3

24 1 0
                                    

Bago mo siya iwan, alalahanin mo muna kung gaano kahirap dati magsabi ng Hi.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sunday afternoon, niyaya ko si Angela kumain sa labas. Isasama ko din dapat si Kris pero ayaw niya. Mas okay yun. >:)

Kumain kami sa isang eat-all-you-can. Grabe ang takaw takaw ng batang anghel na to.

Naamaze talaga ako sa kanya. Usap, Kain, Tawa, Kwento. Hanggang sa nagtanong siya. . .

"Kuya Mark, playboy ka, pero, nagmahal ka na ba?" Natigilan ako sa pagkain dahil sa tanong niya.

"Oo naman, that was 2 years ago. Pero dahil sa katangahan ko, nawala siya sa akin. "

"ano naman yung katangahan na yun?" Usiserang anghel.

"Sumama ako sa barkada, kesa sa kanya. Kesa piliin yung una naming pagkikita. Dahil sa barkada, nakagawa ako ng kasalanan na so rang kinagalit niya. Kaya siya nawala."

"oh! iiyak ka na? change topic na nga." buti na lang hindi niya ako pinatuloy sa pagkkwento kasi baka umiyak pa ako pag pinagpatuloy ko. Ang gay naman pag ganun diba?

Natapos kami sa pagkain at busog na busog kami. ;) Hahatid ko sana siya sa kanila pero nagpilit siya na dumaan sa amin para iabot kay Kris yung pasalubong niya na brownies.

Pagkaabot niya ng pasalubong kay Kris, ihahatid ko na siya.

Pagkasakay namin sa kotse, nagulat ako sa tanong niya..

"Kuya Mark, bakit ka naging playboy?" Gara naman ng tanong ng usiserang anghel na to.

"Hindi ko kasi siya mahanap. Hindi ko mahanap yung mamahalin ko, yung makakapagpabago sa akin. Yung magtitiwala sa akin. Yung magpapatigil sa akin sa pambababae, yung magpaparealize na dapat irespeto ang ang babae. pero ngayon, (tumingin ako sa kanya) parang nakita ko na yung babaeng yun. Yung babaeng magpapatibok ulit nito.. (turo sa puso ko) Nasa harapan ko siya.. Angela.. Ikaw yung babaeng yun."

Nasabi ko yun? Totoo?

"Paano mo siya mahahanap kung andami mong tinitignan? Paano may magtitiwala sayo kung sinasaktan mo sila? Tsaka hindi ibang tao yung magpapatigil sayo, sarili mo. Ikaw ang magdedesisyon nyan kung kailan ka magtitino Kuya Mark. " Eto yung huling sinabi niya.. sobrang tahimik namin habang hinahatid siya..

Tama nga naman yung sinabi niya.. Kaya ngayon, nagdesisyon ako na ititigil ko na ang panloloko ko. Sa mga babae, kakausapin ko na din yunh GF ko sa Singapore para naman pag sinabi kong seryoso ako kay Angela, maniwala siya. Ngayong araw na 'to, yung araw na gusto ko ng matinong lovelife, yung walang lokohan. At nakapagdesisyon ako, salamat sa makulit na batang anghel na nakilala ko... si Angela..

This time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon