CHAPTER 15

473 28 3
                                    

Maine's POV
"Hello? Di mo ba ako sasagutin? San mo ako dadalhin?" tanong ko kay alden for the nth time. Pero di diya nasagot.

"ALD---"

"Kung hindi ka titigil sa kakangawa dyan hahalikan kita." sabi niya na hindi man lang inaalis ang tingin sa pagmamaneho. Natahimik naman ako.

mga ilang minuto pa eh tumigil na ang sasakyan. Tiningnan ko naman ang paligid, nasa parking lot kami ng isang hotel.

Nauna naman siyang lumabas. Pero tiningnan ko lang siya.

Binuksan naman nya ulit ung pinto ng mapansin nyang di parin ako bumababa.

"What? Di ka ba baba dyan? O hinintay mong pagbuksan pa kita?" tapos nagsmirk sya.

Sinamaan ko naman sya ng tingin at bumaba na.

"So anong ginagawa natin dito?"

"Ano sa tingin mo?" sabi niya at nagumpisa nang maglakad.

"Well excuse me Mr. Faulkerson hindi ako maghuhula para hulaan nalang lahat ng mangyayari."

"You dont need to guess actually, all you need is commonsense." sabi niya na halatang nangiinis.

"Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sakin!"

Di na sya nagsalita at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Sa. Tuwing magsasalita naman ako mag- gesture sya ng quiet sign -____- Hanggang sa makarating na kami sa labas ng room nya.

Binuksan naman nya ito at pumasok. Sumunod naman ako at nakita ang malaking room. Wow. Ang laki at kumpleto sa gamit infairness, I'm sure mahal 'to.

"Maligo ka na tapos suotin mo 'to." sabi niya at binato nya ang isang red dress sa kama.

"Wait what?" bigla namang nag sink in lahat sakin. Kami lang dalawa sa kwarto na 'to... oh no.

"Don't worry hindi naman kita papasukin sa loob ng CR. Your body proportion doesn't interest me at all." bakit bigla akong na disappoint? Hay naku maine ang landi mo talaga. Nilalait ka na oh!

"Hoy alden! Makalait ka naman akala mo kung sinong maganda ang katawan!"

"want me to proved it? I can do it for you.." Tapos itataas na sana nya ang t-shirt nya pero pinigilan ko sya.

"WAG! baka mawalan pa ako ng gana!" sabi ko at kinuha na ang dress at pumasok na sa cr.

Binuksan ko ulit un para siguraduhing hindi siya maninilip.

"Wag na wag kang magtatangkang manilip kundi dudukutin ko talaga yang mata mo!"

"Seriously? Sino namang gustong manilip sayo?"

Kinuha ko ung isang bote ng shampoo at binato sa kanya.

"BWISET KA!"

Sabi ko at sinarado ang pinto ng cr ng malakas.

"YAH! Wag mo ngang sirain ung pinto ng cr ko!" sigaw nya.

Napairap nalang ako sa kawalan.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ung red dress na binigay nya. Wait bakit may ganto sya sa closet nya? Di kaya... Bakla na siya? Napailing naman ako sa imagination ko.

Pinatuyo ko ung buhok ko gamit ang blower na nasa loob ng cr. Tapos eh nag ayos ng konti then lumabas na.

Pagkalabas ko eh wala si alden. San naman yun nagpunta?

Nagulat naman ako at may biglang bumukas ng pinto. Akala ko si alden pero hindi pala. Isang nasa mid 30's ang ngayo'y nakangiti sakin.

" Ma'am hinihitay na po kayo ni sir alden." sabi niya.

Finding Mr. Right (ALDUB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon