COURT DRE!

Nasa gitna siya ng court tapos nashoot niya yung bola?!

Shemz! Ang galing niya!

IDOL!

Natigil naman ako sa pagkahanga nang magsalita si Chamii.

"A-Amber.."

"Uy! Chamii! Ayos ka na ba?" tanong ko.

"Yung BTOB.."

"Huh? Alin yung BTOB?" naguguluhan kong tanong.

"S-sila yung BTOB!" natauhan niyang sagot. Sa wakas! Bumalik na siya sa katinuan.

Pero teka...

"BTOB? Sila? BTO-" natigil ako nang magsink-in sa utak ko kung sino yung BTOB.

"AHA! YUNG BTOB! Yung grupo ng mga lalaki? Tama ba?" proud kong sagot dahil naalala ko kung sino sila.

"OO SILA NGA!!" tuwang-tuwang sabi ni Chamii.

Nanlaki naman yung mata ko nang marealize kong napalakas yung pagkakasabi ni Chamii.

Nang tingnan namin yung mga lalaking naglalaro na ang pangalan pala ay BTOB, nagulat kami dahil nakatingin sila samin.

SA-MIN???

PATAAAAAY!

"Mukhang kanina pa pala may nanunuod satin ha?" sabi nung matangkad sa kanila.

"PAALISIN NIYO SILA!!" sigaw nung long hair.

Yung..yung IDOL ko!

Dahil sa takot, kumaripas kami ng takbo pababa ni Chamii.

Bubuksan na sana namin yung pinto nang...

"Teka lang! Sino kay-" naputol yung sasabihin nung isa sa kanila nang biglang magbell.

"Ahehe sige po! Alis na po kami!" at agad agad kaming lumabas ng gym.

Pfew! That was close!

Saved by the bell! Buti na lang! Nakakatakot SIYA eh!

 Susunod >>

---

Annyeong! NUKS! May IDOL si AMBER? Biruin niyo yun! HAHA! VOTE po. Salamat ^^

-FAPS

PS: BTOB yung nasa side ^^

Song for today: WOW by BTOB <3

Special GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon