Finale Part 2

25 1 0
                                        

Eto na po yung kadugtong :)

+++++++++++++++++++++++++

"I'm Maika Angela.." -Angie

"Ih kapangalan mo pala yung ex ko.. Ipapakilala nga pala kita sa kanya.. tumawag kasi siya kanina.." - ako

"Di na kailangan ipakilala.. Kilala ko na sarili ko.." -Angela

What?!

"Si Maika na first love mo.. at si Angela na nasa harap mo ngayon ay iisa kuya!" nagsalita si Kris habang vinivideohan kami..

"Huh? Paano?" -ako

"Nasaktan mo si Maika dati.. sobrang nasaktan.. at dahil sobrang mahal ka niya, at sobrang mahal mo din siya.. gumawa ako ng plano.. ng paraan" -Kris

*flashback*

"Hi Maika! Kamusta ka na?" -KRIS habang bineso beso si Maika

"Not good.. after ng lahat ng ginawa ng kuya mo? tingin mo okay pa ako?" - Angela

"Alam ko mahal mo pa siya.. At mamahalin mo pa din kahit sobrang sakit na.. Pero mahal ka niya.. Mahal na mahal ka niya.. nakikita at nararamdaman ko yun sa kinikilos ni kuya.. Mahal ka niya.. Nagkamali lang siya nung gabi na yun Maika.. " KRIS

"Mahal? Yung magkikita dapat kami pero sumama sa barkada para mambabae? Yung makikita ko siya na may kahalikan? Yun ba ang depinisyon mo ng pagmamahal huh?" ANGELA

"Yun nga eh! Yun yung pinagsisisihan niya! Please maawa ka naman kay kuya.. Simula nung nawala ka iba't-ibang babae na ang pinapatulan. Pahintuin mo siya please" KRIS habang nakahawak sa kamay ni Angela..

"Oh tignan mo! lalo niya lang pinatunayan na womanizer siya! Tsaka ako magpapatigil sa kanya? Wag na noh! Tumino siya para sa sarili niya! " ANGELA

"Okay okay.. ganito na lang.. Kung mahal mo pa si kuya.. babalik ka pag tumino na siya.. di kita pinipilit.. ang sakin lang, second chance naman.. " KRIS

*endofflashback*

"Tapos antagal tagal na, ang binabalita pa din sa akin ni Kris eh babaero ka pa din! Kaya gumawa na kami ng move!" - Angela

*flashback ulit*

"Ano ba yan! Babae pa din?! Kaasar na ah." ANGELA

"Eh balikan mo na kasi!" KRIS

"Tanga. Eh kung ako lokohin ulit niyan? Huhugutin ko tonsil mo?" ANGELA

"I have a bright idea *ting* Itext mo ulit siya.. pero ibang number gamit mo.. Wag ka magpakilala bilang Maika.. Angela.. Angela yung 2nd name mo diba? At hindi alam ni kuya yung name mo.." KRIS

"Antalino mo! So ganito, pahiram mo sa kanya cp mo.. Tapos, magtetext ako.. Ako na bahala.. Kailangan ko din pala medyo baguhin ugali ko para di mapansin.." ANGELA

*endofflashback*

"Grabe! Pinagplanuhan niyo talaga to?! " Magwwalk-out sana ako pero di dahil sa galit ako.. Natutuwa kasi ako.. Na nageffort talaga siya para sa akin.. para sa amin.. nagsacrifice happiness niya.. Naiinis ako sa sarili ko.. Di ko alam paano babawi sa kanya.. sana sapat na ako..

Niyakap ako ni Angela from back.. It feels great..

"G-galit ka ba? " parang umiiyak siya.. kaya humarap ako.. at di nga ako nagkamali.. pinahid ko ang mga luha niya..

"Hindi ako galit.. Nabigla ako. Ganyan mo padin talaga ako kamahal.. Nagawa mong makibalita na lang muna sa mga kagaguhan ko.. Nagawa mong iwan yung kasiyahan mo dapat para sa akin.. Maglaan ka talaga ng oras para mapatino ako ulit.. Sorry nasaktan kita.. Mahal na mahal kita Maika.. Pero mas minahal kita nung sobrang nakilala na kita at nakasama bilang si Angela.." nakayuko lang siya habang umiiyak.. iniangat ko ang mukha niya.. I kissed her.. a kiss that's full of love..

"Oy oy oy! Dun kayo sa kwarto! wag dito! Hahaha!" Biro ni Kris.

"Istorbo ka eh! Hahahaha! " Niyakap namin siya ni Angela..

"Aray aray! Naiipit ako! " sigaw niya habang pumapalag..

Nung binitawan namin siya, nag-ayos siya ng sarili niya.. Ako naman, umakbay kay Angela. Siya naman, nakaakbay din sa may bewang ko..

"Kris, seriously.. Thank you.." Salita ni Angela..

"Malakas ka sakin eh! Alamo yan! Si, ako na unang magwwelcome sayo sa family?" KRIS TO ANGELA

nagkulitan lang kaming tatlo..

Ako nga pala ulit si Mark.. Playboy noon.. Pero tinamaan ng pana ni kupido.. madaming babaeng napaiyak.. madaming karma na naranasan.. At nagpapasalamat ako sa mga umintindi sa akin.. Sa nagtiyaga.. Sa hindi ako iniwan hanggang sa huli.. Si Kris.. at si MAIKA ANGELA.. My FUTURE WIFE.. This time, magpapakatino na ako..

This time, di ko na sasayangin lahat ng pagmamahal niya..

This time, di ko na siya pahihirapan...

This time, di ko na siya sasaktan..

And this time, aalagaan ko na ang taong nagtiyaga sa akin..

This time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon