Chapter 16: Tell Her

87 3 0
                                    

Uwian na.

'Sa wakas!' sigaw ni Amber sa sarili niya.

Monday ngayon. Lahat ng mga pambubully na yun ay tiniis niya kaso lang pati yung kaibigan niya nadamay pa.

At hindi niya yun gusto!

Kaso ngayon, gumugulo sa isip niya kung paanong si Ilhoon ang tumulong sa kanila.

Paano sila nahanap nito?

Bakit sila hahanapin nito?

Bakit sila tinulungan nito?

Pero kahit ano pa man ang dahilan, malaki ang utang na loob niya dito.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, kinilig siya sa nangyari kanina.

Teka?

Kinilig?

Alam niya ang salitang yun?

How come?

Pero basta, ang alam niya lang ay kinilig siya sa ginawa ni Ilhoon. Kahit paano nagpapasalamat siya dun sa mga nag-lock sa kanila dahil ang isang Ilhoon ang tumulong sa kanila.

Hindi niya alam kung bakit pero ang alam niya lang ay masaya talaga siya sa nangyari.

Iniisip pa niya na sana mangyari ulit na magkita sila ni Ilhoon na puno ng concern ang mata.

"Chamii! Kain tayo ngayon sa labas. Libre ko!" yaya niya kay Chamii.

"Aba? Nag-iba yata ang ihip ng hangin ah? Ba't manlilibre ka?" tanong sa kanya ni Chamii.

"Ayaw mo ba? Eh di wag na lang," sabi naman ni Amber.

"Uy joke lang! Nagtatanong lang naman eh. Oh ano? Tara na?" excited na tanong ni Chamii.

"Sabi na eh! Basta pagkain eh," pang-aasar sa kanya ni Amber.

"Syempre naman noh! Baka pumayat ako, mahirap na," sagot na lang ni Chamii.

Nagpunta sila sa McDo.

Ang nasa isip niya, sasabihin niya na kay Chamii ang nararamdaman niya kay Ilhoon.

Gusto niya kasing makahanap ng sagot sa mga bagay na nagagawa niya nang di niya nalalaman.

At kung paanong naging crush niya si Ilhoon.

"Chamii, ano bang gusto mo?" tanong niya kay Chamii na kasalukuyang nakatitig sa mga menu sa harapan.

"Huy! Baka matunaw! Anong gusto mo?" tanong ulit ni Amber.

"Kahit ano. Ikaw nang bahala," sabi naman ni Chamii.

"Hanap lang ako ng pwesto ah?" dagdag pa nito.

Nakatapos nang umorder si Amber kaya pumunta na siya sa pwesto ni Chamii.

"What? Fries, cheeseburger at float lang?" tanong ni Chamii kay Amber.

"Oo bakit? May reklamo ka?"

"Pero dapat iba naman," pagrereklamo ni Chamii.

"Eh di sana sinabi mo. Tinatanong ka kanina eh. Sabi mo ako nang bahala. Ang labo mo rin eh!" sagot naman sa kanya ni Amber.

"Oo na nga lang. Pwede na 'tong pagtiyagaan kesa wala."

"Onga naman! Diba hindi ka naman choosy? Hahaha!" pang-aasar na tanong ni Amber.

Kumakain na silang dalawa nang biglang magsalita si Amber.

"Chamii, may crush yata ako?"

Halos maibuga na ni Chamii yung nasa bibig niya dahil sa sinabi ni Amber pero buti naman at hindi.

Special GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon