Paalala: Wala po akong pinatatamaang istorya o kahit sino mang author. Para po sabihin ko sainyo , ako ay tagahanga din ng napakaraming istorya na kagaya ng mga sumusunod.
MARAMING SALAMAT PO!MABUHAY!
A. COMMON PLOTS - VERSION KO
1. Boys over flowers type. Yung may apat na poging poging lalaki na iba- iba ang ugali. May poging mabait, may poging playboy, may poging talented, at may poging masungit na siyang makakatuluyan ng bida. AMININ MO GANYAN YUN DIBA?.HAHAHA. At isang babae. Tapos yung babae ay mahirap, dukha, pero maganda, makinis at nakakainlove.HAHA. Ganyan ang trend.
Revised Plot: Baligtarin natin. Paano kung apat na babae naman tapos isang lalaki? Interesting diba? Tapos pwedeng yung lalaki yung janitor ng school. Tapos kayo na magtuloy kung gusto niyo na isa dun sa apat ang maiinlove sa kanya sa kabila ng kanyang kahirapan.chos!haha. Tapos yung tatlo kontrabida na.
O di kaya naman professor nila yung lalaki. Tapos nagcocontest sila sa puso ni Prof tapos nasira na ang friendship nila dahil doon. In the end, may asawa na pala si Prof kaya walang sense ang pag-aaway. O ayan, pwede pang i-tag sa humor section.Back to bestfriendship na uli yung mga babae. HAHA. Edi may kilig factor na, may natutunan pa ang mambabasa sa magkakaibigan. Kesa puro pacute lang.
Kahit na sabihin Teen Fiction , kahit papaano dapat may mapulot din ang reader, di lang puro kilig. Agree?
2. Yung si MR. MAYABANG PERO GWAPO at si MS. MABAIT na SHY TYPE or the other way around; si MR. BOY NEXT DOOR at si MS. MINCHIN. Gets na yan. Maraming ganto. Yung tipong opposites attract ang peg.
Revised Plot: Pwedeng ibahin yung character. Pwedeng si OVER CHEERFUL GUY, yung tipong joker na hindi masyadong gwapo. Tapos si girl, maganda pero hindi palatawa. Dun papasok yung kasabihang " It's always the funny boys that make you fall inlove."
Or pwedeng si CLUMSY girl, tapos si OBSESSIVE COMPULSIVE GUY. Na sa pag-ibig, makakaya mong maging better, para sa taong mahal mo.
3. Yung BAD BOY NA GANGSTER TYPE AT GOOD GIRL. OR BITCH GIRL tapos GOOD BOY.
Revised Plot: Bakit hindi nating gawin na lang na parehong gangster sila. Pwede siguro yung magkalaban yung clique nila sa school, or kung Non-teen fiction, magkalaban yung parehong fraternity at sorrority nila. Tapos may mga encounter encounter. Labanan chuchu. Mala-action na mga eksena. Tapos may love story. Ganun.
Yung sa Good girl and Good guy. Kaya mong gawan?HAHA. Pwede din siguro dun na sa una mag-iibigan sila tapos in the end, ipapakita mo ang reality na magkakasawaan sila. Hindi man happy ending yung dalawa sa isa't isa, bawiin mo nalang sa mga pamatay na linya.
4. Yung magbestfriend na nagkaibigan. At yung mortal na magkaaway na nagkaibigan.
Revised Plot: Pwedeng wag nalang natin irevise?HAHA.Di kasi maiiwasan na ganito talaga ang plot ng storya. Magkakatalo na lang sa takbo at sa ugali ng character.
Dun sa magbestfriend na lalaki at babae, pwedeng hanggang ending nung storya mo, hindi sila nagkatuluyan pero masaya sila. Tapos sa epilogue, parehong namatay yung mga asawa nila (haha.ang sama, pinatay) ayun tapos sila nagkatuluyan.HAHA.
Pwede din namang naging sila, pero hindi nag work -out? Tapos in the end, bestfriends parin sila, pero may kanya kanya na nga lang pamilya. Yung mga anak naman nila sa epilogue ang naging magkaibigan at nagkatuluyan.haha.
Yung mortal na magkaaway na lalaki at babae, pwedeng maaksidente yung isa, tapos nagkaamnesia (lol, fiction na fiction. uso parin ang amnesia) tapos ayun nakalimutan niyang magkaaway pala sila.Pagandahin niyo nalang. Tapos yun, nagkaibigan sila.
BINABASA MO ANG
STORY PLOTS for writers
SachbücherPara 'to sa mga writer. Sa lahat ng writer siguro. Bago, Sikat, Amateur, at sa kagaya kong Tamad. XD Para din sa mga reader. Sigurado akong gusto niyo din makabasa ng mga kakaibang istorya. Ito ay compilation ko ng story plots. Sana makatulong ako s...