Maine's POV
After ng class namin eh naisipin naming tatlo na mag mall kahit wala akong pera sige go lang! Hahaha
"Uy alam nyo na ba kung anong course ang kukunin nyo pag-graduate natin?" Biglang tanong ni Alden.
Hmmm oo nga noh.. Sa totoo lang hanggang ngayon wala parin akong goal sa buhay, wala pa sa isip ko yang mga bagay na yan.
"Ay ako? Mag-aartista na lang siguro ako! Hahahaha" sabi ni rose. Wag na kayong mag-expect ng matinong sagot galing dyan.
Napailing na lang si Alden, at bumaling naman sya ng tingin sa akin.
"PMA" sabi ko. Binigyan naman nila ako ng weird look.
"PMA! stands for Pahinga Muna Anak!" Sabi ko.
At sabay naman silang napailing..
"What? Bawal ba ang magpahinga? Nakakapagod na kayang mag-aaral lalo na ang mag-mahal..." Sabay batok naman ni rose.
"Yan! Dyan ka magaling sa mga hugot mo! Tara na nga kumain na tayo."
At dahil si Alden naman ang mayaman sa aming tatlo sya na ang nagkusang manlibre sa amin.
Nasa pangmayaman kaming school pero it doesn't mean na mayaman kami. Scholar kaming dalawa ni rose at itong si Alden talaga ang mayaman. Pasalamat na nga lang ako dahil hindi sya katulad ng iba dyan na ipokrito porket mayayaman, eh pare-parehas naman tayong kabaong ang pahuhuntungan.
"Sige ako na ang mag-oorder." Sabi ni Alden.
"Sama ako!" Sabi ko. Nginitian naman nya ako.
"Bes anong oorderin mo?"
"Kung anong sa inyo yun na rin sa akin. (^.^)" Sabi nya.
at pumunta na nga kami sa counter.
"Ang haba ng pila.." Sabi ko.
"Ok lang, sanay naman na ako mag-intay." Sabi ni Alden. Napalingon naman ako sa kanya.
"Ikaw ah nahahawa ka na sa mga hugot lines ko! Hahhaha may pinagdadaanan ka rin? (゜▽゜;)"
Tumawa naman sya.
"Wala, sinasabayan ko lang yang pagka-emo mo! Hahaha"
"Kaya love na love kita eh!" Sabi ko. Napansin ko namang biglang nagbago yung mukha nya.
"Oh bakit? May masama ba akong nasabi?" Sabi ko.
Umiling sya at ngumiti.
"Lutang ka rin? Hahahaha" di namin napansin na kami na ang susunod sa counter.
"Good Morning Ma'am what's your order?" Sabi nung cashier na nag-papacute pa kay Alden. Pero si Alden ayun dedma.
Sinabi naman na ni Alden yung nga order namin.
"Sir 900 po ('∀`)♡"
Binigyan naman ni Alden ng 1000
"Sir may 20 pesos po kayo?" Tanong nya kay alden, dumukot naman su Alden pero bagi nya ibigay eh nagsalita na ako.
"Nagbigay naman sya ng buo bakit parang kulang parin?" Hugot ko.
Napatingin naman sakin yung babae at ngumiti.
"Ma'am kailangan lang po namin ng kaunting halaga para masuklian namin kayo." Nakita ko sa peripheral vision ko na napangiti si Alden.
"Miss eto na yung 20 mo, pero alam ko na hindi porket pinunan ko na ang pagkukulang ko eh may kasiguraduhan na hindi mo na ako sasaktan." Sabi nya. Napatulala naman yung babae.
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Right (ALDUB)
ФанфикSi Maine Mendoza ay ang hugot girl ng barkada, at saan nya ito nakukuha? sa mga past heart breaks nya. Gayun pa man ay positive parin siya sa buhay. And then there's Alden the total opposite of Maine serious, weird but hot. Ang bestfriend ni Maine n...