Ang tunay na girlfriend kayang magpatawad at magtiwala. Ang tunay na boyfriend kayang rumespeto at umunawa.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
3 months later...
"Oh pre! O sige, kadadating ko lang ulit ng Manila. Bar? Mamaya? Sige. Okay." Kausap ko yung kaibigan ko sa cellphone. Galing kasi ako ng Malaysia. Bilang researcher kasi ng grupo, kailangan ko talaga sumama.
Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Kris. Hinanap agad kung anong pasalubong ko sa kanya. Pagkatapos namin magkamustahan, dumeretso na agad ako sa kwarto ko para makatulog..
*I will never let you fall, I'll stand up with you forever. I'll be there for you throught it all.. even if saving you sends me in heaven*
"uh hello? " sagot ko sa phone gamit ang aking Just-Woke-Up voice..
"Hoy pare! ano ba yan?! natutulog ka pa ba?! On the way na ako diyan! Magbihis ka na. Sige bbye." Oo nga pala! may lakad pala kami.
Naligo na ako at nagbihis. Konting ayos ng buhok. Pili ng damit at sapatos. And *ting* okay na ang bar look ko.
Maya-maya pa, dumating na si Hero (yung kaibigan ko). Syempre, kasama namin ang buong barkada.
*sa bar*
~bottoms up bottoms up ever see your cup....~
oooooh party music.. Nakakamiss pumunta dito.. Matagal tagal na din pala ako nagkulong sa bahay..
Matino pa naman ang mga tao kasi medyo maaga pa. Konti pa lang ang alcohol sa katawan. Wala pang init na nararamdaman.
Inabutan naman ako ni Hero ng maiinom.
*inom*
"Ahhh! Pare, wala kang balak maggirlfriend? Andami dyan oh. Haha sa dance floor lang eh!" si Hero yan
*inom*
" Lul pare. Nagpapakatino ako ha. Tantanan mo ako." Wala pa talaga akong balak. Wala pa yung babaeng kabiyak ng puso ko..
"Hay nako! ewan ko sayo! Pssssh. Inom na lang yan!"
nagcheers kami at uminom.. uminom ng madami..
Nakaramdam na ako ng pagkahilo.. Andami na din sumasayaw.. Teka anong oras na ba? Titignan ko yung relo ko nung may humila sa akin.. Papunta sa dance floor.. Yumakap sa akin, sumayaw na halos magkadikit na yung katawan namin.. Tinitigan ko lang yung babae at nagising ako sa nakita ko..
"L-Laira?!" Pasigaw kong tanong para sigurado na din na marinig niya..
"Shhh.. Stop broadcasting my name!" sayaw pa din siya ng sayaw sa akin..
"What the hell are you doing Laira?! " Nagulat lang naman ako nung tumalikod siya sa akin tsaka inilagay ang kamay ko sa bewang niya at dinidikit ang likod niya sa akin.. Hindi na ata ako sanay nsa mga ganitong eksena.. Hindi ko nagugustuhan na sinasayawan niya ako..
Hindi siya sumasagot sa tanong ko.. Kaya hinila ko siya palabas..
"Laira ano bang problema mo?!" Sigaw ko habang hawak ng mahigpit ang braso niya..
"Ouch! Masakit huh! Wala akong problema! Nagpapakasaya lang ako! "
"Nagpapakasaya?! Masaya ka na binabastos ka ng mga lalaki sa loob?! Ano ba?! Kasalanan ko ba 'to. Please lang, nakukunsensya na ako.. Wag mo ganyanin ang sarili mo dahil sa akin.. Patawarin mo na ako.." Ngumisi naman siya tsaka nagsindi ng sigarilyo.
"Wala kang kinalaman dito.. Gusto ko 'to.. Tsaka patawarin? matagal ko na ginawa yun.." Binugahan niya ako ng usok.. Then a guy came and kissed her on forehead..
Dito ko nalaman, yung guy na yun ay boyfriend niya.. Nakilala niya ito when she was at Singapore.. Nagkakamabutihan sila umuwi dito.. Dun namin naisip, quits pala ang nangyari.. Nagpasalamat pa nga sa akin si Laira kasi kung hindi ko siya pinalaya, baka hindi siya ganto kasaya ngayon..
Haaay.. Naayos na ang sama ng loob ni Laira.. Angela, ikaw na lang ang hinhinty ko..