Chapter 18

23.3K 434 3
                                    

Chapter Eighteen

Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng isang plain blue green dress na umabot bago ang kanyang tuhod. Napangiti siya sa sarili, pakiramdam niya kasi ay nag-g-glow ang kanyang balat. And true to what they often say, nakaka-blooming nga ang pagiging buntis.

Nakarinig siya ng mahinang katok mula sa labas. Bumukas ang pinto ng kwarto nila ni Nate sa condo nito kung saan sila nakatira ngayon. Though, Nate said that he's planning to buy a house especially at magkaka-baby na sila. They are already starting their family. Yan ang sabi ng kayang asawa at aaminin niya, kinilig siya ng marinig ang mga salitang iyon mula dito.

Speaking of her husband, there he is looking very handsome in his black v-neck shirt and faded jeans. Na tinernuhan ng sneakers, bumabata talaga ito kapag hindi naka-office attire. Pero napaka-hot nito kapag naka-suit and tie. And noe she's oggling her own husband.

"You, done?" Nakangiting tanong nito habang lumalapit sa kanya.

"Yup." She answered popping the letter 'p'. "Let's go?"

"You look lovely." He endearingly said.

"And you look handsome Mister Montejo." She said grinning.

"Huwag na lang kaya tayong pumunta sa dinner na 'yon? Can we just stay in our bed and do something that we both enjoy doing." Alok nito. He even wiggled his eyebrows like it was the greatest idea ever. Obviously, he is flirting again. The ever so flirt named Nate Montejo.

Natatawang nilapitan niya ito at hinawakan ang isang kamay nito tsaka iginiya si Nate palabas ng kanilang kwarto. Baka kung ano pa ang maisipan nito, pag nagkataon baka ma-carried away na din siya at bumigay sa suggestion nito. He can be very convincing when he wanted to. She silently giggled in her mind.
"Manahimik ka diyan Nate. Stop being so insatiable, we just made love a couple of hours ago, bago tayo magbihis para sa dinner natin sa bahay ng parents mo." Paliwanag niya pero hindi niya napigilan ang pamumula ng kanyang pisngi matapos mapagtanto ang kanyang sinabi. "Damn!" She muttered under her breath.

"Tsk. Kanina pa naman iyon." He pouted. Naku! Ito na nga ba ang sinasabi niya, ilang beses na siyang napasubo dahil sa pout na yan. Kaya bago pa siya ma-tempt, she kissed that pout away at agad humiwalay dito.
"Ay, ang bilis naman. Bitin." Nakasimangot nitong sabi.

She just chuckled and drag him to the elevator.

"Stop sulking like a child Nate." Saway niya dito.

He huffed as he continue driving. "Baby si mommy oh, binibitin si daddy. Manghahalik na nga, smack lang. Makatarungan ba 'yon?"

Natawa na lang siya dito. Lalo na at nagpapaawa pa kuno ang boses nito. Minsan talaga napaka-childish ng asawa niya. He is showing his childish side to her which other people rarely see. Perks of being the wife for Nate Montejo.
"Don't listen to daddy, baby. Sumusobra na kasi 'yan. Abusado na siya anak." Bulong niya habang hawak hawak ang impis niya pang tiyan pero sapat lang para marinig ni Nate. Sasakyan na lang niya ang trip nito.

"Tsss."

At nagdrama pa ang loko. Sa huli, inabala na lang niya ang sarili sa view sa labas ng bintana. Halata naman kasing nang-go-good time lang ang magaling niyang asawa.
Nang makapasok sila sa village kung nasaan ang bahay ng mga Montejo ay hindi niya maiwasang kabahan. Ngayon pa talaga siya kinabahan, eh mga kaibigan at parents lang naman ni Nate ang makakasama nila sa dinner. Pero iba parin kapag ang ibabalita mo ay buntis ka. There's this certain undescribable feeling.

          "Leian! Nate... Mabuti at nakarating na kayo. Nandito na iyong mga kaibigan niyo ni Erin, hija." Salubong sa kanila ng mommy ni Nate.

Love In A Jiffy (Bachelorette Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon