Iskempurtush

681 11 2
                                    

Eto.Gusto ko lang ibahagi ang mga nai-brainstorm kong plot ng mga istorya. Yung iba, malamang ay alam  niyo na din, may mga ilang pagbabago lang akong ginawa para maiba. Bakit ko ito ibinabahagi sainyo?

1.  ) Sawa na kasi akong makakita ng paulit ulit na plot dito sa wattpad. (Hala, ang maldita ko)

Pansin niyo naman ho diba. Ang dami ng magkakapareho, kaya yung iba, hindi na napapansin.Umaasa nalang tuloy sa “pa-vote at pa-comment please?” Nawawala na yung diwa na, natagpuan ko ang istoryang ito dahil sa nakuha nito ang atensyon ko.

2. )Gusto kong matulungan yung mga bagong manunulat,lalo yung mga bata pa, na makapag-isip ng isusulat nilang storya. (Hala ang pakialamera ko)

3.) Mapupuno na kasi yung notebook ko. Puro plot lang, wala naman akong natatapos na storya. E kung pinamigay ko nalang yung mga ideya ko, edi nakatulong pa ako at nakabuo pa nang mas magandang storya yung mabahaginan ko ng idea.Di ba?

4. ) Hindi na ako makapagsusulat nang madalas. T___T

5.)Babalik na ako sa realidad. Isa lang din po akong estudyanteng marami pang ibang prayoridad sa buhay sa ngayon. Aral aral din muna.

K.

STORY PLOTS for writersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon