Free your mind through your pen and paper 3

565 13 7
                                    

4. Not your usual love story. May pagka historical.

-Si babae ay napadpad sa isang lumang bahay, isang gabing maulan (diko alam kung paano siya napadpad doon, bahala na kayo, parang naglayas o tumakbo siya sa isang problema niya at dun niya napagpasyahang umiyak). Ang bahay na ito ay may isang kwarto na nakakandado ang pinto. Dahil sa hindi siya makapasok, napasandal na lamang siya sa may pinto at doon umiyak nang umiyak.

Sa kabila ng pinto ay may bigla na lamang kumanta. Boses ng lalaki. Tumigil sa pag-iyak ang babae at tinanong niya kung sino ito, hindi sumagot ang lalaki, bagkus ay patuloy lamang itong nagsalita  ng mga nakakapagpangiting mensahe(wow, dumudugo na talaga ang ilong ko sa tagalog haha)

Tuloy tuloy lamang sa pagsasalita ang lalaki hanggang sa gumaan ang pakiramdam nung babae. Kinabukasan, napagpasiyahan ng babae na bumalik uli sa bahay. Araw-araw ganun. Pero may isa lamang na kakaiba. Hindi sinasagot ng lalaki ang mga tanong ng babae kung sino siya. Patuloy lang sa pagkukwento at pagasasalita ang misteryosong lalaki.

Twist: Nasunog ang lumang bahay at nabalitaan ito ng babae. Sa pag-aakalang na-trap ang lalaki sa loob, pinuntahan niya ang lumang bahay ngunit wala namang bakas nung lalaki. May nakita lamang siyang isang tape recorder sa may parte ng kwarto ng bahay. Tape recorder lamang pala ang lalaking minamahal niya.

Yung lalaking yun,pwedeng patay na sa hinaharap, pwedeng buhay pa, pwedeng yung tatay pala nung totoong makakatuluyan nung babae. Kayo na bahala. kayo na din bahala kung paano niyo magagawang kapani-paniwalang lifetime yung tagal nung tape recorder at kung sa anong sitwasyon nagrecord ng mga magagandang salita yung lalaki.

Possible titles: The other side of the door,  the storyteller, My heart listened

5. EK ride love story (pang short story)

-Paano kung sa maiksing panahon ng itinagal mo sa isang ride sa Enchanted Kingdom, nakatabi mo pala yung taong makakatuluyan mo habang buhay?

Ikaw na mag-isip kung saang ride. Yung nasigawan mo sa Anchors away, Yung nasukahan mo sa space shuttle, Yung nakasama mong nabasa sa Rio grande rapids, Yung nakasakay mo sa ferris wheel, o pwedeng yung ahente na nag-encourage sayo na sumakay sa Disk-o Magic. Pwede din naman yung nakabungguan mo sa bump car, o yung lalaking katabi mo sa EK extreme na tumulong sayo para makatayo nung mapaupo ka pagkatapos nung nakakamatay na ride na yun.

Possible titles: Pwedeng yung pangalan nung ride.

STORY PLOTS for writersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon