Maine's pov
"BES! Bilisan mo kanina pa sila naghihintay oh!" sigaw sa akin ni Rose.
Nasa baba na siya at eto ako ngayon ko palang hinahanda mga gagamitin ko -___- nakalimutan ko kaisng ihanda kagabi at nakatulog agad.
"WAIT LANG NAMAN!" sigaw ko rin.
I'm wearing white t-shirt and shorts with my favorite sandals ^^.
Bumaba na ako at nagpaalam kay mama.
"Mag-ingat ka sa paglangoy ah! Wag kang magpaka-sirena diyan mukha kang shokoy. HAHAHAH" biro ni mama.
"MA NAMAN EH!"
"Idol ko talaga kita tita! HAHAHA." sabi naman ni Rose.
Napailing nalang ako.
Lumabas na kami at nakita namin ang Van na sasakyan namin.
Sinalubong naman kami nila Ruru at Derrick na tinulungan kami sa pagbitbit ng mga gamit namin.
"Anu ba yan! Bakit ba kailangan pa natin silang isama?! It will be more fun if tayo-tayo lang kaya." paghihimutok ni Sophia na nasa loob ng Van.
"The more the merrier kaya." panggaya ni Derrick sa pagsasalita ni Sophia. Natawa naman kami. Pumasok na kami ng van at nakita kong nakatingin sakin si Alden pero umiwas din.
"Maine dito ka tabi tayo." yaya ni Ruru.
Si kris ay nasa tabi ng driver.
Si Rose naman katabi si Derrick na kanina pa nakakaloko yung ngiti. Sana ayos lang si Rose.
At syempre magkatabi sila Alden at Sophie.
"ILOCOS HERE WE COME!!!" sigaw naman ni Derrick.
Excited na ako!!!
********
Sa buong byahe ang pinakamaingay talaga eh si Derrick. Pero ok lang naman para magkaroon ng buhay ang buong byahe namin."Maine you want mango juice?" tanong sakin ni Ruru.
"Ah--"
"She like orange juice." sabat naman ni Alden.
So naalala niya pala ang favirite drinks ko. Ewan pero napangiti ako ng konti dun.
"Ganun ba? Mango lang kasi--"
"Ok lang Ruru. I'm ok with mango juice ^^" sabi ko.
Ngumiti naman siya ng malaki at binigay sakin ang juice.
"Thanks :)" sabi ko.
"Babe ako alam mo ba favorite juice ko?" tanong ni Sophie kay Alden.
Tumingin naman ako kay Alden at hinihintay siyang sumagot.
"Ewan ko." cold na sabi ni Alden.
Awtsuuu.
Pinipigilan ko namang matawa dahil baka awayin ako ni Sophie.
"I hate you!" sabi ni Sophie kay Alden. Tapos tumingin siya sakin ng masama.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Aba wag nya akong sinsamaan ng tingin sasamain sakin 'to.
"Easy bes." bulong naman ni Rose sakin sa likod.
Matagal-tagal rin ang byahe at di ko maiwasang makatulog.
Nilihis ko ang ulo ko sa bintana dahil ayokong sandalan si Ruru. Nakakahiya kasi.
Pero ang uncomfortable lang at masakit sa ulo pag nauuntog sa salamin.
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Right (ALDUB)
FanfictionSi Maine Mendoza ay ang hugot girl ng barkada, at saan nya ito nakukuha? sa mga past heart breaks nya. Gayun pa man ay positive parin siya sa buhay. And then there's Alden the total opposite of Maine serious, weird but hot. Ang bestfriend ni Maine n...