6. FANFICTIONS
Siguro para sa genre na ito, ang kailangan mo ay ang skill ng pagiging isang fan. Kung tutuisin, sobrang malaya ng paggawa ng isang fanfiction. Dahil kumbaga, sabi nga ng mga kakilala kong mahilig magbasa at magsulat ng fanfiction, dito nila nilalabas yung imagination nila tungkol sa mga idol nilang istorya o tao. Yung mga pangarap (wow?) nilang eksena, deepest desires or wishes, mga what ifs and what could've beens, pwede mong ipasok lahat sa fanfiction.
Syempre maraming classic examples ng fanfiction, meron sa mga sikat na series, or other famous love story movies. Fanfiction about your favorite boyband, love teams, at Kpop or Kdrama stars. Yung mga pangarap mong i-ship o gawing loveteam mga ganern.
Actually, mayroon akong ginagawang fanfiction ngayon (tungkol kay, Junmyeon, at joongki) pero sa totoo lang , isa ito sa genre na nahihirapan ako. KASI NASASAKTAN AKO. (HAHAHAHA ARTE) Masaya magsulat ng fanfiction, oo, kasi doon mo natutupad lahat ng mga gusto mong mangyari sa istorya. Legit na masaya ako, kaso after kong basahin yung draft, masakit kasi alam kong hinding hindi yun magkakatotoo. Kaya hindi ko alam kung kailan ko ito matatapos at maipupublish. Bukod sa nag-iipon pa ako ng creative juices, nag-iipon parin ako ng lakas ng loob. (Wow, lakas ng loob para saan?) Para tanggapin na isa lamang akong dakilang fangirl) (ARTE TALAGA HAHA SIGE TRY KO NA ULI ) (NASA AKIN PALA ANG PROBLEMA!! DI AKO MAKATANGGAP. HINDI KO MAHIWALAY ANG KATHANG ISIP SA TOTOONG BUHAY! HAHAHA DO YOU FEEL ME FELLOW FANGIRLS? :(( AYUN.)
Ang tip ko siguro sa mga mag-uumpisa palang sa pagsusulat ng fanfiction, o dun sa mga walang idea kung paano magsimula o magcompose, wala naman masama kung magbasa muna kayo ng maraming fanfiction mula sa ating mga magagaling na fanfic writers. Nakakatuwa nga kasi yung iba kong mga kakilala, minsan sa sobrang ganda ng nabasa nilang fanfic, ginagawan nila yun ng fanfic!! hahaha Fanfiction ng isang Fanfiction, o diba, astig!
So ayun, MAGBASA NANG MAGBASA HANGGANG SA MA-INSPIRE. Pero syempre wag magplagiarize ng gawa ng iba. Automatic na yan, alam kong alam nyo naman yun! :)
HINDI MASAMANG I-BASE ANG GAWA MO SA IBA, ANG IMPORTANTE, MAI-CITE MO SILA OR MA CREDIT KUNG MAY KINOPYA KA (I'm talking about fanfiction of fanfictions , or a same story base fanfiction from a wide pool).
Sa titles, BE CREATIVE!!!!
7. Plots inspired by songs
-Para sa mga kagaya kong buhay ang musika, ang mga sumusunod na kanta ay nagagawan ko ng istorya kapag naririnig ko. Hindi ko na sasabihin kung ano yung plot. Pakinggan niyo na lamang ang mga awit na ito.
- Found by Philip Laure
- I knew you were trouble by Taylor Swift
- Like we used to by A rocket to the moon
-Numb by Linkin Park
-Science and Faith by The Script
-If ever you're in my arms again by Peabo Bryson
-Blame it on the rain by He is We
-I could not ask for more by Edwin McCain
-Forever and always by Parachute
- Palagay ko mahal kita by Aiza Seguerra
-Enchanted by Taylor Swift
-Because you live by Jesse Mccartney
-Feels like home by Love Drive
-Dare you to move by Switchfoot
-Kids in Love by Mayday Parade
-The one that got away by Katy Perry
-Mr. Right by A rocket to the moon
-Takipsilim by Callalily
-New Perspective by Panic! at the Disco
- Still into you by Paramore
-Alipin by Shamrock
-Little things by One direction
-Beautiful Goodbye by Maroon 5
-Passenger Seat by Stephen Speaks
-Superstar by Taylor Swift
-We found love by Rihanna (seriously?haha)
-Kahit maputi na ang buhok ko by Rey Valera
-Magpakailanman by Rocksteddy
Madami pang iba. =))

BINABASA MO ANG
STORY PLOTS for writers
Non-FictionPara 'to sa mga writer. Sa lahat ng writer siguro. Bago, Sikat, Amateur, at sa kagaya kong Tamad. XD Para din sa mga reader. Sigurado akong gusto niyo din makabasa ng mga kakaibang istorya. Ito ay compilation ko ng story plots. Sana makatulong ako s...