Chapter 17

22.2K 469 5
                                    

Chapter Seventeen

Kinapa niya ang space sa tabi niya pero wala na si Nate doon. Napakunot noo siya, hindi kasi ito bumabangon hangga't hindi pa siya nagigising. Ewan niya ba sa asawa niya at may mga kakaibang trip sa buhay.
Nagmulat siya ng mata at binalingan ang unan sa kanyang tabi. She saw a sticky note posted on it.

Morning sleepy head :)
Sorry, need to leave early for work. I'll pick you up for lunch. Call me when something came up.

Your oh so hot and incredibly handsome husband,
Nate. ;)

Hindi niya mapigilang mapangiti aat mapailing.
"Too cocky." She said to herself. Inabot niya ang kanyang phone para tignan kung may text o tawag siya.

Natigilan siya ng pakiramdam niya ay naiipon ang laway sa kanyang bibig. She feel like vomiting. Nasira na kaya ang tiyan niya sa chuckie? Pero hindi ba dapat LBM ang epekto pag ganon?

Bago pa niya masagot ang kanyang mga tanong, tumakbo na siya sa banyo at nagsuka ng nagsuka. Pakiramdam niya ay naisuka niya lahat ng nakain niya kaninang madaling araw pati kahapon.

Naghilamos siya ng mukha pero hindi pa man siya natatapos ay bumalik nanaman siya sa toilet bowl at sumuka. Napasalampak siya ng upo sa sahig at napasandal sa glass door ng shower. Huminga siya ng malalim. She feel so drained and weak.

Tumunog ang cellphone niya kaya nanghihinang inabot niya ito sa sink.

"Hello?" She answered weakly.

Hey what's wrong? Tanong ni Nate sa kabilang linya.

"Nasira ata ang tiyan ko. I am vomiting like non stop. Nanghihina na ako. I feel awful." She barely whhispered. Napapikit siya ng mariin ng maramdamang namumuo nanaman ang panibagong batch ng kanyang suka. Nasusuka nanaman siya.
"May mga kailangan pa naman akong tapusin sa opisina."

Do you want me to go home? You doesn't sound okay. Ako na ang tatawag sa secretary mo.

Bago pa siya makasagot ay nailapag na niya ang cellphone sa sahig at sumuka ulit.
"Kelan ba 'to matatapos?" Saad niya sa sarili habang nagmumumog sa sink. Napaupo siya ulit sa sahig dahil pakiramdam niya ay hinang-hina na talaga siya. She closed her eyes tiredly.

After a while, pakiramdam niya ay nakaidlip na siya sa banyo. She felt someone poking her cheeks lightly.

"Hon. Leian? Wake up."

Tamad siyang nagmulat ng mata at bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Nate.

"Why are you here? Aren't you supposed to be in work?" Gulat niyang tanong. Kausap niya lang ito kanina sa cellphone at ngayon naman nasa harap na niya ito. Ganon na ba katagal ang pagkakaidlip niya?

"Ayos ka lang ba?" He asked ignoring her questions. "I was sicked worried when you called. Mas lalo nung narinig ko ang pagsuka mo at hindi mo na ako nasagot sa phone kaya umuwi kaagad ako."

"Baka dahil ito doon sa chuckie napasobra ata ako." Umayos siya ng upo.

Nangunot ang noo nito. "Aren't you supposed to have a LBM kung napasobra ka doon?"

Nagkibit-balikat siya dahil may punto ito. Tumayo na siya habang inaalalayan ni Nate at tinignan ang repleksyon sa salamin.

Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa likuran.
"Can we just go to the doctor? Magpacheck-up na tayo. You look pale and weak." Nagmamakaawa na ito na tila mas hirap pa kesa sa kanya.

Napatingin siya sa kanyang sariling repleksyon. Tama nga ito, namumutla na siya at mukhang hinang-hina. Even her lips are pale.

"For once please, don't argue with me. I just want you safe." Naglalambing na ang boses nito. Hindi na talaga siya makakatanggi.

Love In A Jiffy (Bachelorette Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon