Chapter Twenty
Nagpabalik-balik siya sa harapan ng salamin.
"Tutuloy.. Hindi tutuloy.." Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri. She sighed deeply.
Kanina pa siya bihis, balak niya kasing pumunta kay Nate at hayaan na itong magpaliwanag. It's been two weeks. Dalawang linggo na rin siyang nagtatago. Maging ang sarili niyang parents ay tumawag na dahil nag-aalala na rin ang mga ito sa kalagayan niya at ng baby.
It's been days noong huli silang nag-usap ni Sierra and her last words before she left keep playing back in her mind.
"Give him the benefit of the doubt,Leian."
Again, she sighed. Pakiramdam niya ay na-LWS siya... Last Word Syndrome.
Naupo siya ng marahan sa kanyang kama at tinitigan ang sarili sa salamin.
"Give him the benefit of the doubt." Marahang saad niya.
Napakunot-noo siya ng matitigan ang sarili sa salamin. Napahawak siya sa kanyang pisngi. "And I've gained another weight. Bakit kasi ang takaw takaw natin baby? Tignan mo si mommy oh, mukha ng balyena." Saad niya habang hinahaplos ang kanyang malaking tiyan. Tama nga ang nababasa niya sa mga internet blogs, kapag lalaki ang ipinagbubuntis malaki talaga ang tiyan.
Bago pa ulit magbago ang isip niya ay tumayo na siya at tinungo ang pinto palabas ng kanyang condo unit. She need to do this. She has to. Para kay baby at para narin sa pamilya nila. Sa loob ng dalawang linggo ay nakapag-isip-isip na siya at humapa narin ang galit niya sa kanyang asawa. She did as what Sierra adviced her to do. She tried to sort her feelings out and true to Sierra's words, she love Nate. She freakin' love Nate Montejo! It took hsr a lot of time to realize it. Masyado lang kasi talaga siyang nasanay sa ideyang hindi para sa kanya ang pag-ibig kaya naging sarado ang isip at puso niya sa posibilidad na mahal na niya si Nate. It may be too soon pero sabi nga ni Sierra, walang mabilis o mabagal sa pag-ibig. You can never really tell when will it happen.
She locked her condo unit at dumiretso sa elevator.
"Let's go tell your daddy how much we love him." Bulong niya sa kanyang anak.
Mali man ang nagawa ni Nate but when you look on the brighter side, nakakakilig din pala ang mga nagawa nito. Kasi nagawa nito ang mag-effort ng ganon ka-weird na idea para lang makuha siya. Just to have her in his life. Isn't it the sweetest?
Eto na ang epekto ng pagsunod sa sinabi ni Sierra na, 'stop shielding your heart in loving Nate.'
Napailing na lang siya sa sarili. Salamat sa pregnancy hormones niya at ganon na lang ang naging reaksyon niya sa mga narinig at nalaman. Note the sarcasm there. She went overboard. Imbes na maging maayos na sila dahil mahal naman pala nila ang isa't-isa ay nag-over react siya at heto nauwi siya pagtatago sa sariling asawa. Nagawa niyang tiisin ang huwag makita ito ng dalawang linggo.
"Ma'am! Long time no see. Kamusta na po kayo at ni baby?" Bati ng secretary/receptionist ng office floor ni Nate.
"Oo nga. Ayos lang naman kami ni baby. Tsaka, medyo nagkaproblema lang. Andito ba si Nate?" Nakangiti niyang tanong.
"Naku, may lunch meeting siya ma'am. Mamayang 1:30 pa raw ang balik."
"Ganun ba?" Hindi niya naitago ang lungkot sa kanyang boses. Pero agad niyang pinaalis iyon at ngumiti ng matamis. "Ayos lang. Hihintayin ko na lang siya sa office niya."
"Sige ma'am. Ano pong gusto niyong meryenda habang naghihintay?"
Napaisip siya. "Halika samahan na lang kita sa pantry para makapili ako."
Tumango naman ito saka tumayo at sinamahan siya sa pantry na malapit lang naman dahil may sariling pantry ang office floor ni Nate. Perks of being the boss.
"Naku ma'am blooming na blooming kayo. Hiyang niyo talaga ang pagbubuntis."
"Mukha na nga akong balyena na nakalunok ng pakwan nito eh." Iling niya.
BINABASA MO ANG
Love In A Jiffy (Bachelorette Series 2)
RomanceBook Two of Bachelorette Series ✔️ Completed Everything is moving so fast and I can't keep up with the phase. Feeling ko kahit anong gawin ko hinding-hindi ko maaabutan. Ganun kabilis ang mga nangyayari para sa akin Nate. It's like everything is hap...
