Chapter 11

20.8K 423 8
                                    

Chapter Eleven

"Blooming si Leian!" Pang-aasar ng isa sa triplets na agad niyang sinamaan ng tingin. Nagtaas lang ito ng dalawang kamay as a surrender na sinundan ng tawanan ng mga kaibigan nila.

Naiiling na lang siyang lumapit sa kanila. She can see two groups of people iyong isa ay ang grupo ng mga babae which is her friends at iyong isa ay puro naman mga lalaki.

"Hello everybody." Masiglang bati ni Ianna at sa tabi nito ay isang gwapong lalaki. It's Rye, Ianna's cousin which is a famous model too. Linya ata talaga ng mga sikat na model ang pamilya ni Ianna.

"Rye!" Bati na rin ni Erin. From what she know ay close din ang dalawa lalo na noong mga panahong active pa talaga si Erin sa modeling world.

"Careful." Saad ng binata ng yakapin siya ni Erin. "I know you miss me a lot."

Tinampal ni Erin ang braso nito habang kumakalas sa pagkakayakap sa binata. "Che! Nagkita lang tayo last last week. Wag kang feeling."

"By the way Rye, this is Leian she's the bride." Pakilala ni Ianna.

Inilahad nito ang kamay kaya inabot narin niya ang kanya. Nagulat siya ng inangat nito ang kanyang kamay at hinalikan ang likod ng kanyang palad. "Nice to meet you. I wish mas nauna mo akong nakilala kesa sa mapapangasawa mo. We could've been perfect for each other." He winked at her and grinned boyishly.

Napatawa na lang siya sa tinuran nito. No wonder, this guy is a playboy. She was about to say something ng may tumikhim sa tabi niya. The next thing she knew, binabawi na ni Nate ang kamay niya mula kay Rye saka umakbay sa kanya. "Too late man. Good thing ako ang unang nakakilala sa kanya. You see, we're getting married."

Nagtawanan ang mga kaibigan niya, maging si Rye ay natawa narin.

"Ooohhh. Someone's jealous eh?" Tukso ng triplets.

"I am." Sagot naman ni Nate.

Sunod na lang niyang narinig ang hiyawan at tili ng mga babae.

"Sure bet na talaga to."

"Walang duda."

"Sabi ko naman sa inyo eh."

"Naaamoy ko na ang tagumpay."

Tinapunan niya ng tingin si Nate. Mula sa pagiging seryoso nito ay agad namang napangiti ng humarap sa kanya. Bipolar.

"Girls, let's go and meet some of my friends." Yaya nito sa mga kaibigan niya.

They settled in a long table na sinet-up ng mga wedding organizer. Wala pa kasi ang iba kaya habang naghihintay they had some snack and refreshments.

"This is Raven Aychilles, he's a car racer and he is the owner of Aychilles Car Racing Club where Keenan and I are members." Pakilala ni Nate sa lalaking saksakan ng gwapo. He looks like a greek god sent from above. European features is surely visible in his handsome and perfect face.
Tipid itong ngumiti sa kanila, nako mukhang kalahi ata ito ng boyfriend ni Erin na si Keenan pero ang pinagkaiba lang mas mukha namang approachable ang gwapong nilalang na ito kumpara sa boyfriend ni Erin na sa dalaga lang ata nagpapakita ng emosyon.

"Makalaglag panty ang peg." Rinig niyang bulong ni Ianna kay Key saka sila ngumisi.

The triplets look uneasy though. Parang gusto na nilang pagsasapakin ang binata based on the looks they're giving on Raven.

Samantalang si Therine ay kinukulit ni Rye. She smiled, mukhang bagay ang dalawa. Natutuwa siyang makita silang magkasama, isang napakahinhin na dalaga at isang maingay at playboy na binata. Totally opposite.

Love In A Jiffy (Bachelorette Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon