Free your mind through your pen and paper

668 15 2
                                    

Brainstorm. Yan ang hilig kong gawin. Bagyo bagyo na sa utak ko. Ang dami kong gustong gawin at isulat. Kaso nga TAMAD ako. Kaya sa mga masisipag diyan, eto.

1. Blind and Mute love story(medyo modern)

-Ang setting, sa isang bench sa isang park sila magkakakilala. Lagi doon umuupo si guy na nabulag mula sa isang aksidente. Mahilig siya sa sunset. Poetic siyang tao. Ideal sa buhay. Yung tipong kahit nabulag siya, positibo parin siya sa buhay. Si girl naman, lagi din dun sa tapat ng bench na inuupuan ni Guy, napipi at natrauma naman siya dahil sa isang aksidente, nagpatuloy siya sa buhay niya pero walang makagawa na mapagsalita siya  dahil nga sa trauma niya. Pero nakakarinig naman siya. kahit gusto niyang magsalita, hindi niya magawa. 

Isang hapon, sabay silang nandun sa park.  may isang bagay na malalaglag si Blind Guy, na makikita ni Mute girl, tapos kukunin ni Mute Girl ito para kay Blind Guy.

Kakausapin ni cheerful Blind Guy si Mute girl, pero hindi ito magsasalita. Uupo lang ito sa tabi niya.Araw -araw silang ganun.

ituloy niyo.

Possible Titles: Tambayan, Our Sunset, The bench, One afternoon

2. Tragic but sweet love story 

- Ang setting, sa hospital. Yung babae nurse ,yung lalaki, pasyente niya. Ang buhay nung babae ay pinapatakbo ng kanyang mga magulang. Masaklap ito at puno ng mga naudlot na pangarap. Napilitan lang din siyang maging nurse. Wala na siyang magagawa kundi mahalin nalang ang trabaho niya. Madalas na malungkot si babae sa trabaho niya hanggang sa ma-assign siya sa isang hospital at  maging personal na nurse nung lalaki. May taning na ang buhay nung lalaki. Pero masiyahin siyang tao. Halos kaibigan na niya lahat sa hospital na yun. Tapos magiging malapit sila sa isa't isa.

Yung lalaki ang magbibigay ng kulay sa malungkot na buhay nung babae kahit sa maikling panahon lang nilang pagiging magkasama. May mga eksenang hahayaan nung lalaking gawin ang mga bagay na gustong gawin nung babae. Kagaya nalang nung pag pepainting , pagkanta, pagsusulat ng tula, sa mga oras nilang dalawang magkasama sa hospital. Basta masaya sila. Nagmamahalan. Hanggang sa dumating na yung araw na pinakakinatatakutan nung babae.......

possible titles: Hospital rooftop (yun yung kung saan madalas silang magpalipas ng oras) , 6 beautiful  days (kasi anim na araw llang silang nagkasama) , Life unlimited

STORY PLOTS for writersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon