Maine's POV
"BESSSSSSSSS!" Sigaw ko habang papalapit Kay Rose na nakaupo sa bench
"Oh bakit? Hulaan ko."
"OK SIGE!" Tapos umupo ako sa tabi nya.
"May nakita kang pogi kanina at crush mo na sya."
"OMG HOW DO YOU KNOW?"
"╮(︶︿︶)╭"
"Pero Bes, naaalala mo ba si Cristian?" Sabi ko.
"Christian? As in yung long time crush mo simula elementary?"
"OO! AT ALAM MO BA? DITO NA YATA SIYA MAG-AARAL! LIKE I CANT! MY FEELS, ITS OVERFLOWING! ♡^▽^♡" Sabi ko tapos hinahampas-hampas ko pa siya
"Teka-teka! KALMA!" Sabi nya
"Ay sorry! Pero grabe ang cute nya parin hindi parin kumukupas... ヽ('ー')ノ " sabi ko.
"So mahal mo na?"
"Uy grabe ka naman! Hindi ah! "
"Bes kilala na kita, hindi mo ako magiging bes kung hindi ko mabasa yang mga ganyanan mo. Hahaha"
"Hindi, natututo na ako. Ayoko ng maging careless pagdating sa love. Starting today, I will be very careful. Promise I cross my heart!" Panunumpa ko. With matching taas pa ng kamay.
"Talaga ba? Well masusubukan natin yan ngayon."
"Huh?"
"Maine?"
⊙▽⊙
Eh?
Lumingon naman ako at nakita ko si Christian. *gulp*
"H-hi..."
Tapos napatayo ako.
"Wow what a coincidence. Kamusta ka na? (^.^)"
"Ok lang naman.." sabi ko.
Wait MAINE! KALMA!
Crush mo palang yan ganyan na reaksyon mo.
"MENG!" may bigla namang tumawag sakin, oh Si Alden. Tapos inakbayan nya ako.
"Good morning :)" bati ko sa kanya.
"Mas maganda ka pa sa Morning (^~^)" sabi nya.
Aba ang breezy nito ah.
Nakalimutan ko namang nandyan pa pala si Christian. Tinanggal ko ang kamay ni Alden sa balikat ko.
"Ah Christian, this Alden my bestfriend." Sabi ko.
Tapos nilahad naman ni Christian ang kamay niya pero wala atang balak makipag-shake hand si Alden kaya siniko ko.
"I need to go. See you around Maine, it's really nice meeting you again (^.^)" sabi nya at umalis na.
"IHHHHHH" sabi ko habang kinikilig.
"Ang cute nya noh?" Sabi ko kay Alden.
"Hmm pwede na." Sabi nya. Pinalo ko naman sya ng mahina.
"Grabe ka! Hahaha"
Sabi ko." 'Starting today, I will be very careful. Promise I cross my heart!' Eh anyare?" Panggagaya sakin ni rose.
"Bakit? Normal naman ako ah." paliwanag ko.
"Ano sa tingin mo Alden? Bagay ba kami?" Tanong ko.
"Oo, nakakakilig nga kayo eh." Sabi nya. Pero di ko naman maramdaman na kinikilig sya.
"Wag ka nga! Ine-echos mo nanaman ako." Sabi ko.
Alden's POV
Kaya ang hirap maging bestfriend eh kailan mong magpanggap na kinikilig ka para sa kanila pero ang totoo ang sakit-sakit na.
Putangina naman may karibal nanaman ako kay Maine eh.
"Kunyare kinikilig pero deep inside gusto mo na suntukin yun.hahahah" Bulong sakin ni Rose.
"Sino ba yun?"
"Di ba mo ba narinig? Yun ay si Christian, long time crush nya yun simula elementary. Oh diba elementary palang kumekerengkeng na yan! Hahaha (/^▽^)/" biro ni Rose.
Napaisip ako bigla.
Tutuloy ko ba plano ko bukas sa Retreat.
Pero natatakot ako.
Natatakot na mareject.
"Ay oo nga pala! Bumili na kayo ng baon para sa retreat bukas?" Tanong ni Maine.
"Oo kanina lang. Pero good for one person lang yung binili ko. hahaha" Sabi ni rose
"Ako hindi pa eh. Si mama kasi eh ayaw akong bigyan ng pera. Manghingi na lang daw ako. 「(゚ペ)" Sabi nya.
Tapos bigla syang tumingin sa akin.
"Bakit?"
"Di ba tabi tayo bukas? Marami kang baon? (・◇・)" tanong nya.
Tumango naman ako.
"I prepare many foods for us." Sabi ko tapos bigla nya akong niyakap.
"The best ka talaga!" Bulong nya at bumitaw.
nguniti na lang ako pero sa totoo lang kinikilig na ako.
Maine's POV
After class umuwi na kami. Since hindi kami magkasabay tatlo pag-uwi dahil iba-iba ang way namin, so eto loner ako ngayon.
Pumunta na ako sa paradahan ng Jeep.
"ISA NA LANG AANDAR NA!" sabi nung barker.
Tiningnan ko naman yung loob ng Jeep pero mukhang lagam eh hindi na kasya.
"Miss sakay na! Aandar na'to."
"Manong kasya pa ba ako?" Tanong ko.
"Kasya pa yan!"
"Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko kung alam kong hindi na pwede kasi sa bandang huli ako naman ang masasaktan at mahihirapan. Kaya maong sa kabilang jeep na lang ako. Doon maluwag at tanggap ako." Sabi ko sabay nag- walkout.
"Baliw ba yun.." Rinig kong sabi nung barker gusto ko sanang sagutin na.
'Oo nabaliw sa pagmamahal pero pilit na bumabangon at hinaharap ang buhay' pero wag na lang since pagod na ang ate nyo.
Sumakay na ako sa jeep. Unti-unti namang napuno ang jeep at umandar naman agad.
"Manong bayad po. Studyante, nagmamahal ng totoo pero nasaktan lang" Sabi ko sabay abot ng 50 pesos. Wala na kasi akong barya so no choice. Nagtinginan naman ang nga pasahero sa loob sa akin pero keri lang.
"Miss mamaya na yung sukli mo ah" sabi ni manong.
"Ok lang po, sana'y naman na akong mag-hintay." Sabi ko.
Pagdating sa bahay.
"Anak oo nga pala, may mga leaflets dyan ng mga university na pwede kang mag-exam. Ano ba ang course na kukunin mo" tanong ni mama.
"PMA ma" sabi ko.
"Ha? May ganun bang course?"
"Meron. Alam mo ba yun ma?"
"Ano?"
"PAHINGA MUNA ANAK!" sabi ko.
Binatukan naman ako agad ni mama.
"Baka mamahinga ka dyan habang buhay. Makita mo, mag Entrep ka na lang. Mura lang yun." Sabi ni mama.
"Pinapapili mo pa ako diba?" Sabi ko. Sabay takbo sa kwarto ko. Baka tagain na ako nun eh.
EXCITED NA AKO SA RETREAT!
***
A/N: I will really appreciate it if you leave comments on my story. ('∀')VOTE
AND FOLLOW ME
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Right (ALDUB)
ФанфикSi Maine Mendoza ay ang hugot girl ng barkada, at saan nya ito nakukuha? sa mga past heart breaks nya. Gayun pa man ay positive parin siya sa buhay. And then there's Alden the total opposite of Maine serious, weird but hot. Ang bestfriend ni Maine n...