Wag kang magreklamo kung bakit di siya naniniwala. Tanungin mo muna yang sarili mo, dapat ba siyang magtiwala?
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Badtrip, three weeks na wala pa ding text yung Angela na yun! Bakit nga ba ako affected? Nakakabkla naman to oh. Eto yung nasa isip ko habang kwento ng kwento ngayon yung girlfriend ko. Oo, may GF pa din ako. Buti di niya nahalata na di ako nakikinig.
Isip mark, isip. Then, *ting!* I finally came up with a plan. Sasama ako kay Kris sa school niya. Kunwari ihahatid ko siya tapos magsosorry ako kay Angela, sigurado pag nakita niya ako, mawawala na yung galit niya.
Monday morning, pinilit ko si Kris na ihahatid ko siya ng kotse. Syempre suhol yun. Pumayag naman siya then nang nasa tapat na ng school... I saw Angela, naka-CAT officer uniform. Sh*t. Ang ganda pa din. The way others salute to her, imba. Nganga! Hindi ako nakapagsorry sa kanya. Argh! Mali diskarte!
Monday afternoon.. *time check, 5:45 pm* *dingdong* Doorbell yan, siguro si Kris na yun. Magkasama kasi kami nila Kris sa isang bahay. Tumakbo ako palabas kahit nakaboxers lang kasi si Kris lang naman yun eh. Binuksan ko na yung pinto then I look up the gate, at bigla akong nagblush nung nakita kong may kasama siyang babae, si ANGELA!?
Tumakbo ulit ako sa kwarto para mag Tshirt bago ko buksan yung gate. Nakakhiya talaga. Habamg binubuksan ko naman yung gate, nagsalita siya. Oo, si Angela.
"Kris, macho pala pinsan mo. Hahaha! "
"Woo, macho. Buti sana kung nakakatulong yang kamachohan niyan dito sa bahay. Eh magluto nga di pa magawa."
"Hay nako Kris, lalaki kasi. Hayaan mo na, ikaw naman babae sa inyo eh. " She smile.. Anghel nga siya.. Tumingin siya sa akin..
Tumingin siya?! what?! *panic*
"Uhm, Kuya Mark, hi. Ako yung nakaktext mo. Sorry pala last time, galit kasi ako sa mga MANLOLOKO eh. Nasigawan tuloy kita. Tsaka wala akong load." Aw , madiin talaga yung word na manloloko?
Ngumiti lang ako habang tuloy-tuloy sila sa pagpasok sa bahay.
"Kuya, dito muna su Angela ha? Overnight kasi tatapusin namin yung project." Hindi talaga ako makapagsalita. Ganito ba pag nakakita ka na Anghel?
Buong gabi lang ako nasa kwarto habang nagmmovie marathon. Pero pasimple ko pinapakinggan yung boses nila. From my room kasi, maririnig mo yung nasa kabilang room which is sila Kris at Angela.
Ang ganda ng tawa niya.. ng boses niya.. nakatulog na ako habang nanonood.. then a voice awakens me.. is it she? singing..
~i will never let you fall.. I'll stand up with you forever.. I'll be there for you through it all.. even if saving you sends me in heaven~
I step out of my room.. sumilip ako sa kwarto nila na medyo nakabukas.. Siya nga yung kumakanta.. ang ganda ng boses.. naggigitara pa si Kris.. Medyo nakakaiyak, kasi ayan yung kanta ko sa unang babaeng minahal ko... kahit di ko pa siya nakikita.. and that was 2 years ago..