BONUS CHAPTER

38.4K 726 43
                                    

Bonus Chapter

"Aren't you supposed to be in that board meeting?" Tanong niya sa kanyang asawa habang marahan na iginagalaw~galaw ang swivel chair sa opisina nito kung saan siya nakaupo. Wala lang, naaliw lang talaga siya sa pag~galaw~galaw ng upuan.

He look up at her. "Kaya na nila iyon. I need to be with you 24/7 sabi ni Penny dahil nga pwedeng one of this days ay manganak ka na. Dapat nga nasa bahay na lang tayo pero mapilit ka kahit pwede namang doon na muna ako sa bahay magtrabaho."

She mimicked him. "Ang boring nga doon eh, memorize ko na nga ata lahat ng detalye ng bago nating bahay kahit na kakalipat lang natin doon."

Nakalipat na sila sa bahay na binili ni Nate, malapit narin naman kasi siyang manganak kaya lumipat na sila. Isa pa, na~excite din silang mag~asawa sa pagde~design ng nursery room ng kanilang baby boy.

"Still." Mariin nitong saad.

She huffed. "Bumalik ka na nga diyan sa mga papeles mo."

Naiiling lang nitong ipinagpatuloy ang pagbabasa sa ni~re~review nitong documents.

Napangiti siya sa posisyon nila. Siya ang nakaupo sa swivel chair nito samantalang ito ay sa upuan sa harap ng mesa nakaupo habang nagtratrabaho.

Napahawak siya sa kanyang tiyan.
"Ang sipag ng daddy mo baby. He is working for our future. Isn't he amazing?" She whispered but just enough for him to hear.

"I can hear you." Saad nito na nakatutok parin sa binabasang papel.

"Kilig ka naman." Pang~aasar niya.

Nangingiting umiling ito bago inilapag sa mesa ang papel at lumapit sa kanya. "You're such a distraction, you know that?"

"Kinakausap ko lang naman si baby ah." Patay malisyang saad niya. "He even agreed to me and kicked."

"Really?"

Tumango siya.

Agad itong lumuhod sa gilid niya tsaka hinaplos ang kanyang tiyan. "Hi there young man. Can you kick again, for daddy?"
Marahang isinandal nito ang ulo sa kanyang tiyan. Hindi naman ito binigo ng kanilang anak nang maramdaman niya ang pagsipa ni baby.

"Looks like someone wants to be a soccer player huh?" Natatawa niyang saad.

"Yeah." Nate agreed still enchanted of what happened.

They stayed like that for a couple of minutes.

"Hon...."

"Hmmm?" She tried to inhale then exhale calmly.

"May... May.... tubig. D~did your water bag..... J~just broke?" He asked stuttering.

She breath and tried to think happy thoughts to push away the pain as contraction hit her. "Y~yeah."

Natahimik si Nate parang hindi alam ang gagawin.

"DAMN IT! Nate!!! Manganganak na ako! Do something!!!!" Sigaw na niya ng tila na~estatwa na ito.

"Okay. Yeah. Manganganak ka na. We need to go the hospital. Wait nasa office tayo. Malapit lang iyon dito. Tapos~~~"

"NATE!!!" This time sumigaw na talaga siya ng malakas. Natataranta na ito pero ang sakit sakit narin kasi.
"It hurts." She cried.

Doon naman ito natauhan at agad siyang binuhat palabas ng opisina.

"Call the guards downstairs! Tell them to get my driver and the car ready! Manganganak na si Leian!" Nate barked at her secretary.

"Y~yes sir." Natatarantang nagpipindot sa telepono ang secretary nito.

"And call my parents. Tell them to go to the nearest hospital here in the building."

Love In A Jiffy (Bachelorette Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon