Free your mind through your pen and paper 2

619 13 2
                                    

3. Hopeless romantic story na medyo comedy.

-Masyadong ideal tungkol sa usaping pag-ibig si babae. (parang ako lang) Tapos naniniwala siya sa destiny (parang ako lang uli) Medyo desperada na siya (di na ako 'to.haha) Mahilig siyang magpapaniwala sa mga signs, lucky charms, gayuma, horoscope. Lahat na ng manghuhula sa quiapo bestfriend niya. Pero ni minsan hindi siya nagkaroon ng boyfriend. Pero sa lahat ng mga senyales na naeencounter niya, palaging may isang lalaking extra, na laging salungat sa sinasabi ng signs at horoscope. Tinuturing niya itong malas dahil minsang sinabotahe nito ang date niya.

Hanggang sa dumating ang oras na nagsawa na siya sa paghahanap ng pag-ibig sa ganoong paraan. Tapos naging malapit sila nung lalaking malas sa hindi inaasahang pagkakataon. At nahulog ang loob nila sa isa't isa.

Ituloy niyo.

Possible titles: Ang malas kong swerte, HOROSCOPE, HULA, Malas in disguise

4. Vandal girl /vandal boy love story (inspired by my schoolmates)

-Ang setting ay sa school. Isang makata itong si lalaki. Madalas ay mag-isa lang siya dahil nerd ang tingin sa kanya ng mga estudyante, Dahil sa walang masyadong kaibigan si lalaki, nahilig siya sa pagvavandal ng kanyang saloobin kahit saan _sa armchair, sa dingding, sa puno, sa mga dahong nalaglag, sa mga piraso ng papel na iniiwan niya sa bawat klase niya. Sa dulo ng sinusulat niyang tula, liriko, o saloobin niya ay mayroon lamang siyang iniiwang codename. 

Si babae naman ay isang photography major. Sa isang klase niya kung saan siya ay kukuha ng larawan sa buong campus, makikita niya ang mga vandal ng lalaki. Maiisipan niya itong gawan ng istorya at mapapaibig siya ng mga vandal ni lalaki. Hahanapin siya ni babae, pero maraming magpapanggap na sila si vandal boy dahil sa sikat si girl. 

Si vandal boy naman ay ayaw maglantad dahil siya ay nahihiya kay babae. Si babae naman magiging vandal girl na din at lahat ng pinagsulatan ni vandal boy ay pupuntahan niya at magsusulat din siya pero magtatago siya sa likod ng isang code name. Sa paraang iyon, matutulungan niya si Vandal boy na magkaroon ng tiwala sa sarili.

Ituloy niyo.

Possible titles: Vandal boy/Vandal girl , Codename, (WALA NA AKONG MAISIP HAHA)

STORY PLOTS for writersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon